Chapter One

127 5 0
                                        

Agad akong nag enroll sa isang kilalang Unibersidad sa Metro Manila. Agad naman akong natanggap pagkatapos kong kumuha ng entrance exam. Next week pa naman ang umpisa ng klase kaya malaya akong nakapag libot-libot sa buong campus. I familiarized each buildings and corridors para hindi ako maligaw kung sakaling pumasok na ako sa lunes.

Hindi gaano karaming tao ang nandirito ngayon dahil siguro tapos na sila noong nakaraang linggo pa. I'm a bit late pero nakahabol naman ako.

Walking with my head held high plus the ticking sounds of my heels made the few people look at my direction. Sanay na akong tingnan ng mga tao kaya binaliwala ko nalang. Maybe they're curious of me. Nakita ko kasing may bumulong pa sa tabi at halatang ako ang pinag uusapan. I can feel it, though. I don't mind naman as long as I don't do any harm to them.

Hindi ko alam kung bakit sila napapalingon sa'kin. Dahil ba sa suot ko? I make a quick glance at my dress. And I just realized  nagmumukha akong primadona sa suot ko. I wore a knee-length sleeveless red dress na hapit sa aking katawan with matching a Louis Vuitton scarf around my neck and a expensive specs on my eyes.

May mali ba sa suot ko? Maybe they're not used of this looks in school. It looks like I'm invited to walk in one of the runway of Paris Fashion Week. Hindi ko naman gusto ang ganitong get-up dito sa school kaya lang ito ang nasa itaas ng aking maleta na hanggang ngayon hindi ko pa nalilipat sa aking closet. And of course, wala akong kaalam-alam na ganito pala ang pananamit ng mga studyante dito. Jeans, t-shirt, rubber shoes and something comfortable to wear.

Nasanay kasi ako sa France na mala modelo ang aking mga kaklase. Matatangkad kasi ang mga ito kahit sabihin na natin na my height is 5'8" na sa kanila normal nalang ito.

I made a mental note to dress accordingly kapag mag umpisa na ang klase. Madali naman akong maka addapt sa iba't ibang environment kaya madali nalang sa akin iyon.

Hinayaan ko sila at nagpatuloy sa paglalakad.

My ninang provided me a car na magagamit ko habang nag aaral ako. I just need to turn on the Waze para di ako maligaw. At sa pagkatanda ko kanina medyo malapit lang itong school sa condominium.

Habang naglalakad, malaya kong napagmasdan ang mga tao sa paligid. Pati ang mga halaman at mga punong kahoy nang magawi ako sa mismong garden ng University. May gazebo sa gitna na gawa sa semento at kahoy. Namangha ako sa mga bulaklak sa paligid kaya hindi muna ako umalis at napatutok ang aking tingin doon.

Lumapit pa ako nang kaunti hanggang sa may nakita akong gumagalaw sa loob. I stopped walking and examined the place.

There I saw a lady hugging the back of the man habang nakasubsob ito sa dalawang palad na animo'y umiiyak. I stepped back nang mapagtanto na baka couple ang mga ito at may problema lang na pinag-uusapan. Ngunit nanatili ang paa ko nang makita kung paano nito haplusin ang buhok ng kasintahan. It's full of love and care. Pagkatapos ay may ibinulong ito dito. The way she looks the guy, you can tell that she loves him so much. There's something in me na gustong panoorin ang mga ito. Though I didn't see the guy's face, masasabi kong bagay silang dalawa. Maganda ang babae at matangkad din katulad ko. Sa tindig nito hindi malayong papasa itong modelo. Maputi at makinis ang balat. The lady's face lit up nang umangat nang kaunti ang mukha ng lalaki. My heart skipped nang mahagip ang mata nito. Hindi ko alam kung bakit...

Siguro sa kadahilanang kilala ko ang mga mata na iyon. Those sad eyes...

Habang nasa byahe pabalik sa condominium, sila parin ang nasa isip ko.

May girlfriend na pala ito. Hindi ko alam kung bakit parang masama ang loob ko. Eh ano ngayon kung may girlfriend na ang tao? Bagay naman sila at tingin ko mahal nila ang isa't isa. Eh ano naman ang masama doon? Stranger lang ako sa kanya who happened to  met him dati. Maliban doon wala na akong kaugnayan pa. Pero bakit ang bigat ng pakiramdam ko ngayon?

In His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon