Chapter 02 - Too Small of a World

24 0 0
                                    

CHAPTER 02

*Too Small of a World*

"Yes! Magkaka-klase tayong lahat!" Chelsea happily exclaimed. Kanya-kanya naman kaming sigaw 'nun. May 20 minutes na allotted time kami na hanapin ang mga pangalan namin on every sections, and since may anim na sections, pinaghatian naming tingnan 'yung lima and hinuli na yung last section, and who would've thought that we ended altogether in the same section.

"Yes to more memories!" Trixie added. Sobrang saya lang namin na magkakasama na kami ngayon, finally. Si Chelsea lang kaklase ko kasi yung tatlo sa ibang sections on our previous years, and iba pala talaga sa feeling na finally sa iisang classroom na kami ngayon.

"Worth it yung pagpapakabait natin kay Sir Tuazon, or baka 'di lang nila namalayan na nasa iisang section na tayong lahat." Reggie remarked. Natawa na naman kami ulit kasi si Sir Tuazon ang Prefect of Discipline ng school, at kapag nagkakaso ka sa office niya, tiyak na pagdaraanan mo muna ang hell from enrollment and all-year round. We even saw familiar names on the list ng section namin, IV-Charity. Halo-halo actually ng kinds of students na per section, hindi na kagaya nung 'dati na may star section/class talaga, pero somehow nag eexist pa rin 'yun dito sa school namin, na para bang unconscious caste system. Pero imbes na ilagay sa iisang section ang mga delinquents, equally distributed na sila sa mga sections.

We were still exchanging stories with our classmates nang may tumikhim sa likod namin. "IV-Charity, fall in line alphabetically," Ms. Alvarez commanded. "Exchange your stories later, magkakailala naman na kayo," she added.

Medyo nakakatakot si Ms. Alvarez, at siya ang adviser namin this year! Science teacher ko siya 'nung second year. Tahimik naman siya in person at mukhang seryosong tao kaya medyo takot din ang lahat sa kanya. Also, dito sa school namin hindi tumatanggap ng transferees, once umalis ka dito, hindi ka na makakabalik. So basically, kami-kami lang din magkakakilala kaya medyo nagkakasawaan na kami ng pagmumukha ng isa't isa. Pero dahil last year na namin ito, I better cherish the memories watching my batchmates na I literally grew up with. Nakaka-bittersweet tuloy sa feeling.

Pagpasok namin sa room, may naka-assign na seat plan na pala si Ma'am. Nakakawindang pagiging prepared niya! So tahimik na kaming dumiretso sa kanya-kanyang mga upuan. May 5 columns ng seats at columns, at 'yung mga upuan is arranged in pairs. Naiisip ko tuloy na may pagka-OC si Ma'am sa kung gaanong well-arranged ang classroom. Maayos na ang decorations at malinis ang floors at ang chalkboard. I'm seated sa column 4, line 2. Chelsea on column 5, line 5; Trixie column 3 line 1; Sharmaine column 2 line 1 at si Reggie column 2 line 5. Minemorize ko na agad ang seats nila para maplano namin kung kanino makikipag-exchange ng upuan sometime later.

"Good morning, class." Ms. Alvarez greeted. We stood and greeted in return. "Welcome to the new school year, and also your last year being Wheilberg's students." she added. May ilan na napa-Aww sa kumento ni Ma'am, and even I can't help feel a bit emotional kasi day 1 na ito ng 10 months namin as graduating students. Ayaw pa mag sink-in sa utak ko this early.

"And to start the year, of course-" hindi pa natatapos ni Ma'am yung sasabihin niya when the boys at the back groaned. Syempre alam na namin ang ganap 'tuwing first day of class, mawawala ba ang self introduction. Medyo nagsimula na ring umingay ang buong klase. Looking at my classmates, mabibilang lang ang mga seryoso dito katulad ni Shar, and I don't think na okay ang mga kaklase ko na mabigat na agad ang atmosphere lalo't si Ms. Alvarez pa ang adviser namin.

Nagtaka kami bakit biglang nag walk-out si Ma'am. Uh-oh, nabadtrip ba yun agad at nilayasan kami? Nag shh  yung iba sa mga boys na maiingay kanina sa likod, while others are pinpointing/blaming each other kayo kasi.. Even with hushed voices nagsisisihan pa rin sila, wth.

The Variable Y | (Fate Series #1.0)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon