JmPetmalu
Sky high: School of MagicJaira's Pov
Inabot ko naman ang kanyang kamay bilang pagsang ayon sa kanyang alok.
Una syang lumutang at ganoon din ang ginawa ko.
"May ipapakita ako sayo" sabi ni Patrick
Ngumiti lamang ako. Lumutang sya palayo at hinila ako. Kasabay noon ay ang paglipad namin sa himpapawid ng Skypia. Gabi na sa mga oras na ito at nagkataong full moon din.
"Tingnan mo Jaira" sabi ni Patrick sabay turo sa baba namin.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Isa sa mga paborito kong gawin na di ko pa nagagawa. Ang tingnan ang city lights. Ang ganda, sobrang ganda ng tanawin na ganito. Dumagdag pa sa pagpapagabda ng tanawin ang mga ulap na nakapalibot sa buong syudad o kaharian ng Skypia.
"Ang ganda!!" sabi ko
"Papaano mo na-" di pa tapos ang aking sasabihin ng bigla nya akong putulin."Nakikita kita minsan sa Balcony mo nagmamasid sa di kalayuan. Napansin ko na ang Syudad yung tinitingnan mo." sabi nya
"Napansin ko din na di mo pa bagagawa ang gawing ito kaya ito, sinamahan kita." sabi nya ulit.
Tumigil kami sa pag lilipad nang makarating kami ulit sa spot nya. Ngunit di muna kami bumaba.
"Salamat Patrick. Napaka Espesyal nito sa akin." sabi ko
"A special gift for a special person" sabi nya
Natigilan naman ako at tinitigan ko sya dahil sa sinabi nya. Nagpatuloy naman sya sa kanyang sinabi.
"Espasyal ka para sa akin kahit noong mga bata pa tayo. Siguro oo nagbago yun dahil nawala ng pansamantala ang mga ala-ala ko. Pero ngayong bumalik na ikaw, ikaw lang tinitibok nito." Sabi nya habang nakahawak sa kanyang dibdib.
Kaninong boyfriend to? Ang corny. Tsaka ang akala ko ba para lang makabawi sya sa akin bakit parang iba na ata to? Tsaka kanina pa nagbabaga tong pisngi ko.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Namumula parin siguro amg pisnge ko.
"Ibig kong sabihin, mahal kita." Sabi nya na ikinagulat ko. Di ako nakagalaw sa kinalulutangan ko ngayon dahil sa sinabi nya.
"Mahal kita. Noong una nating pagkikita alam kong espesyal kana sa akin. Bigla nalang nagkaurge sa akin na alagaan ka at protektahan. Espesyal ka para sa akin. Masayahin, matalino, mabait at higit sa lahat alam mo kung paano magpasaya ng mga tao. Ito lahat, lahat ng ito ang mga dahilan kung bakit kita minahal, at kulang pa nga kung tutuusin. Mahal kita. All of you. I love All of you. Do you understand now?" sabi niya. Bakas sa mukha nya ang sinsiridad na masasabi mong totoo nga ang mga sinasabi niya.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, ay hinila nya ang aking mukha at pinagdampi ang aming mga labi. Nagulat ako sa kanyang ginawa at di kaagad nakapagresponde. Ang mga labing ito, muli ko nanaman silang natikman. Ang mga malalambot nyang labi.
Naramdaman ko naman na gumagalaw sya kaya, sinundan ko ang kanyang ginagawa. At maniwala kayo, kung ano ang scene dun sa superman, yung part na sinayaw ni superman yung babae sa ere tas hinalikan sa ilalim ng bilog na buwan, yun yung scene namin ni Patrick ngayon. And it is so freaking romantic.
Kumalas kami sa paghagalikan makalipas ang ilang sandali. Dahil dun namula ako dahil sa mga tingin nya sa akin. Mga mata ng taong inlove.
"Jaira...." Pagtawag nya sa pangalan ko.
Tiningnan ko naman sya. Pagtingin ko ay yun padin ang kanyang pagtingin sa akin.
"Pwede ba kitang..........."
"Maging Boyfriend?" tanong ni Patrick
.......................
Day 3 ng Grand Magic Games and I'm here right now with my group/friends. Ilang minuto nalang magsisimula na ang game. Group rounds. By group padin ang laban pero with another groups na. Sana di ko sila makalaban ngayon, wag muna please.
Ilang sandali ay dumating na din ang main five. Nagkatinginan naman kami ni Patrick. Ngumiti naman ako at yun din ang ginawa nya. Napansin din namin na papalapit sila sa amin.
"Good morning guys. Good morning Baby bro." sabi ni Kuya
"You've got to stop calling me that" sagot ko na nagpatawa sa mga tao na nakapalibot sa akin ngayon.
"Good morning Main 5" sabi ng mga kasamahan ko at ako narin.
"Good luck sa inyo." Sabi ni Patrick pero habang sinasabi nya iyon, ang mga mata nya ay nakatutok sa akin.
"Sa inyo din" sagot ni Kian.
Umalis naman sila kaagad at pumunta na sa kanilang station. Ang kada grouo ngayon ay may station na kung saan dun mamamalagi at maging spectator ang mga group.
Bigla namang may kumalabit sa akin. Tiningnan ko naman ito at nakitang si Mary pala na may kakaibang ngiti sa mukha. Anong iniisip nito.
"Musta ang date kagabi? At wag kanang magmaang-maangan pa, ako ang nagplano ng date nyo. Tumulong lang pala" sabi nya na ikinagulat ko
"Traidor" sabi ko
"Don't turn this on me. So ano na nga?" sabi nya ulit.
"I guess wala na akong choice. Tong babaeng to talaga, kung di lang kita bestfriend." sabi ko
"Labyu besh" sabi nya.
"well...."
Flashback
"pwede ba kitang maging boyfriend?" tanong ni Patrick.
Napaisip ako ng matagal dahil sa sinabi niya. Gusto ko din naman sya ehh. Sya ang lalaking gusto ko na sinasabi ko. Pero di pa ako handa sa mga ganito. Bigla namang may lumitaw sa aking isipan.
"Can you wait?" tanong ko. Naconfuse naman sya sa sinabi ko.
"Are you willing to wait?" tanong ko ulit.
"After ng game, if we see each other at the end of the game, the finals to be exact. At kapag nanalo ka, you'll get my answer. But as for now, you should earn it. Win it to be exact. Show me that you deserve me. Show me that you can be patient when it comes to me" sabi ko at hinawakan ko ang kanyang pisnge.
This is actually a test. Kung kaya nyang maghintay para sa akin, kung nirerespeto nya ang aking disesyon, at kung tutuparin ba nya ang hiling o challenge ko sa kanya.Kahit sa ganito kaliit na panahon, sana mapatunayan nya. That in the end, he'll be deserving of my answer.
Ngumiti sya at nagsalita.
"I'll win it I promise" sabi niya. sabay halik sa aking noo at umuwi na. Hinatid nya muna ako sa aking dorm kahit na katabing dorm ko lang naman sya.This night was the most special night for me. Sana di lang maging masakit na ala-ala ang gabing ito.
End of Flashback..
"Whaaat?" bulong na sigaw ni Mary
"Iba ka din beshy no? you know na kayang kaya kang talunin ni Patrick right?" tanong nya.Natahimik na lang ako at ngumiti. Kahit naman kung sino sa amin ang manalo, alam ko na ang isasagot ko.
"hahahaha Pero bilib ako dahil naisip mo yun. Kung ibang tao lang siguro yun siguro nag oo na yun. Sa pogi ba naman ni Patrick. Pero I know he deserves that yes. And Patrick will strive for it" sabi nya ulit.
"I know he will." sabi nya ulit.
Bigla namang nag announce na mag sisimula na ang game.
MEAN WHILE.....
Patrick's Pov
'you should earn it. Win it to be exact. Show me that you deserve me. Show me that you can be patient when it comes to me'
Mga katagang yun na magiging inspirasyon ko na manalo.
I will win it. For you.
"I'll win it for you" sabi ko
~~~~~~~~~~~
JmPetmalu
Sky High: School of Magic
BINABASA MO ANG
Sky High : The School Of Magic
FantasyThis Story was inspired by the animes fairytail, naruto and one piece. A special boy that has the ability to manipulate and control the weather, yan ang kapangyarihan ni Jaira. Ang akala nya sya lang ang tanging tao na may ganitong kapangyarihan. Hi...