Chapter 3

0 0 0
                                    

naninigas ako, napako ang aking mga paa, para akong nahi hypnotized sa mga nangyayari,

at ang nakakabigla pa ay ang nararamdaman ko, damang dama ko kung gaano niya ka gusto ang ginagawa niya, ang bawat galaw at hawak niya sa aking mga braso ay kakaiba para nitong hinahaplos ang buong kabuuan ko,

nag uunahan ang mga paru-paru sa aking tiyan, hindi ko na pala namalayan iba na ang epekto ni errance sa akin,

mauubusan na ako ng hangin, kailangan ko ng hangin,...

at parang naintidihan naman iyon ni errance dahan-dahan siyang lumayo at binigyan ako ng konting space...

napayuko ako sa hiya,

"Wala ba talaga, kahit konti, " pag aangat niya ng mukha ko upang magkasing level na ang mga mata namin

nanginginig ang mga labi ko, di ako makasagot, sinibukan kong alisin ang mga kamay niya sa braso ko,.. pero sadyang mahigpit ito

"errance kailan ka pa nakakahawak.. i mean"... pag iiba ko ng topic

"simula ng makilala kita," nagtatakbuhan lahat ng dugo papuntang pisngi ko,...

"wow, ang galing ah, ahmp pwe-pwede bang bitawan mo ako, kasi ano... inuuhaw ako kukuha lang ako tubig.."

"Bakit itong juice sa mesa mo, di ba pwedeng inumin" sobrang lalim ng boses niya,

"ano kasi, tubig, tubig yung gusto.." at dahan dahan ng kumalas ang mga palad niya sa likod at braso ko,

"pa-pasok muna ako..." dali dali kong ginalaw ang mga paa ko hanggang naabot ko ang mini kitchen,

halos mauubusan ako ng hininga sa kakapigil.... Diyos ko po tulangan mo ako, hindi ko na alam ang gagawin ko, mukhang nahuhulog na ako,

anong gagawin ko, isa sa siyang kaluluwa, multo... ano na.. naiiyak kong saad sa sarili ko...

inubus ko ang isang basong tubig, dahil natutuyuan na ako,...

"bat ka umiiyak..." preskong tanong niya,

"hah, wala ui, napuling lang ako,.."
pag iiwas ko

"bakit kasi hindi mo aminin sa akin lahat ng nararamdaman mo"... mataas na ang boses niya,

napatingin ako sa gawi niya

"Ano ba ang aaminin ko.." pasigaw kong sagot,

"that you have feelings for me!!!"

"hah, ako.. no way,,,!!" naiiyak ako..

"no way?? taliwas sa aksyon mo ang sagot mo,!"

"tama na... please errance pagod ako..." humihikbing iyak ko

bigla niya akong niyakap,

"please give me a chance na ipadama sayo na sobrang mahal na kita cess..."

tinulak ko siya ng marahan

"no errance, hindi mo ako mahal, alam ko sa ngayon yan ang nararamdaman mo kasi ako lang ang naririto.. pero sa oras na makabalik sa iyong katawan alam kong mawawala nalang ako ng parang bula sayo".. patuloy parin akong umiiyak,

"No.. that will never happen, I will see to it na nagkakamali ka ng iniisip,,"

at bigla nalang siyang nawala...

pinunasan ko ang aking luha sa pisngi, nag ayos at nag pasyang lumabas muna upang lumanghap ng sariwang hangin,..

hindi parin siya nag papakita, Isang oras na akong nakaupo dito sa park, wala parin, wala ba siyang balak na sundan ako...

kailangan konang umuwi, dumidilim narin, tatayo na sana ako nang may bumangga sa akin isang babae, kilala ko to schoolmate namin, grabe di man lang nag sorry,, pinulot ko ang aking cellphone, nabitawan ko kasi, nang may pansin akong, Wallet.

nakuh baka sa kanya to, asan naba yun, nahagilap siya ng paningin ko kahit malayo na ang takbo niya, kaya sinundan ko siya para maisauli ang wallet niya,

sa kakatakbo namin, papalapit kami sa isang hospital, meron pala dito...

biglang bumigat ang dibdib ko, ang paa ko, ang buong katawan ko, parang ayaw nang sumunod,, kinakabahan ako,

naabot namin ang isang kwarto, kung saan pumasok ang babae Nakasulat na ROOM 404,

lumapit ako sa pinto,naiwan itong bukas, kakatok na sana ako nang makita ko si errance sa loob nakatitig sa taong nakahiga sa kama, at parang Ang lalim nag iniisip niya

At may mga taong umiiyak sa paligid niya,

napagtanto kong Si errance.. siya ang lalaking nakahiga sa kama,, nanginig ang buong katawan ko

binuksan ko ang wallet na dala dala ko, bumuhus ang luha ko, Si errance at ang babae ay magkayakap sa picture,

Siya pala... siya pala ang babaeng iniyakan ni errance,

"I'm sorry to say pero bumigay na ang kanyang katawan, its been three months no respond, I'll give you time to think"  saad ng doktor, bago umalis

"Babe,babe please wake up... please come back to me.."

"Son... please fight, wag mo kaming iwan..." 

hindi ko na nakayanan,, lumayo ako sa kwarto,...

"Cess" agad akong humarap,

"errance..." umiiyak na sagot ko, "errance maraming nag mamahal sayo, kailangan monang bumalik, kailangan mong lumaban para sa kanila" natutuwa na naiiyak ako,

"Oo.. kailangan kong bumalik sa aking katawan para sa iyo," lumapit siya sa akin, "lalaban ako para sa iyo,Mahal na mahal kita,Cess and i will prove it to you No matter what it takes"... at hinalikan niya ang aking labi..

"please wait for me Cess, Wag na wag kang Aalis sa lugar na ito, sa lahat ng lugar kung saan tayo nagsama,.. I beg you, WAIT FOR ME."

tumango ako, at hinalikan ko siya sa labi,

"hihintayin kita" halos madurog ang puso ko, maisip ko lamang na hindi ko na makikita at makakapiling siyang muli, magiiba na ang landas at mundo namin

Pero, hindi naman masama ang umasa, at panghawakan ang pangako niya,

Mahal na mahal kita my ghost guy...

Unti-unti na siyang nawala sa paningin ko, Napaluhod na lamang ako habang umiiyak,

Mahal na mahal kita,

Errance mahal kita 😢

at biglang dumilim ang aking paningin...

THE GHOST OF YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon