Chapter Two

76 5 0
                                    

The first semester has started monday morning. Marami na ang estudyante nang dumating ako kanina. I first checked my schedules and then proceeded to my first class.

May napapatingin sa banda ko nang nasa first subject ako. They already knew my name dahil nagpapakilala ang lahat ng estudyante bago nagsimula ang klase. Hindi lingid sa kaalaman na may napapatingin sa banda ko. I thought hindi na ako makakakuha ng atensyon dahil nakasuot na ako ng jeans at white short-sleeve blouse. It was my simplest outfit so far but here I am getting the attention of some students. I shrugged and continue my day.

Akala ko tapos na iyon sa first subject ngunit naulit pa iyon sa sumunod. Hinayaan ko ulit at ngumingiti nalang sa tuwing may mga taong nagpapakilala. Ganito talaga kapag pasukan. Maraming magpapakilala sa'yo and at the same time kailangan mo rin makihalubilo para may makilalang bago. Hindi naman ako snob kaya lang ako yung tipong kailangan mauna ka bago ako. Hindi ko alam kung masamang pag-uugali ba iyon o hindi naman.

"I'm Sofia " napalingon ako sa bandang kaliwa nang may babaeng nagsalita.

I looked at her direction and saw her smiling habang nakalahad ang kamay sa akin. Tinitigan ko siya and I find her very pretty and charming. I smiled and take her hand for a handshake.

"Chanelle" Simple kung pagpapakilala.

"So you're from abroad right?" She asks trying to make a conversation. Wala pa naman ang professor namin ngayong subject kaya may pagkakataon na kumilala ng kaklase.

"How did you know?" Tinaasan ko siya ng kilay habang tinatanong iyon. Medyo napawi ang ngiti nito sa sinagot ko. Kaya nang mapagtanto ang pagkakamali agad kong itinama iyon. "Sorry, nagulat lang ako kung paano mo nalaman." Apologetic kong sabi.

" Ang straight forward mo pala. I liked it." Patango-tango ito pagkatapos inayos ang kanyang pagkaka-upo. Nakamasid lang ako habang ginagawa niya iyon. Naghihintay parin sa isasagot niya. " I saw you noong nag enroll ka and I kinda heard your background noong nasa school registry ka. That's why I know you." Marami nga naman ang napapatingin noon sa akin. At alam kong curious ang mga mata ng mga nakakakita.

Nagpatuloy ang pag-uusap namin ni Sofia tungkol sa kani-kaniyang background ng pag-aaral. Nalaman ko din na taga Tagaytay ito at may sarili ding condo unit malapit sa University. Magkaiba lang kami ng building pero magkalapit lang. Sa ayos nito at kilos mahahalata mong mayaman ang pamilya. Nagkwento ako ng kaunti sa kanya tungkol sa ginagawa ko sa Paris. She finds it interesting dahil gusto niya rin daw sana mag- aral sa States na mag-isa but her parents forbid her to do it because she's the only child at mapapalayo pa ito. We have a lot in common kaya siguro nag click agad kami.

Huli ko na rin napagtanto na pinagtitinginan pala kami ng mga kaklase namin. Some tried to know us and we're happy about it. May iilang nahihiya at kadalasan mga babae iyon. Guys are plucking around us trying to get into our conversation. Hanggang sa dumating ang professor namin sa subject na iyon.

Magsasalita na sana ang aming professor nang may nanghingi ng paumanhin dahil late ito. Maayos naman siyang pinapasok ng guro sa klase. May ilang bumabati sa kanya na kakilala kaya medyo umingay lang sandali.

He's very polite and formal nang dumaan sa harapan. Ngayon ko lang din ulit siya nakita simula noong nasa bookstore sila ng kasintahan. I felt guilty noong nakauwi ako sa condo. Why I had to do what I did? Walang kasalanan si girl sa akin. Kaya lubos nalang ang guilt ko noon. Ngayon na nandito sa harapan ko si Jazz, naiisip ko na naman ang nangyari. Hindi ako iyon. Chanelle Dominique isn't a bad person.

Nasa bandang gitna ang upuan ko kaya hindi malabong dito siya dadaan sa gilid ko para sa bakanteng upuan sa likod.

Inayos ko ang pag-upo and shamelessly look his face habang papalapit. I don't know if he could still remember me the last time we've met in the restaurant. Dahil siguro nakatingin na ako sa kanya bago pa man niya ako nakita kaya nagkasalubong ang tingin namin. Agad itong umiwas ng tingin at dinaanan lang ako.

In His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon