POL #4. Ang mga taong nalulong sa bisyo, anong epekto?

695 30 8
                                    

Ang mga taong nalulong sa bisyo, Anong Epekto?
Isinulat ni: SimpleGirlOnBlue

Ang mga tao'y may iba't ibang bisyo,
May droga, alak, at paninigarilyo.
Ngunit ano kaya ang magiging epekto?
Sa mga taong nalululong dito.

May iba't-ibang sakit na nakukuha,
Dito sa mga bisyong, nakakahawa.
May asthma, lung cancer, at marami pang iba,
Kaya't kung mahal mo ang kalusugan, ay iwasan na.

Ang paninigarilyo'y nakakasama din,
Kahit mga inosenteng bata'y nadadamay na rin.
Dahil nakakalanghap ng masamang hangin,
na dala ng usok sa paninigarilyong madiin.

Iligal man o ligal na bisyong ito,
Basta kung sumusobra ay nakakasama ito.
Mga minamahal, kalusugan, at buhay ay apektado,
Dahil utak ay 'di pinagana ng maayos at todo.

Kaya't ano pang gagawin ninyo?
Kayong nalululong sa masamang bisyo.
Alaga't mahalin ang sarili niyo,
Magbago na't upang buhay ay hindi madihado.

💙END💙

A/N;
Tulang may tugma ngunit walang sukat.

I Hope you like it all my Asul Hearts 💙

Poetry of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon