Chapter Four

191 8 6
                                    

Wala akong ginawa buong maghapon kung hindi ang magpintura ng kahit anu-anong maisip. Painting is my hobby maliban sa pagbabasa ng mga romantic books. I'm here at my favorite nook ilang oras na. Nakaligtaan ko na atang kumain dahil busy ako sa ginagawa.

Napatingin ako sa natapos kong artwork. Isa itong silhouette ng isang babae. May hawak-hawak itong rosas na pulang-pula ang kulay kabaligtaran ng kulay itim na pigura nito. The rose have thorns kaya ang kamay ng babae'y may pumapatak na dugo dahil sa pagkakahawak nito sa bulaklak.

Hindi ko alam kung bakit ito ang aking naipinta. I just find it beautiful and unique.

I put the brush down dahil nakaramdam na ako ng gutom. It's Saturday at nasa condo lamang ako. Madali natapos ang unang linggo ng eskwela na parang kahapon lang nag-umpisa. I know a lot happened on that span of week.

I met my new friend Sofia Gonzales. Her friends na naging kasa-kasama ko rin paminsan-minsan. I met Hazel and her mean girls. Sa tingin ko ito ang tamang diskripsyon  na maaari kong magamit para ilarawan ang mga alipores niya. Wala naman kasi akong ginawa sa kanila but they treated me as if I'm kind of kontrabida to them. Hazel is just Hazel. Ganun parin ang pagkakilala ko sa kanya. Hindi pa kami nag-usap simula noong nangyari sa resto. Ang huling subject na kasama ko siya ay yung reporting pa. So wala akong ideya kung ano ang pagkatao niya. And then there's Jazz.

Jazz' been treating me cold the last  time we've met. Hindi lang kasi iyong reporting yung huli naming pagkikita. Kinabukasan kasi nagpunta ako sa resto kung saan siya nagtatrabaho. Nakasanayan ko na doon dahil malapit sa place ko at tamad akong magluto tuwing lalabas ako ng school at pagabi na. Sa una nagdadalawang-isip pa siya na lumapit sa akin para kunin ang order ko. Napansin ko iyon dahil sa patingin-tingin nito sa kasama at sa akin. The other waiter was busy at siya lang ang available. Napayuko nalang ako noon nang ma- realized na ayaw niya akong puntahan.

Nagulat nalang ako na may tumapat sa akin na anino kaya't napatingin ako sa kung sino iyon. Walang ka emo-emosyon ang kanyang mukha na kinuha ang order ko.

"What do you want?" Mahina pero may diin nitong sabi.

Kung sa normal lang na pagkakataon baka nasumbong ko na siya sa kanilang manager dahil sa trato nito sa customer. Nagkibit balikat nalang ako at di na iyon dinamdam.

" A-ahm...this grilled pork ribs and potato salad" Mahina ko ring sabi dito. Agad niyang nilista iyon at umalis.

Tahimik akong kumain nang naibigay na ito ng ibang waiter. Nakakatawa at nakakailang dahil sa dami ng tao sa resto na ito ako lang ang nag-iisang kumakain sa aking mesa. Kung hindi magpartner ay pamilya naman ang magkasalo sa ibang table.

I am used to be alone dahil ako lang mag-isa at wala akong kapatid. My parents were always busy with our business at tanggap ko na iyon na wala silang time para sabayan ako  tuwing kakain. Minsanan lang sa isang linggo kung kakain kami ng sabay-sabay, kaya ngayon na may nakikita akong mga kumakain na magkasalo, parang nasampal ako ng realidad na mag-isa lang ako.

Si Ninang lang ang maituturing kong pamilya sa Pilipinas. Hindi ko rin kilala ang ibang kamag-anak dito dahil wala naman akong natatandaan na may komunikasyon ang parents ko sa bansang ito maliban kay ninang.

Sa huli'y hininto ko na ang pagsi-self pity dahil nakakasira lang iyon sa mood.

Patapos na ako nang mapansin ang tingin ng mga waiters sa akin. Kasama na doon si Jazz. They're all male waiters. Nagtataka ako bakit sila nakatingin. Nahuli ko pa si Jazz na umiwas agad nang makita akong nakatingin din.

Nagbayad ako ng bills at agad na pumunta ang kaninang naghatid sa'kin ng pagkain. Malapad ang ngiti nito sa'kin. Mabuti pa ito at mabait sa customer. Sa isip ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon