CHAPTER 05
*I Owe Him a Thank You*
Regular classes na kami, and since July na, it already means one thing, malapit na ang Nutrition Month, at nagiging busy na ang section namin sa preparations sa mga events related to it.
"Sana magkaroon din ng nutrisyon ang lovelife ko this year," Trixie sighed. Nakapwesto kaming magkakaibigan sa may bintana ng classroom namin, waiting for our first period sa hapon, which apparently is, Math. Si Sir Torres ang teacher namin dito, and as much as everyone likes him for being a cool teacher, iba siya kapag nasa classroom. Strict kung strict, pero tropa naman siya ng karamihan outside, lalo na ng batch namin.
Chelsea scoffed at her remark, "Girl, akala ko ba aamin ka na dun kay Allan? Anyare na?"
"As if naman I would just outright say my feelings for him. May natitirang dignidad pa rin ako, you know," she said in defense.
"Ikaw Nance, kumusta? Nagkita kayo ulit ni N?" Reg asked.
Nga pala, hindi ko pa pala nakukwento sa kanila na applicant si Nathan ng club namin, at hanggang pangalan pa nga lang nalalaman namin sa kanya. According to Trixie's research sa underground gossip site ng school, friends nga daw 'nung si Allan si Nathan. We checked his info doon sa website, and that leads us to his Twitter account, and saw his profile sa band nila named Triple Threat. He's the main vocalist and played the guitar as well.
"Wala pa, but I know there might be progress soon," sinadya ko talagang may tono ng pang-iintriga ang pagkakasabi ko kaya na-curious naman sila."Ganyanan pala ha, hindi ka nagsasabi sa amin!" Chelsea said. Hindi ko namang planong itago sa kanila, sadyang nawala lang sa isip ko since kasama ako sa screening committee ng The Vanguard to assess the new applicants. Kaya lang sa literary ako nakatoka, at wala pa akong balita kung nagsimula na ang screening sa mga illustrators.
I told the girls na applicant na nga ng club si Nathan, to which they happily gushed. They even said I must now grab the opportunity para makipag-close ako sa kanya. Since nadadala na rin ako ng excitement nila, I am already plotting my strategies in my head.
Our stories were cut short nang mag bell na, at saktong dating ni Sir. We took our seats, at ano pa nga bang bago? Late na naman ulit si seatmate.
Nagsimula ng mag lecture si Sir. Quadratic functions na naman. Sumasakit na ang ulo ko rito trying to follow his explanations habang naggsusulat ng formula. Ang bilis kasi ni Sir, habang nagsasalita siya at nag di-discuss, ay kasabay din nun ang pagsusulat ng kamay niya sa blackboard. Hindi namin tuloy alam ano ang uunahin.
Doon ko lang napansin si seatmate nang bigyan kami ni Sir ng time para kopyahin 'yung mga naisulat niya. When I glanced at Raven, ni wala man lang ang atensyon niya sa harapan at nakatingin pa sa malayo. Nahuli ko pa siyang naghihikab, kaya napatingin din siya sa akin at tinaasan ako ng kilay as if saying na I am annoying him.
BINABASA MO ANG
The Variable Y | (Fate Series #1.0)
Teen FictionDeterminado si Nancy Ramirez na makuha ang atensyon ng lalaking gustong-gusto niya magmula nang masilayan niya ito noong Welcome Blast Opening sa school nila, ngunit alam niyang hindi magiging madali na mapansin siya ni Nathan, lalo na't palaging na...