I never knew I was capable of saying those words. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang binitiwan kong salita. Paano kasi sa sobrang inis ko sa kanya kaya ko nasabi iyon.
Manghang mangha naman si Sofia habang nakatingin sa akin. We're now at my condo unit. Sumama ito rito pagkatapos niya akong yayaing umalis doon.
" Girl... you're a savage af! You know that?" Nangingiting sabi ni Sofia.
Kakarating lang namin dito ngayon. Nagpumilit kasi itong sumama para masamahan daw ako pagkatapos nang nangyari kanina. Pumayag ako para na rin may makausap at mawala ang inis sa nangyari doon.
" I know" sabi ko saka tumuloy sa kitchen para uminom ng tubig. Sumunod naman si Sofia sa akin. Pagkatapos ko uminom ay agad kong inabot sa kanya ang pitsel at baso. Medyo nagulat pa na binigay ko iyon sa kanya. Maya-maya'y napasimangot ito.
"Oh! Where's the hospitality here?" Umirap ako dahil sa sarkastikong sinabi nito. Kinuha rin naman niya saka nagsalin para sa sarili. "Pero girl ang taray ha! Napagsalitaan mo sila ng ganyan at may pagbabanta pa."
Napatingin ako sa bagong kaibigan. She sounds like na ako palang ang nakakagawa nun sa kanila.
"They're not Gods..." I said in low voice.
"Yeah.. but they're a royalty in school." Parang balewalang sambit nito.
Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan. I know Jazz is not that rich. Ang alam ko hindi marangya ang kanilang pamumuhay kaya nga nagwi- waiter ito. Though I don't know Hazel's background.
"Oh! You didn't know pala cause you're new." Napatapik ito sa noo saka humila pa ng high chair sa kitchen counter saka umupo doon. Nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa kanya na feeling at home na.
"Well, high school palang mag sweet heart na ang dalawang yun. They're a victim of stupid cliche love story." Sabi nito habang ang kamay ay may pinagka-abalahan na. Kumuha ito ng mansanas sabay kagat. "I like the designs of your condo." Sabi pa niya saka lumikot muli ang mata. Binaliwala ko ang mamumuri nito. Mas interasado sa impormasyong nasasagap galing sa kanya tungkol sa magkasintahan.
" What do you mean by that?" Nalilito kong tanong.
"Mayaman 'yang si Hazel, mahirap naman si Jazz pero dahil pogi at superhero kung ituring ni Hazel kaya ayon. Loveteam ang peg noong high school."
"Since high school pa pala sila" Mahina kong sabi.
"Right! Kaya hindi 'yan basta-basta maghihiwalay." Dagdag nito sa sagot ko.
Natahimik ako dahil doon. Kung ganun marami nang pagsubok ang naranasan ng relasyon ng dalawa. They're now in their third year in college. Ilang taon na rin sila kung bibilangin mo.
"High school sweethearts" Komento ko.
"Nakakapagtaka nga na ang dami nilang fans since then. Famous ang dalawang 'yan eh. Iyong mga alipores ni Hazel sobrang kilig tuwing magkasama ang dalawa. Akalain mong may loveteam names pa. Ano nga ba 'yon? JazzEl? Jazz and Hazel. Ah parang ganun. Daig pa ang mga famous celebrity. Ang che-cheap!"
Gusto ko pang magtanong pero ayokong mapansin niya na sobrang interesado ako sa dalawa.
Kinabukasan tanghali na ako pumasok. Hindi katulad kahapon ala-una ang schedule ko sa nag iisang subject ngayong araw. Taas noo parin akong naglalakad habang may nakikitang iilang estudyante na napapalingon sa akin. I smiled secretly.
I am wearing a high-waisted denim short shorts sanhi para lumabas ang mahahaba kong biyas pati ang mapuputi kong legs. I partnered it with a crop top loose blouse na minsan nahuhulog ang manggas nito sa aking braso kaya kita ang strap ng itim kong bra. I also wore a low cut boots na hindi pang winter. Walang dress code ang school na 'to kaya anything you want to wear ay pwede. Kahit mag pambahay ka o kahit ano basta wag lang nakahubad ay ayos na. Well for me hindi naman sa dahil kahit ano nalang ay pwede, susuotin ko na. I intentionally wore these OOTD just to...Oh crop! Basta nagsuot ako nito. At ito talaga ang gusto kong suotin.
![](https://img.wattpad.com/cover/128158790-288-k487220.jpg)
BINABASA MO ANG
In His Heart
RomanceIn every story, there's always an antagonist. Whether if it's in real life or in Disney movies. Gaston in Beauty in the Beast, Queen Grimhilde in Snow White. Lady Tremaine in Cinderella and the most famous of them all is Maleficent of Sleeping Beaut...