A/N;
This Poem was dedicated to my Friends/Barkada, no need to mention all of you guys, know yourselves. I hope you like it lovlots to all💙KARAMAY
Isinulat ni: SimpleGirlOnBlueKung sya'y nangangailangan ng karamay,
Ako'y laging nandyan upang umagapay.
Nang pakiramdam maging kalumbay-lumbay,
At 'di na maisip pang 'di na mabuhay.Kung sya'y niloko ng kasintahang sakim,
Sasamahan ko siyang luha'y makimkim.
At tuturuang galit ay 'di itanim,
Upang sya'y makahinga ng mataimtim.Kung sya'y walang baon papuntang eskwela,
Ako'y laging nagbibigay sa kanya.
Upang t'yang walang laman ay 'di mabigla,
At makatulong man lang sa'king dakila.Kaya laging karamay ang nangunguna,
Kahit sa'n man mapad-pad dulo o gitna.
Kapwa na mabuti 'di manghihina,
Dahil oras ng pagtulong ay ngayon na.💙END💙
A/N;
Ang tula pong ito ay may tugma, lalabindalawahing pantig, may apat na saknong, at may apat na taludtod sa bawat saknong.

BINABASA MO ANG
Poetry of Life
PoetrySa aking obrang Panulaan ng Buhay(Poetry of Life), naibabahagi ko ang aking pagkamulat sa mga kaganapan o nangyayari sa ating mundong ginagalawan. Tulang tungkol sa kaibigan, pamilya, sarili, lipunan, at pag-ibig; iyan ang mga tulang nakapaloob sa a...