• Chapter 7 •

28 2 0
                                    

Madi's POV

"Mabilis na lumipas ang araw at sa wakas Thursday na,, ito na ang pinakahinihintay kong araw dahil ngayon na ako mag te- take ng entrance exam." Kaya maaga akong gumising upang mag prepare ng sarili ko 6:00am palang naman kaya mahaba haba pa ang oras ko para mag prepare tutal 9:00am pa naman daw ang opening.. Nakapagpaalam na din ako kay sir mike na mag hahalf day lang ako sa trabaho mamaya dahil kukuha ako ng entrance exam, pumayag naman si sir.."

Anak?! Kakain na tayo.. - sigaw ni mama mula sa kusina, natapos ko ng linisan ang kwarto ko, natapos na din akong maligo at magbihis kaya naman lumabas na ako at pumunta sa kusina para kumain"

Good morning ma... Ang aga mo po magising ahh... - bati ko kay mama ng makapunta ako ng kusina."

Ahh bukod kasi sa kailangan kong maghanda ng almusal, naeexcite na kasi talaga ako para sa entrance exam mo eh... Hihihi anak proud na proud ako sayo... Alam mo ba naeexcite na ako na dumating tong araw ng huwebes... - pagbungisngis ni mama, halata nga sa kanya na masaya siya para sakin

Hehehe kayo talaga ma.. salamat po ah? Pumasok na po ba si papa ma? - tanong ko ng umupo na ako para kumain

Hindi anak, naka leave ang papa mo ngayon, hinatid lang niya si bunso sa eskwelahan, pabalik na din siguro yun kasi naka bisekleta naman sila - sambit ni mama habang inihanda sa hapag kainan ang almusal namin na kanin, itlog, hotdog at pandesal

Naka leave po si papa? Bakit naman ma?

Eh kasi pupunta kaming dalawa ng simbahan para magtirik ng kandila at ipagdasal ka na sana gabayan ka ng panginoong diyos sa pagsasagot mo sa exam mamaya... - masayang sambit ni mama

Nandito nako... - sigaw ni papa mula sa labas

Oh ayan na pala si papa mo anak.. - sambit ni mama

Oh nakapag handa na pala ang misis ko.. at kamusta naman ang tulog ng aming magandang prinsesa?? - tanong sa akin ni papa ng makarating siya sa kusina at hinalikan kami ni mama sa noo at tsaka umupo sa hapag

Ayos naman po pa.. Pa nasabi sakin ni mama na nag leave ka daw para maipagdasal niyo ako? Paano po ang trabaho niyo pa? - tanong ko, alam ko kasing ayaw na ayaw ni papa ang hindi nakakapasok ng trabaho dahil bukod sa disidido siyang makabuo ng sahod ay ayaw niya din ng iniiwan ang trabaho niya sa ibang tao

Oo anak nag leave talaga ako dahil ito ang pinaka espesyal na araw na dapat ay susuportahan ka namin anak, wag ka ng mabahala sa akin anak.. kagustuhan kong gawin to para sayo... At tsaka namiss ko na din kasing idate itong mama mo eh, kaya moment namin mamaya. - sambit ni papa at nginitian si mama ng nakakaloko, hinampas na lang siya ni mama sa braso at nagtawanan kami."

•••

Matapos naming kumain ng almusal kanina ay nagpalipas muna ako ng kaunting oras at nanood ng tv.. At ngayon ay quarter to 8:00 na kung kaya ay nag paalam na ako kila mama, inagahan ko na ang alis dahil hindi ko naman calculated ang oras ng papunta doon sa University.. Sumakay na ako ng trycicle papunta sa sakayan ng terminal ng jeep"

•••

"8:40 na ng makarating ako dito sa tapat ng University, mahigit isang oras din pala ang byahe ko, at counted na din dun ang traffic.."

~Middleton University~

Wow!! - "iyon nalang ang salitang lumabas sa bibig nang makita ko ang pambihirang laki ng university na to. Grabehan lang sa laki as in! Parang kasing laki ata ng MOA itong school na to eh, or baka mas malaki pa nga to. Jusko baka naman maligaw ako dito sa loob sa sobrang laki neto... Meron pa naman natitirang ilang minuto bago magbukas ang university para sa entrance exam, may mangilan ngilan pa lang din ang mga tao dito na sa tingin ko ay mag tetake din ng entrance exam."
Naisip kong maaga pa naman kaya dumaan nalang muna ako sa malapit na convenient store para mag pahinga at bumili ng maiinom pakiramdam ko kasi natutuyuan ako ng lalamunan.

The Love Disaster (ON GOING) SB19Where stories live. Discover now