CHAPTER 6

3 0 0
                                    

Swipe makikita nyo ang video na Deja Vu by: Crystal Jobli promise maganda 'to ang music na 'to iyan ang background music dito sa Chapter na 'to.

Enjoy reading!❤

VINCE

nakaupo ako sa kama ko at napahagulgol ako sa iyak hindi ko na makaya ang sarili ko na maiyak dahil sa nakikita ko kanina.

Bakit ang saya saya nya sa iba samantalang ako ang boyfriend nya ay binalewala nya ako. Isa lang akong laroan na binabayaan at tinapon sa basurahan dahil hindi na nya ako mahalaga.

Habang umiiyak ako ay dahan-dahan na ako humiga sa kama ko at humarap ako sa kisame. Tinahan ko ang sarili ko pero yung luha ay patuloy parin bumagsak. Hanggang sa dahan-dahan na ipinikit ang aking mga mata.

Umaga na at nag discuss si professor pero yung utak ko naging blanko at ang mata ko ay para akong kinagat sa bubuyog dahil sa mata ko namumula. Nag suot ako ng shades para hindi nila mapansin na umiiyak ako kagabi.

Buntong hininga nalang ako saka sumandal sa upuan ko.

Recess na at nandito kami sa pwesto namin. Sina Asher at Ten ay nagtatawanan dahil sa pinanood nilang funny videos, samantalang si Zyril ay nagbabasa ng libro. Ako? Napaisip ako kung paano ko makausap si Celine.

“Hindi mo ba kainin nyan? Sayang naman oh” sabi ni Asher sabay tingin sa pagkain ko na hindi ko ginalaw.

Wala akong gana kumain. Hmm

Pinatong ko ang ulo ko sa palad ko, “sayo na iyan wala akong gana” sabi ko sabay bigay kay Asher. “Thank you yum yum!” sabi nya sabay nya kinagat ang burger.

Sinubsob ko nalang ang ulo ko sa lamesa saka tinanggal ko ang shades  at hinarang ko ito gamit ang mga braso ko para hindi makita ang mga tao dumadaan dito. “guys gisingin nyo ako kapag nag bell na ha” sabi ko

“Okay,” sabay nila sabi

“Sleep well.” bulong ni Xyriel at tinapik nya dahan-dahan ang balikat ko.

“Hmm”





“Ernest!” rinig ko ang boses na nais ko muli marinig ang kanyang boses.

Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko at hindi ko pala namalayan na bumagsak na pala ang luha ko. Hanggang sa nakaramdam ako ng init mula sa likod ko at hinigpitan nya ang pagkayakap sa akin.

“Huwag mo kami iwan!” sabi nya ngunit mahina ang kanyang boses.

Lumakas ang pagbagsak ng snow at hangin at kami nalang dalawa nandito sa labas. Wala akong nakita kundi puti at yelo lang ang nakikita ko sa paligid.

“Kahit ano pa sabihin mo para manatili dito sa mundong ito mamatay rin ako. Kaya Alyssa, hayaan mo na ako mamatay sa sakit na ito”

Humarap ako saka niyakap ko sya pabalik.

“Mahal kita, Mahal na mahal kita lalo na ang anak natin. Kung mawala ako sa mundo, maghanap ka ng ibang lalaki. Ayoko maging malungkot ka mahal ko lalo na ang anak natin.”

Aleesha X Vince (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon