CHAPTER 03
*He Saw Through Me*
"Nance? Yuhoo??"
Hindi ko napansin na ilang minuto akong nakatulala habang nakatingin sa direksyon nina Nathan at Raven. Chelsea even snapped her fingers in front of my face, ganun na nga siguro katagal akong tulala na parang di ko man lang narinig 'yung pagtawag nila.
Nakabalik na rin si Trix sa table namin, as usual kinikilig pa rin. Nasanay na kami sa kanyang fangirling moments kaya 'di na bago sa paningin namin itong scenario na ito.
"Beh nakakatakot na 'yang pagtingin mo, what's wrong with you?" Trix said. Napatingin naman sa akin 'yung tatlo.
"Uh, w-wala, wala. Iniisip ko lang 'yung mga isusulat ko mamaya," I said, and mentally made a note kung ano nga bang magandang ilalagay ko doon sa pinapagawa ni Ma'am.
Kaso agad din kaming nagulat nang biglang sumigaw si Trix, "Oh my gosh!" sabay patakip pa ng bibig na nalalaman. Malas niya dahil katabi niya si Reggie kaya nakurot naman siya agad sa tagiliran. We all glared at her na maupo na siya kasi pinagtinginan talaga siya ng ilang students na nandoon sa cafeteria.
"Pwede ba girl, calm your horses! Nakita mo naman na 'yung si Allan, so no need to scream on us, okay?" sabi ni Chelsea sa kanya.
Pero mukhang di siya narinig ni Trix, who is silent na halatang nagpipigil na naman ng kasunod na tili. She isn't looking at us, kaya sinundan ko 'yung tinitingnan niya and wth, kasama na 'nung Allan na 'yun sa iisang table si Raven at si Nathan.
I know I shouldn't overreact. Halos kilala ko naman lahat dito sa batch namin pero ngayon ko lang napansin 'yung presence nina Raven at Nathan. None of the two were my classmates before pero never ko namang narinig na silang dalawa ay associated doon sa kay Allan na crush ni Trix. Or baka sadyang boys' circle of friends is just small kaya sila-sila lang din.
As if reading my thoughts earlier, Reggie exclaimed, "So magkakilala pala sila?" pati si Sharmaine na kaninang walang pake sa outbursts ni Trix ay napatingin na rin doon sa grupo nila. And since were all wondering, napatingin kami kay Trix but she quickly said, "I swear I didn't know! Alam ko most of his time kasama niya teammates niya!"
"Mukhang may chances ka Nance ha, the universe is finally cooperating," Shar said. Nagulat naman kami on that sudden remark. I mean, di ko lang ineexpect na sa kanya manggaling 'yun.
"Yeah, tama si Shar girls," Trix agreed. "So, I say we propose a plan. To hit two birds with one stone." sabi pa niya.
Sabay-sabay talaga kaming napa-'ha?!' sa kanya. Knowing from her looks, mukhang may kalokohan nang nasa isip itong babaeng 'to. But since mukhang 'di na mapakali si Trix, she explained the whole plan to us.
"What?! Makikipag-close ako sa kanya?! No way! There's no freaking way!" I immediately countered. Trix proposed na since seatmate ko naman daw si Raven, I could befriend him and eventually, sooner or later, baka ipakilala na niya ako kay Nathan and the rest of the guys in their circle. Makikipag-close din daw si Trix kay Raven gaya ko para mapakilala naman siya kay Allan.
"This is really stupid," Reg said. "You can just ask him directly to befriend you, or add him sa social media."
"Pero may possibility 'yung pagiging close kay R. Isang opening na 'yung activity mamaya Nance, don't let that pass." Chelsea said.
In the end, we all agreed na somehow kilalanin ko muna si Raven. And we assigned codenames for them too based on their initials, halata naman kasi kami masyado. And aware naman kami, lalo sa kaso ni Trix na hindi siya nag-iisa, may competition. At hindi lang sa batch namin, maging sa lower year levels pa.
BINABASA MO ANG
The Variable Y | (Fate Series #1.0)
Teen FictionDeterminado si Nancy Ramirez na makuha ang atensyon ng lalaking gustong-gusto niya magmula nang masilayan niya ito noong Welcome Blast Opening sa school nila, ngunit alam niyang hindi magiging madali na mapansin siya ni Nathan, lalo na't palaging na...