Chapter 06 - Someone Great

11 0 0
                                    

CHAPTER 06

*Someone Great*

"Okay class, let's elect our Human Kinetics club officers mula sa section niyo today," bungad sa amin ni Sir Almirante after ng morning greetings. Since ang Human Kinetics ay part ng subject-centered clubs, ang mga officers na mae-elect dito ay may chance na mapabilang sa Mother Club (kasama na lahat ng year levels and sections) na silang maatasang mamahala sa Sports Fest ng school namin.

I heard my classmates' excitement upon Sir's announcement. Siyempre, isa talaga sa mga nilo-look forward na events dito sa school namin ang Sports Fest. Siguro part na rin na last na namin ito kaya kailangang sulitin na. Pero sa October pa naman 'yun kaya hindi ko pa masyadong ramdam.

Since si Gabriel ang class president namin, siya na ang inatasan ni Sir na mag facilitate sa election. The nominations quickly followed para sa position ng President. Si Gerdine ang nanalo bilang President, while Vice President naman si Erick.

Hindi ko alam anong meron sa posisyon ng secretary at halos karamihan ng babae kong classmate gustong i-nominate ang mga sarili nila. Kahit si Trixie na-nominate doon, thanks to Chelsea's antics.

"Nance, support mo ako ha. Baka sakaling maging officer si Allan my labs," sabi sa akin ni Trixie na nagawa pang lumapit sa kinauupuan ko.

"As if namang magiging officer 'yun, athlete, remember? Ang nasa Mother Club ay walang team sa Sports Fest!" sabi sa kanya ni Faith, seatmate nito. Parang gusto tuloy ni Trixie na bawiin ang slot niya doon. Gaining only 6 votes, nakahinga na ng maluwag si Trixie at dineclare na panalo na si Leonna.

Sinilip ko naman itong katabi ko na mukhang walang pakealam sa mga nangyayari sa classroom, kahit na nag iingay na ang karamihan sa amin. I can't even initiate na kausapin siya thinking of what I did few days ago. Nahuli na naman niya akong nakatingin sa kanya.

"Sorry," I muttered at nag-iwas na ako ng tingin.

"Sorry for what? Staring at me or for what you did?"

"Both. Tsaka kahit medyo late na thank you na rin pala doon sa quiz natin sa Math. Nagsabi ka na lang sana nang natulungan kitang mag solve." I heard him chuckle on the last part of what I've said.

"Okay. I think I have to make it up for you," sabi naman niya sabay ngiti nang makahulugan. Ngayon ko lang ata napansin na nangiti siya, kasi the whole time lagi lang akong iniirapan, and I can't help na maintriga on what he meant by that. Nagulat na lang ako nang bigla siyang magtaas ng kamay.

"Yes, Raven?" tawag sa kanya ni Gerdine. Maging 'yung mga kaklase kong ang iingay kanina napatigil at napatingin kay Raven. Hindi ko napansin na tapos na pala ang treasurer at auditor at ang na-elect ay sina Paula at Desiree respectively. Position na ng PIO ngayon ang nominations.

"I highly nominate Nancy Ramirez in the position," sabi nito. Napatanga pa ng ilang segundo si Leonna kasi akala niya hindi si Raven 'yung nagsalita. Maging ako takang-taka na nakatingin lang sa kanya, at hindi talaga siya naupo hangga't di natatapos isulat ni Leonna 'yung pangalan ko sa board. Pati mga kabarkada ko nagulat din sa pangyayari.

"Anong nakain mo at bigla mo akong ni-nominate doon?! Is that what you're saying na making it up for me?" gulat kong sabi sa kanya. Gusto ko ngang bawiin 'yung nomination ko kasi baka di ko magampanan nang maayos 'yung responsibilities, given na part pa ako ng school paper.

"I'm telling you, you're great for the position. I think you can do it." sabi pa niya.

Di ko pa rin maiwasang di magulat sa pinagsasabi niya, iniisip pa nga lang naming magkakaibigan anong strategy para maging close kami nitong seatmate ko, tapos siya namang sorpresa niya sa amin. At namalayan ko na lang na tinawag na ni Gerdine ang pangalan ko kaya tumayo na ako sa harapan. Kahit hindi ko man alam ang rason ni Raven for doing what he did, I still thanked him kahit confused rin ako.

The Variable Y | (Fate Series #1.0)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon