pinasok ko ang bahay ni andrew, hindi naman kasi ito naka lock, sinadya ata ni andrew, dahil alam niyang darating ako,...
tinungo ko ang kwarto sa ikadalawang palapag, at nakita ko ang aking kaibigan na nakahiga, mukhang nilalamig ito kahit naka kumot na,
"andrew..."
"Cess...andito kana" agad ko naman siyang niyakap,
halatang nabigla siya, at tumawa ng bahagya,
"ang sweet mo naman ngayon, baka hanap hanapin ko yan"
"ikaw kasi hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka, kung alam ko lang edi sana nadalhan kita ng makakain, buti na nga lang may mga gamot ako sa dorm, dinala ko narin para sa iyo..."
"thank you, i really appreciate it Cess"
"Kulang pa nga to sa lahat ng ginawa mo para sa akin, nung oras na sobrang down ako, Alam mo ba kung wala ka nung time na yun malamang di ko kakayanin, kaya dapat ako ang nag tha-thank you sa you" pag aamin ko
"kaya Mahal kita" sobrang hina niya tugon,
"anong sabi mo?" kunwaring di ko narinig,
"ang sabi ko nagugutom na ako"... sabay ngisi niya,
pinanliitan ko siya ng mata kunwaring nagagalit,
"yan kasi, may patago tago kapa sa akin... edi sana naka bili ako sa labas ng masarap na lugaw,"... wala kasi akong alam sa pagluluto, kanin at itlog lang,... "baba lang ako hah, try kitang ipagluto ng lugaw, try lang.."
bumaba na ako at nagtungo sa kusina, ang laki ng bahay nina andrew, modern style siya,.. at ang linis pa, parang napaka imposible namang wala siyang kasambahay dito,
"Sorry hah, wala dito si manang, nextweek pa ang balik niya," muntik ko nang mabitawan ang sandok na hawak ko,
"andrew naman eh, bat kaba nang gugulat,..." tawang tawa naman siya sa sinabi ko,..
sinamahan ako ni andrew sa pagluluto, siya ang nag guide sa akin hanggang sa matapos ang lugaw na niluluto ko,...
"wow, mukhang masarap yang lugaw na yan ahhh... mas lalo tuloy akong nagutom ,..."
"maupo ka nalang jan, ako na ang bahala ipaghain ka," mukang kinilig naman itong mokong na to, "oh anyare sayo?"...
"hehe, hiniling ko kasi na sana araw araw nalang akong may sakit, para araw araa mo rin akong alagaan..."
"haissst ikaw talaga, kung ano anong iniisip mo... kumain kana"
Masaya akong pinagmamasdan ang bawat pagsubo niya ng lugaw, feeling ko kasi nagawa ko ng tama iyon, kasi mukhang nasarapan naman siya...
"magpahinga kana andrew, bukas babalik ako pagkatapos ng klase, at ieexcuse narin kita sa mga prof natin,..."
"Cess, mag didilim na, delikado na sa labas, bukas ng umaga kana lang umuwi," pag pipilit ni andrew,
"wag kanang mag alala, tinawagan ko na ang isa kong pinsan para sunduin ako dito,... actually papunta na yun eh, kaya aantayin ko nalang sa labas..." pag sisinungaling ko, "please do me a favor, take a rest para naman may kasama na ako sa School, syempre miss na rin kita eh,"...
kinumutan kona siya, wala na rin siya ng nagawa kundi ang payagan na akong umuwi, basta daw tatawag ako sa kanya pag karating ko sa dorm...
lumabas na ako ng bahay..
nang napansin ko ang kotse ni errance,
ibig bang sabihin kanina pa siya dito, ano naman ang pakay niya para antayin ako ng ganun katagal,
papalapit na ako sa kotse niya,
"Sir..." tawag ko
"hey, you're back," tugon niya," i did wait for you, baka kasi wala kang masakyan na taxi, you know this place"
"eh paano pala kung di ako lumabas, maghihintay ka parin ba?".. seryosong tanong ko,
"well, i guess yes,." nagtaka naman ako sa sagot niya,... "hatid na kita,"
"sige," i didnt say no, kasi feeling ko may gusto siya sabihin sa akin,
at habang nasa kalagitnaan na kami ng traffic, bigla siyang nagsalita,
"Do i know you?.. did we meet before the accident,?" tumingin siya sa akin na nagtataka, "i mean, theres this feeling na matagal na tayong mag kakila, pero wala talaga akong maalala..."
"Hindi po sir, ngayon lang po kita nakita at nakilala... i'm sorry,"....
theres no point naman kasi, kung ipagpipilitan ko pa...
"i see..." napansin kong humigpit ang pagkahawak niya sa manubela, may nasabi ba akong mali,
he sighed
"I, i just wanted to know everything about you,"
para namang piniga ang puso ko,
tahimik na ang byahe, on the way na sa pag hahatid niya sa akin sa dorm. hindi ko namalayan na nakatulog ako,nagising ako sa mahining yumugyog sa akin,
"Wake up.. andito na tayo," he smiled
tahimik akong napalunok dahil titig na titig siya sa akin,, umayos ako ng upo at tumingin sa labas.. namilog ang mga mata ko nang nakita ko na nasa pier kami kaharap ang isang yatch...
"N-nasaan tayo," namamangha kong tanong, grabe ang ganda dito,
parang ngayon lang ako nakalanghap ng sariwang hangin...
di niya ako sinagot, bumaling lamang siya at ngumiti ng tipid,..
nanunuyo ang lalamunan ko sa kaba, ano bang ginagawa namin dito..
" tara" bumaba na siya, at pinagbuksan ako,
dahan dahan ang lakad ko, iniisip kong papayagan ko ba ulit ang puso kong umasa, kaya ko pa ba?..
nakapasok na kami sa yatch, gusto kong itanong kung kanya ba ito, pero mas pinili ko ang manahimik na lamang, nabigla ako nag mapansin maraming tao nag iinuman, nag sasayawan, at mayroon din kumakanta,
"Tell me everything please.."... takang napatitig ako sa kanya,
"hah?"..
"please don't deny, alam kong nagkita na tayo, somewhere," na upo na ako at binigyan niya rin ako ng bottled water,
"Sir, alam ko pong may pinagdadaanan ka, naiintidihan po kita, pero may mga bagay na dapat natin tanggapin na wala ng saysay pa,"
"and what do you mean with that cess,... i'm confused.. so confused.." napahilamos siya sa kanyang mukha,,
BINABASA MO ANG
THE GHOST OF YOU
RomanceIto ay katang isip lang, so if may pagkapareho at storya niyo.. sorry sorry humihingi ako ng paumanhin, pero basahin niyo naman storya ko, for sure matatakot at kikiligin kayo, syempre meron din namang iyakan at tawanan, so what are you waiting for...