ALEESHA
Gabi na at nandito parin kami sa resort at dito kami matutulog. Si Diana. Ayun, nagtampo
“Babalik ka pa sa Canada? Aleesha, wala na ang kuwentas na yun kinuha na yun hindi mo na makita pa uy!”
“Ang tanga mo talaga eh no? Hindi ka talaga marunong mag ingat!”
“Sana hindi ko nalang binili yung kuwentas na yun.”
“Wala kang kwenta!”
Ang sakit nya mag salita. Ganyan naman talaga sya kapag magalit masakit magsalita. Naka upo ako sa kama at nilalaro ko yung tali sa damit ko.
“Opo, sige po kuya baba na po kami” sabi nya.
Kinausap nya ang kuya nya sa telepono maya maya ay pinatay na nya ang tawag at humarap sya sa akin. “Baba na tayo” sabi nya in serious tone saka naglakad na sya papalabas hindi na nya ako hinintay pa lumabas. Tumayo na ako saka lumabas ako sa room namin.
Nandito na kami sa baba at tahimik kami kumain. At nakita ko si kuya Miguel naglakad palapit dito.
“Oh ang tahimik nyo dalawa ah. Ano nangyari?” tanong ni kuya Miguel
“Pagod lang po” seryoso nyang sagot
Tumango nalang ako sabay subo ng kanin at ulam. Umupo si kuya Miguel at tinignan nya kami dalawa.
“hindi ko makita ang itsura nyo na pagod, parang galit kayo dalawa sa isa't-isa. Ikuwento nyo nga sa akin kung anong nangyari?”
Uminom muna ng tubig si Diana at buntong hininga, “huwag kana mangialam kuya sa amin lang ‘to” irita nyang sambit at sinamahan pa nya ng tingin ang kuya nya.
“Diana, kuya mo ako sabihin mo sa akin na anong nangyari bakit galit na galit ka sa kaibigan mo”
“tsh! papansin talaga si kuya” bulong ni Diana at narinig ko naman ang sinabi nya.
“Oh eto ichika ko sayo kung anong nangyari, bakit nag tampo kay Aleesha dahil sa kuwentas”