• Chapter 10 •

28 1 0
                                    

Madi's POV

Ate ang saya dun kila kuya marcus no?  - ani ni maggie habang naglalakad kami pauwi ng bahay"

Hhmm ikaw talagang bata ka, eh hindi ka naman ba napagod bunso? Eh halos hindi ka naman nagpaturo mag drawing kay Marcus ehh? - tanong ko

Hihihihi hindi naman ako napagod ate... ang saya nga makipag laro kay marrah eh, kaya hindi na din po ako nakapag paturo.. sayang lang kasi saglit lang tayo dun at umalis agad no ate? Hindi man lang ako nakapagpaturo talaga mag drawing.. - biglang lumungkot ang tono ng boses ni maggie ng banggitin iyon"

Hayaan mo na maggie,, matututo ka din naman mag drawing kung yun talaga ang gusto mo ng hindi nagpapatulong sa iba... - paliwanag ko kay maggie,, alam ko namang maiintindihan ni maggie ang mga sinasabi ko.. natahimik na lamang ako habang naglalakad ng maalala ang mga nangyari kanina sa ka bahay nila marcus,,,,""""

Flashback.....

Yaya nasaan po si marrah?? - tanong ni marcus ng makarating kami sa bahay nila,, napakalaki ng bahay nila maganda at modernize ang disenyo.."

Ah sir marcus nandun po siya sa kwarto niya. - ani nung yaya ata nila yun"

Si mommy nasaan ? - tanong muli ni marcus"

Ah umalis sandali ang mommy mo sir, nagpunta ata sa kumare niya..

Ahh ganun po ba? Ayos yun.. ahhm ya dadalhin ko po si marrah sa kwarto ko, may bisita po kasi ako, maglalaro lang sila ng kapatid ng kaibigan ko sa kwarto ko... - ani ni marcus

Ahh ehh sir,, baka po kasi biglang umuwi si madam eh tapos maabutan si marrah sa kwarto niyo, baka mayari po ako.. - pag aalangang ani ng yaya

Yaya please.. Wag na lang natin ipaalam kay mommy.. Naaawa na po kasi ako kay marrah, bored na bored na kasi siya.. - ani muli ni marcus,, sa totoo lang nagtataka na ako kung bakit kailangan pang itago ni marcus sa mommy niya na may bisita siya at dadalhin niya sa kwarto ang kapatid niya.."

Ahh sige sir.. hindi ako magsasalita ng kahit ano,, pero sir maging alerto ka ha? Tatawagan ko yung cellphone mo kapag nakita kong nandito na si madam... - ani nung yaya

Yes!!! Sige po ya.. don't worry kargo kita and ako po ang bahala, salamat ya!!! - masayang ani ni marcus at matapos nun ay niyaya niya na kaming umakyat sa taas,, habang paakyat kami ay pinagmamasdan ko ang bawat sulok ng bahay, habang namamangha ako sa paglibot ng aking mata ay bigla akong tinawag ni marcus"

Ahh madison? Pasok na tayo, dito ang kwarto ko.. - aniya habang nakaturo sa isang pintuan.. kaya tumango ako at pumasok na kami ni maggie doon,, ng makapasok na kami sa kwarto ay masasabi ko naman talagang parang hindi sa lalaki ang kwarto na ito, hindi naman siya mukhang girly room pero kung kikilatisin mo ang kwarto ay wala kang kahit anong makikitang bahid ng dumi o alikabok,, doble ang laki ng kwarto niya sa kwarto ko at bukod dun ay may tatlong pintuan pa dito sa kwarto niya kung saan may sign ng Bathroom, closet at studio room. Kahanga hanga ang ganitong pambihirang kwarto.."

Ahh Madison, pasok na kayo dun sa studio room, dun tayo tatambay, pupuntahan ko lang ang kapatid ko.. - aniya kaya napatigil ako sa pag iikot ikot sa kwarto niya"

Ahh ganun ba? Sige... - paalis na sana si marcus ngunit tinawag kong muli siya"
Marcus.? Madi nalang ang itawag mo sakin para hindi na ganun kahaba... - ani ko at ngumiti naman siya at tumango bago lumabas ng kwarto. Pumasok na kami ni maggie sa studio room niya kung saan doon namin nakita ang pambihirang talento ni marcus sa pagpipinta at pag dadrawing... Dito mo makikita ang samu't saring kagamitan niya sa pagpinta at pagdrawing"

Wow!!! Ate sobrang galing pala ni kuya marcus sa pagpepaint no?? - ani ni maggie ng mag ikot ikot siya at pinagmamasdan ang mga paintings ni marcus, samantala napukaw ng mata ko ang mga paintings na nakatago sa isang magandang area ng studio room na ito, nilapitan ko iyon at tinignan,, nakita ko ang isang paintings kung saan buo silang pamilya, si Marcus, ang mommy at daddy niya pati na din ang dalawang kapatid niyang babae, nakita ko pa ang sari sariling paintings ng  pamilya ni marcus, mukhang mahal na mahal ni marcus ang pamilya niya.. Nakita ko din ang iba pang drawing na kasama ni marcus ang mga kaibigan niyang sina aaron,, nakita ko na nakangiti si zyrone sa drawing na iyon."

The Love Disaster (ON GOING) SB19Where stories live. Discover now