alam moba kung pano tayo nagsimula
panimulang pagtingin ang nakakuha saaking pansin na mas mahalaga ka pala kaysa saakin.pinilit kong bigyang halaga ang bawat salita na binibigkas ng iyong damdamin kasabay ng pagpapakita ng aking tunay na hangarin.
ngunit di naman pala kailangang ipilit ang nadarama sapagkat kahit anong iwas ng aking mga mata ikw parin ang aking nakikita.
para bang isang mahika na kung saan bawal akong tumingin sa iba binuhay mo ang aking isip sa mga kamalayan na dapat ay wag ipilit dahil naniniwala kang kung mahal mo ang isang tao ay matutuo kang mahalin sya kahit sayo'y wala ng matira.
at dahil dun mas nakilala kita ng higit pa pinaramdam mo sakin tunay na ibigsabihin ng halaga, halaga na dpat ay di kusang binibigay at sinasabi ng iba kundi halaga na dpat mong makita dahil sya'y bukod tangi't naiiba.
minahal na nga kita dahil alam ko sa sarili kong wla kang halaga dahil natatangi at di ka mapapantayan ng iba ayan ang pagkakaintindi ko sa salitang HALAGA.
medyo pangit pakingan pro subukan mong unawain ng malaman mo ang aking ibig sabihin na sakin ay wala ng iba dahil IKAW LNG SAPAT NA.IKAW LNG dahil sakin wala na kong balak humanap pa ng iba.
IKAW LNG dahil ikaw lang nag bigay sakin ng tunay na ibigsabihin ng salitang HALAGA.
AT IKAW LNG dahil "dalawang babae" sa aking buhay sapat na.
oh bat parang nagagagalit ka?
siguro curious at nag iisip ka kung sino yung isa?.bukod sayo sya ang unang nag bigay sakin ng halaga.
"sya ay ang aking ina."
salamat mahal at "WALA KANG HALAGA."
ngingiti na yan "IKAW LNG SAPAT NA."TANDAAN MO MAHAL NA MAHAL
KITA!.
BINABASA MO ANG
Tula ng pagibig
Poetryito ay isang tagalog na mga tula na kung saan ay tinutukoy ang mga karanasan sa pag ibig masakit man o masayang bahagi nito. "sabayan mo ng musikang instrumental habang binabasa mo ito upang maramdaman mo ang tula ng buong buo"