Chapter 01 - This Feeling

30 0 0
                                    

CHAPTER 01

*This Feeling*

Maaga akong nagising ngayong umaga. It's our first day of school, and who wouldn't get the excitement this day na makikita ko na naman ang friends ko for a new school year and our last year in high school! Fourth year student na ako sa Wheilberg High, an exclusive international school sa Pilipinas. As far as I know, isa ang school namin sa mga pinakaunang nag-adopt ng K12 curriculum back then. And yeah, second to the last na ang batch namin na muntik ng abutan ng K12, as much as I don't understand anything yet about this new curriculum except sa nadagdagan ang high school year, looking at the positive side makes it more meaningful na ang mga lower years get to be high schools twice - meaning, twice the fun din.

Every year, tradition na ng school namin na kada opening ng new school year ay may Welcome Blast. I can still remember 'nung nasa first year pa lang ako and I'm so amazed sa mga pakulo ng school namin. Introductions of the teachers aside, isa sa highlight ng Welcome Blast ang opening speech ng nag top sa entrance exam ng aming batch. Since this is an exclusive school, talagang sinasala raw nila ang mga students na makakapasok, like there's a thorough process in everything. Hindi lang aptitude tests ang pinagdaanan namin, dahil may kasama pang interview na talaga namang ikinawindang ko 'nun! Thankfully I passed through the screening process, so here I am, isa ng fourth year student. 3 years has passed since then, pero 'yun na nga, 'yung opening speech ng nag top sa exam namin was so remarkable. They even said na perfect daw niya lahat ng exams and the interview, and what struck me the most in his speech was how he said na "High school is a wholesome experience where we get to know ourselves and our potentials, and maximize it to the fullest." And that's the day that I decided to follow his words. I admired him, though I can't exactly recall his name, at hanggang ngayon na fourth year na ako, I still want to properly thank him for inspiring me back then. 'Yun nga lang, madalang ko siyang makita and I don't think mapapansin naman niya ang mga normie na tulad ko sa school.

"Nancy!" malakas na tawag sa akin ni Reggie. She's my classmate ever since second year. Regina, or Reggie, as we call her, ang pinaka-hyper sa aming magkakaibigan. May pagkabasagulera rin siya kaya some of the boys on our grade level ay takot sa kanya. Umuso nga 'nun yung motto nung second year kami ay No one messes with Reggie, and there even came false rumors noon na ilang beses na daw napadala sa Prefect of Discipline si Reggie. None of that mattered for her anyway, basta wala lang daw magkakamali na gumawa ng masama sa amin.

"Reg!" I called back. Nakatayo siya sa may gate ng school at halos tumakbo na ako para makarating ako kaagad sa kinaroroonan nila. Ako na lang ata ang wala sa aming magkakabarkada, kaya binilisan ko na ang paglakad. Naririnig ko pa ang pagtawag ng ibang batchmates namin ng Welcome to Wheilberg! at Happy New School Year! sa mga freshies at sa aming old students respectively. I can really feel na this is really the start of everything.

Malapit na ako sa kinatatayuan nina Reggie nang muntik na akong mapasubsob sa lupa! God, first day na first day ko ang pangit na agad ng pambungad! Naramdaman ko na lang kasi na may parang matigas na bagay na tumama sa likod ko dahilan para mabuwal ako. Akala ko madudungisan na ang iningatan kong ayos this morning nang maramdaman kong may kamay na mabilis na humawak sa braso at balikat ko para hindi ako tuluyang masubsob sa daanan.

"Hala, sorry! Muntik ka na doon ah!" the voice said. Iniayos niya ako para makatayo ako ulit. I was about to be mad at him pero pagtingin ko, the guy was smiling ear to ear habang nakadaupang palad siya. He mouthed sorry again at bahagyang pumikit, he might be thinking na sasapakin ko siya. Okay, kalma ka lang self. Baka hindi naman niya sinasadya 'yun.

Nang hindi ako sumagot, he added, "Okay ka lang? Masakit ba 'yung tama sa'yo? Sorry talaga!" sabay silip sa may likuran ko na tinamaan 'nung dala niya. May nakasabit na guitar case sa balikat niya, so 'yun na nga 'yung tumama sa likod ko. He's tall, and his hair is dark brown na kakulay din ng mga mata niya. Gosh those eyes. Ang ganda-gandang tingnan lalo na't the sunlight reflects the brown hue from them. And to perfect the combo, his innocent smile that tells me na hindi niya talaga sinasadyang mabangga ako.

The Variable Y | (Fate Series #1.0)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon