Chapter 1 Falling Angel

10 4 0
                                    

BEEP! BEEP! BRRRROOOOOOOMMM! WIWIWIWIW! WANG WANG WANG!

Ito ang mga ingay na lagi kong naririnig dito sa aking mumunting business. Diba meganon! Isa akong tindera ng...

"Ate pabili ng candy tatlo, isang fortune puti at tsaka isang basahan, pakibilisan ate aandar na ang trapik" singit ng isang driver ng jeep.

"Asa pa kayo kuya, hello nasa pilipinas tayo at dito umandar man ang trapik eh baka mauna pako pag nag lakad ako. Ito kuya oh dose lahat" sabi ko sabay kuha ng bayad niya.

Ito lang naman.., ay mali ito ang trabaho ko nag bebenta ng kendi, sigarilyo, at basahan at hindi mo pwedeng basta i lang dahil ito ang bumubuhay sakin atleast marangal ang trabaho kong ito.

"Oo nga makakapag lakad ka pero asa ka pang magkasya dyaan sa siksikan ng sasakyan, sa laki mong yan?" Pang babasag trip ni kuya sa sinabi ko.

Abay bastos to ah kung di lang to laging nabili sa akin inihampas ko mukha nyan sa manubela.

Ano? May ideya ba kayo sa itsura ko? Well ako lang naman ang pinaka sexy, well medyo mataba lang naman ako ng veryvery light... sige na aaminin ko na mataba ako pero huwag ka, dont me! Pretty face ako sabi nga ng kaibigan kong si tanya tsaka ng mama ko maganda daw ako, tsaka naniniwala ako sa kasabihang 'there is sunshine over the rainbow' o diba walang konek pero totoo nga! Alaws kokontra!

"Hehe, funny ka kuya" sabay ngiting sarcastic sa kanya sabay bulong "maflat sana yang gulong mo" diba ang bad ko wahahaha!

PPPPRRRRRRTTTT! Dinig kong pito ng pulis!

Patay na!

"Hoy va-ne! Dalian mo baka mahuli ang beauty natin dito takbo na gurrrllll!!" sabi ng kaibigan kong si tanya. Partners in crime ko to at sa kanya din ako nakikituloy.

"Hoy anak ng tokwa tara na!" Sabi ni tanya sabay takbo, at dahil dun natauhan ako kaya nagtatakbo din ako.

Dumaan ako sa eskinita kung saan kami lumusot kanina para mag benta. Dahil bawal dito ang mag benta sa main road, pumuslit lang kami kasi traffic doon at maraming sasakyan 'the more sasakyan the more benta' diba sayang ang oportunity noh!

Konting takbo pa ay nawala na ang humahabol sa amin.

"Huh huh huh" hirap na hirap kong pag hinga buti nalang at natakasan namin yung pulis kahit na medyo mabagal ang takbo ko, alam nyo na fatbeautifulgirl problems. pano banaman mag kasing laki kami ng tyan eh ako sanay sa takbuhan kaya ayon nakatakas parin ako.

"Hay, muntik na tayo va-ne buti nalang at alam ko pasikot sikot dito, sayang friend dami na bumibili sa beauty ko! Ah aray" daing nya noong kinaltukan ko sya.

"Bakla ka! Kala mo ba di ko naririnig mag sisigaw ka ba naman ng "sigarilyo kayo dyan! Oh kendi kendi! Basahaaaaaannnn! May extra service deeeeennn!" Malamang mahuhuli talaga tayo para ka pang nag bebenta ng laman. Ewan ko ba naman sayo, diba alam mo namang bawal doon magbenta kaya dapat lapitan mo nalang yung sasakyan ano kala mo sa binibenta natin. Balut? Taho? Ganoon?" Mahabang litanya ko sa kanya na may pagkainis.

"Sorry na girl, kailangan ko makabenta eh diba usapan natin mag aaral tayo ng college sa pasukan sayang kasi ang benta pandagdag din yon sa ipon ko" sabi nya na may paawa epek pa na kala mo nilusak na tae ang mukha.

VICTORIA: Bagong Pag asaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon