Nakakainis naman si professor Alan, eh ano bang magagawa ko wala pa ako nung project na yun.. panigurado mababa na naman ang grades ko nito, lagot talaga ako kay kuya,..
"Cess..." napalingon ako sa taong tumawag sa akin, si andrew,
"bakit".. mahinahon kong tanong
"ano kasi baka gusto mong mag share nalang tayo sa project yun kay sir Alan wala rin kasi ako nun.." nahihiyang saad niya,
nabuhayan naman ako ng loob..
"Sige ba, basta pwede mag share hah"... ang pogi din nitong si andrew mala Zac efron and dating eh,...
"oo naman, so can i have your number?... alam mona para ma text at ma update kita kung kelan tayo mag sisimula sa pag gawa nung project.." habang napakamot sa ulo niya, ang cute nang gestures niya..
naku palusot kapa jan, eh classmate naman tayo no need ng number, pero dahil crush kita sige na nga... gusto ko sanang sabihin yan sa kanya.. kaso ang kapal ko naman diba hahaha..
"Sige eto number ko, text mo nalang ako," ngiting ngiti naman ako,
"ahmp, siguro bukas, oo bukas nalang.. around 4pm.. hah" at tumakbo na paalis, sabi ko na nga ba... kukunin niya lang number ko eh, nakuh kinikilig na naman ako,
at yun na nga, natapos din ang pag uusap namin ni andrew, at uuwi na ako,
balak ko na talagang umuwi, kaso may napansin akong isang lalaki na nakaitim,
sinundan ko siya hanggang sa narating namin ang huling room, sasabihin ko sana sa kanya na dapat mag uniform siya ulit, kasi bawal talaga dito pag incomplete eh, at-
di kona natuloy ang sinasabi ko, kasi bigla siyang huminto at napahinto na rin ako, sinundan ko kung saan siya nakatingin,
lumaki ang mga mata ng makita ko na may dalawang taong nag hahalikan,
at napatingin ako sa lalaking naka itim, tumutulo ang kanyang mga luha, sagilid ng kanyang mukha, nakakaawa... naawa ako sa kanya,
Ngunit,
muntik na akong mapatalon ng bigla niya akong lingunin, nagkasalubong ang aming mga mata, nagkatitigan.. at dun ko napagtanto, na ang amo ng mukha niya, ang ganda ng form ng kanyang ilong, malarosas na labi, ngunit ang kanyang mga mata ay para bang nag sasalita at sinasabing nasasaktan siya sa lahat ng nakikita niya,,
anong nanyare, ang gandang lalaki, pinapaglit lamang, para na nga ata akong nakakita ng Isang Modelo,
iniwas na niya ang paningin niya sa akin, at tuluyang nag lumakad iniwan ang dalawa,
sa hindi ko alam na rason, ay sinundan ko siya ulit, lakad lang nang lakad,
teka, lumalakad nga ba siya... The heck, 😳
lumulutang ang lalaking kanina ko pa sinusundan...
hanggang sa nakalabas na kami, kung hindi ko pa naka banggaan ang isang babae malamang di ako natigil sa kakasunud, agad naman akong humingi ng paumanhin...
Kaso kasamaang palad wala na siya, bigla akong nakaramdam ng lungkot, wala na siya,...
Nakauwi ako ng dorm na tahimik, Magisa lang ako sa isang room,, usually na ginagawa ko matulog, magpahinga,
pero di ko iyon magawa ngayon, dahil sa kakaisip ko sa nakita kong multo, multo nga ba ang tawag sa kanya?
napaka gwapong multo,..
at dahil sa kapaguran kakaisip ko sa kanya nakatulog aq sa mirror desk table ko,
================================================================
nagising ako sa nararamdaman ko, na para bang may nakatingin sa akin, minulat ko ang aking mga mata, at napabalikwas ako sa nakitang kong nakatitig sa akin,... agad naman akong nakabawi, sa puntong iyon biglang nag salubong ang aming mga mata, halos matunaw kami sa kakatitig sa isa't isa,..
ako na ang pumutol at umiwas ng tingin,
"A-ano ang ginagawa mo dito, papaano ka nakapasok...?"
natampal ko naman ang aking noo... anong klaseng tanong bayun.. Multo nga siya diba... haiiist...
"I'm errance, you are cess, please help me find my body..."
what the fudge 😳...
BINABASA MO ANG
THE GHOST OF YOU
RomanceIto ay katang isip lang, so if may pagkapareho at storya niyo.. sorry sorry humihingi ako ng paumanhin, pero basahin niyo naman storya ko, for sure matatakot at kikiligin kayo, syempre meron din namang iyakan at tawanan, so what are you waiting for...