3.

2 2 0
                                    

"Anong gagawin natin? Hindi magtatagal at dadating sila para sa kanya. Nanganganib tayo at ang mga taga nayon, Roman. Alam mo yan. Alam nating lahat kung ano ang kaya nilang gawin at hindi sila titigil hangagat hindi nila siya nakukuha."

I stirred. Ramdam ko ang sakit ng buo kong katawan nang nagpumilit akong bumangon.

Napangiwi ako sa hapdi ng aking braso at tuhod. Nang tingnan ko iyon ay nababalutan ang mga ito ng tela na may mga dahon. Amoy ko rin ang langis na ipinahid duon. But it does'nt smell bad.

Napasinghap ako at napapikit nang mapagtantong hindi ko na suot ang dati kong damit sa halip ay isang bestidang puti na ang suot ko ngayon. Medyo nagpanic ako dahil duon. Nang pinakiramdaman ko ang aking sarili ay wala namang kakaiba duon maliban na lang sa paghapdi ng aking mga sugat sa bawat paggalaw ko.

Sinubukan kong bumangon at inilibot ko ang aking paningin sa paligid. I'm in a room. All walls are made of bamboo and woods. Walang masyadong gamit maliban na lang sa maliit na mesa at bangko sa gilid ng papag na hinihigaan ko na pare parehong gawa sa kawayan. Maliit lang at napakasimple.

How ironic that I complemented this room when i don't even know who own this. O baka nasa poder na ako ng mga humahabol sa akin. I can't remember. Ang huli kong natatandaan ay buhat buhat ako ng lalaking nagligtas sa akin sa gubat and that's all.

Napalingon ako sa bandang kaliwa nang may lumagitgit duon. There i saw a cute little boy peeking at the half close door. Ang kalahating katawan nito ay natatakpan ng pinto. At nang makitang nakatingin ako sa kanya ay bigla na lang itong kumaripas ng takbo paalis.

Sinubukan kong tumayo sa papag ngunit bago ko pa maibaba ang mga paa ko sa sahig ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang isang middle age woman and man.  Nasa likod ng mga ito iyong batang lalaki na parang tukong nakakapit sa tingin ko'y mga magulang niya.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Tanong ng ginang sa akin. Hindi ito lumapit sa banda ko pero hindi rin malayo ang distansya naming dalawa. Simple lang akong tumango.

"Nasaan po ako?" Tanong ko kapagkuwan.

"Nasa bahay kita. Dinala ka dito ng anak ko na walang malay at sabi'y galing ka daw sa ipinagbabawal na gubat at tinutugis ng mga banditas."

Anak? Anak niya ang nagligtas sa akin sa gubat? Pero bakit wala siya dito? Pasimple kong inilibot ang mata ko sa pintong bukas na bukas.

"Hindi ka taga rito."

Napabaling ang atensyon ko sa ginang. Hindi iyon tanong pero tumango ako. Ang mga malumanay nitong anyo ay napalitan ng nangingilatis na itsura. Napaiwas naman ako ng tingin at napayuko.

"Kung ganon nga at hindi ka nga taga rito, paano mo maipapaliwanag kong paano ka napunta dito? "

Napakagat ako ng labi at hindi umimik. Paano naman kasi ako sasagot kong maging ako ay hindi alam kung paano ako napadpad dito. Ngunit kapagkuwan ay napagpasyahan na lang na magsabi ng totoo.

"Hindi ko po alam. Pero hindi po talaga ako taga rito. Ang alam ko lang nagising na lang ako at nanduon na sa gubat."

Nakayuko pa rin ako habang pisil pisil ang mga daliri sa kamay.

"Imposible iyon!?"

Napakislot ako sa pagtaas ng boses nito. Napakagat na lang ako ng labi sa sobrang kaba.

"Carmel!"

Dinig kong saway ng asawa nito.

"Totoo po ang lahat ng sinasabi ko. Taga Maynila po ako at nasiraan lang ng sasakyan sa daan. Hindi ko po alam kung paano pero nakatulog po ako at paggising ko ay nasa gubat na ako."

The Shepherd Of The Beacon Where stories live. Discover now