• Chapter 4 •

28 4 0
                                    

Madi's POV

8:00pm na ng gabi, buti nalang at kakaunti na ang mga costumer isang oras nalang ay magsasara na kami, nagpunas punas nalang ako ng table na pinag alisan ng ibang costumer at ipinatong na ang ibang mga upuan sa ibabaw ng table na hindi na masyadong nagagamit para konti nalang ang ligpitin namin mamaya pag magsasara na kami" ipinatong ko muna ang water spray at basahan na hawak ko at tsaka tinanggal ang gloves na suot ko para mag unat unat ng bahagya,,


Ininat inat ko ang likod ko,,
Aaaaahhhhhhhhh ang sarap naman umun-  uhhh?? Natigilan ako sa paguunat ng mapansin ko sa kanang braso ko na wala ang bracelet na suot suot ko lagi"
Hala??? Nasaan na yun?? -Natataranta kong pagkagulat at kinapa kapa pa sa bulsa ng apron na suot ko pati na din sa suot kong pantalon pero wala talaga,
hala!! Nasaan na yun? Naiiyak iyak kong hinahanap sa mga ilalim ng mga table baka kasi nahulog lang yun dito sa paligid."

Hoy sissy anong eksena na naman yan? - sambit ni rhea ng makalapit siya sa akin

Nawawala yung bracelet ko eh, may napansin ka ba rhea? - Sambit ko habang hinahanap pa din ang bracelet ko.

Ahh wala eh bakit saan mo ba nilagay? - tumutulong na din siya sa paghahanap

Hindi ko alam suot ko yung nung pumasok ako ng trabaho, lagi ko naman talagang suot yun eh - naiiyak na talaga ako sa paghahanap ko sa bracelet na yun ' oo na OA na kung OA, eh sa sobrang importante sakin yung bracelet na yun eh, yun ang kaisa isang regalo na natangap ko sa lola ko, bago siya mamatay, hindi ko man siya naabutan pero ibinilin niya kay mama na ibigay daw sa akin ang bracelet na iyon kapag nag edad 7 na ako... Kaya ganun nalang ang pagaalala ko ngayong nawawala ko ang bracelet na yun, kasi galing pa yun sa lola ko, bracelet pa mismo ng lola ko yun at ibinilin niya na alagaan at ingatan ko daw iyon, na hindi ko naman nagawa ngayon"

Uy madi pwede ba kumalma ka muna? Wag kang umiyak makikita mo din yun. Isipin mo lang muna kung saan ka dumaan? Or pumunta? Tutulungan kita ok? - pagpapakalma ni rhea sa akin habang hinihimas ang likuran ko" pinunasan ko naman ang luha ko at agad dumeretso sa compartment at nagbakasakaling nandoon pero hinahanap ko ng hinahanap ay wala talaga, napapikit ako ng mariin habang iniisip kung saan ko pwedeng nahulog iyon..
Naalala ko ang nangyari kanina sa kalsada kung saan muntik na akong masagasaan, tama baka doon ko nga nahulog iyon, sana naman nandun pa yun ngayon..."



Inantay ko nalang ang kaunting minuto at sa wakas mag sasara na kami, dali dali akong nag paalam kay rhea at kay sir mike na mauuna na ako at pumayag na naman sila kaya pumanhik nako sa kung saan ako dumaan kanina, nakayuko kong sinusuri ang kalsada kung saan ako dumaan papasok kanina.. makalipas ang limang minuto ay nakarating nako sa highway kung saan ako muntik masagasaan kanina at tumawid, wala naman ng masyadong sasakyan ang dumadaan dahil medyo malalim na din ang gabi, tinungo ko ang kalsada kung saan ako mismong nakatayo kanina at wala akong nakitang bracelet."


Nasaan na kaya yun? Wala dito, hindi kaya may nakapulot nun? "Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha at tsaka nag pameywang.. *baka hindi ko na makikita yun*

Dismayado akong umuwi ng bahay, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay mama na nawala ko ang bracelet.."
Lola sorry! Sorry po kasi hindi ko iningatan ang bracelet niyo na ipinamana niyo sakin... Sorry po talaga.. lola kung nakanino man po yung bracelet siguro naman po alam niyo, iguide mo nalang siya lola na alagaan at ingatan niya ang bracelet na yun" nakatingin ako sa langit habang kinakausap si lola na para bang nagdadasal...

•••

Quarter to 10pm na ng makarating ako dito sa bahay at matamlay akong pumasok sa loob "

Ma pa andito na po ako.... - pinilit kong siglahan ang boses ko para hindi mahalata nila mama at papa na may pinoproblema ako"

Oh anak? Bat ang tamlay ng itsura mo may problema ka ba? - pagsalubong sa akin ni mama "ok, oo na hindi na akong magaling mag pretend..."

The Love Disaster (ON GOING) SB19Where stories live. Discover now