4.

2 2 0
                                    

Awang pa rin ang aking bibig habang nanatiling nakatayo sa labas ng bahay. Maraming tanong ang nabubuo sa utak ko. Sa dami ay hindi ko na maintindihan. Isa na duon ay kung paano ako napadpad dito at bakit ganito ang lugar na ito.

Ang akala ko nga nananaginip lang ako pero lamog na lamog na ang braso ko sa sobrang pagpipisil ko baka sakaling magising nga ako kung totoong panaginip nga ito pero hindi. Totoo ang sakit. Maging ang mga sugat ko sa katawan ay totoo.

There is really a wonder behind this all. Iyon ang gusto kong alamin. Kung paano ay hindi ko alam. Ayoko namang magtanong sa pamilya ni Hiro. Hindi naman ako kasi manhid para hindi maramdaman na hindi nila ako pinagkakatiwalaan. Naiintindihan ko naman iyon. Kaya kahit nangangati na ang dila ko, hindi pa rin ako nagtatanong.

Mahina at mabagal akong naglakad patungo sa likod bahay. Ang akala ko nuong una ay may makikita akong ibang bahay pero wala. Sa tingin ko ay nagiisa lang ang bahay na ito dito.

Tumigil ako sa paglalakad nang nasa harap na ako ng isang punong tumba at duon naupo. Mula sa kinauupuan ay tanaw ko ang kabuuan ng lugar. Ngayon ko lang din nalaman na sa isang burol pala nakatayo ang bahay nina Hiro kaya naman pala wala silang kahit isang kapit bahay kasi halos lahat nasa baba.

Kitang kita nga ang buong lugar. Nakakalungkot lang pagmasdan dahil sa katayuan niyon. Naiisip ko nga kung paano sila nabubuhay sa lugar na ito kung ang isa sa mga pinagkukunan ng yaman ay halos....wala na..

Hindi ko lubos maisip kung paano ang buhay ng halos lahat ng tao sa lugar na ito. Naiisip ko pa lang na paano kung ganito rin ang buhay ko ay hindi ko na kaya. Kaya sa isang banda ay swerte pa rin pala ako sa buhay ko sa labas ng lugar na ito. Kahit papaano ay hindi ganito.

"Nariyan ka lang pala.."

Napalingon ako sa aking likod. Napagmasdan ko duon si Hiro na seryosong nakatingin sa akin. Nagulat ako sa presensya niya kaya hindi ko namalayang umupo siya hindi kalayuan sa tabi ko. Ang mga mata nito ay tutok lang sa ibaba ng burol. Bumaling din ako duon at paminsan minsan na bumabaling dito.

Nakakunot ang noo nitong pinagmamasdan ang baba. Sa sobrang seryoso ng anyo nito ay hindi mo mawari kung galit ba ito o ano. Biglang pumasok sa isip ko ang mga mata nito nang minsang magkakatitigan kami.

Balot iyon ng misteryo. Tulad ng dilim ay hindi mo makita ang kanyang nakikita. Hindi mo mabasa na tulad ng isang kuwadernong bago. Malinaw ngunit malabo. Malabong maintidihan. Malabong malaman ang nakapaloob.

"Ano bang...nangyari dito.."

Bago ko pa mapigilan ang sarili ay natanong ko na siya. Hindi ito lumingon sa akin ngunit hindi rin sumagot.

Napatango na lang ako na para bang naiintindihan kung bakit hindi niya sinagot ang tanong ko. Nakayukong pinisil pisil ko ang kamay ko na nasa hita ko.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa hanggang sa maramdamn ko ang pagtayo nito. Napatingala ako sa dito. Akala ko ay aalis na ito pero nanatili lang itong nakatayo habang nakatingin pa rin sa ibaba ng burol.

Napako ang tingin ko dito. Sa wari ko ay matanda siya sa akin pero hindi nagkakalayo ang edad naming dalawa....sa tingin ko. Hindi masyadong maskulado ang katawan nito but his muscle is on the right place. He is lean na bumabagay sa hieght niyang anim na talampakan o sobra.

Inaamin ko na...aminado akong crush ko nga ang isang ito patunay ang mabilis nabtibok ng aking puso na hindi ko pa nararamdaman kaninuman. Nasapo ko iyon, baka sakaling tumigil ngunit mas lalo lamang lumakas sa pagtagal ng titig ko sa kanya.

"Ang tubig na malinaw biglang lumabo na parang isang bulang biglang naglaho. Ang araw na pinalitan ng dilim ay nanatili. Ang dating tagagabay ay siyang naligaw ng landas at hindi na nahanap pa ang daan pabalik at ang lahat ng iniingatan at pinangakuan ng panghabambuhay na kalayaan ay napasailalim sa kamay ng kasakiman. Wala nang gustong lumaban at tumayo. Gustuhin man...wala nang laban..gustuhin ko man....maraming madadamay..."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Shepherd Of The Beacon Where stories live. Discover now