2

17 6 3
                                    

Napaisip si Robert kung ilang salita nga ba ang alam ni Celia? Tagalog, Spanish, English, narinig at nakita narin niya itong may latin at nihongo na kausap, at ngayon ay hindi niya alam kung Cantonese ba, mandarin o kung anong chinese na salita ang naririnig niya sa usapan.

Narinig niyang may tumikhim sa tabi niya kaya natigil siya sa pag-iisip at nakitang si Celia pala ito.

"Baka hindi na ako makaahon niyan." Sabi nito na hindi naman niya naintindihan.

"A...nong ibig mong sabihin?" Tanong niya.

"Ang lalim kasi ng pag-iisip mo sa akin at pansin kong kanina pa."

"Sino namang may sabi sayo na ikaw ang iniisip ko?" Hindi makatingin ng deritso si Robert kay Celia dahil nahuli siya nito at tama ang sinasabi nito.

Ito ang ayaw niya kay Celia, malayo sa isang binibining mahinhin, ni hindi man lang kumalahati sa description ni Rizal kay Maria Clara. At hindi man ngalang siguro ito marunong mahiya.

"Alam mo, kung balak mo akong ilibing, dapat diyan sa puso mo."

Nanatiling sa dagat lamang ang tingin ni Robert at pinipilit ang sarili na huwag mapangiti dahil sa sinabi ng isang mapanuksong binibine sa tabi niya. Mabuti na lamang at biglang umalon ng malakas kaya alam niyang hindi mapapansin ni Celia ang pagngiti niya.

"Ayos kalang?" Nag-aalala niyang tanong kay Celia na muntik pang matumba. Buti na lamang at nasalo niya ito at nahawakan sa balikat.

"Ayy wag mo nga akong hawakan ng ganyan!" Wika nito na parang ang sama ng ginawa niyang pagsalo dito at mabilis nitong pinakawalan ang sarili. "Pariho tayong lalaki dito mahiya ka naman."

"Tungkol sa nangyari kanina," pag-iiba ni Robert sa usapan. "Sorry."

"Ha?" Si Celia naman na kunwari ay hindi narinig ang sinabi ng katabi.

"Lo siento." Tranlate ni Robert sa Sorry in spanish word.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi ko maintindihan eh." Pagkukunwari pa ni Celia na ikinainis naman ni Robert ngunit wala naman siyang ibang magagawa at kailangan niyang humingi ng paumanhin dito.

"Look, I'm really sorry. I didn't mean to look down on you." Paliwanag pa ni Robert pero inikutan lang siya ng mata ni Celia.

"Talaga? Bakit di mo kaya sabihin yun sa tagalog ng magkaintindihan tayo? O marahil ay napipilitan ka lamang."

Pumikit pa muna si Robert at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Paumanhin."

"My goodness." Disappointed words of Celia. "Kahit kumalahati ka lang kay Baltazar ay pwedi ko ng tanggapin ang iyong paumanhin ginoong Robert Taylor." Ito ang gusto ni Celia kay Robert, madali niya itong utuin.

"Celia..." Naghintay si Celia ng kasunod pang salita na lalabas sa bibig ni Robert ngunit hindi na nito magawang magbukas pang muli

"Makinig ka, pakinggan ang malayang tula ko na ngayon lamang naboo." Panimula ni Celia at saka nag-umpisang bigkasin ang ilang salitang naboo.

"Napahawak ako sa lubid mo, Sampung talampakang lalim
Yon ang kinaruroonan ko
Naririnig ko ang sinasabi mo
Ngunit walang tinig akong magawa
Sinabi mong kailangan mo ako
Pagkatapos ay lumapit ka
Lubid ay pinutol mo,
pero tika lang muna
Sinabi mo sa akin na patawarin ka Hindi ko naisip na sa aking paglingon ay sasabihin
Huli na upang humingi ng tawad
Huli na."

"Humihingi ako ng tawad dahil sa sinabi ko kanina, at alam kong nasaktan ko ang pride mo." Wika naman ni Robert matapos makinig sa malayang tula na iyon ni Celia. "Wala akong alam sa tula kaya ang tanging masasabi ko nalang ay tama yung umpisa pero mali yung dulo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Talagang puputulin ko ang lubid, hindi ko hahayaan na makisali ka sa gulong ito. At hindi ko iyon ihihingi ng tawad sayo." Matapos yun sabihin ni Robert ay saka nagsindi ng sigarilyo at humakbang na palayo.

"Robert Taylor, hayaan mo at pagdating ng araw ay ikaw mismo ang mag-iimbita sa akin na sumali sa samahan niyo." Bulong sa hangin ni Celia at saka umalis narin doon at nagtungo na sa Cabin.

Pagpasok ni Celia ng Cabin ay naroon na nakahiga sa taas ng double dick ang kanyang kapatid.

"Katatapos palang kumain higa agad?" Puna niya rito.

"Nahihilo kasi ako." Dahilan naman nito kaya hinayaan na lamang niya.

Naupo siya sa lower dick at sumandal sa poste nito.

"Those three idiot, their making it hard for us." Di niya mapigilan ang sarili na magalit sa nangyayari.

"Masyado mo kasi silang kinaibigan, lalo na si Robert. Kaya natural lang na mag-alala sila sayo, specially that they don't know your real value. Para sa kanila ay isa kang mamahalin ngunit babasagin naman kaya kailangan kang ingatan. But the Truth is, you're a hard gem stone."

"Ang dami mong sinasabi."

"Pero pwedi namang ako nalang ang sumali sa kanila."

"Wala iyon sa plano."

"Okay then let them see your price tag."

"Baka pagdudahan naman nila ako?"

Natawa si Celio sa tanong na iyon ng nakatatandang kapatid.

"Pwedi namang retill para abot kaya. Alam na nila ang presyo ng damit mo kaya yang presyo ng pantalon mo nalang muna ang upakita mo. Saka na yang soot mong jacket at sapatos na galing pa ng France. Mahal din yang sumbrero mong soot na sa london mo naman nabili, pwedi mo rin yong ibinta sa kanila. Siguro naman ay hindi na kailangang ipakita mo din sa kanila ang signature underwear mo?"

"Ikaw! Nagdududa talaga ako kung totoong kapatid kita eh." Kay Celio na nabuntong ang galit ni Celia.

Napabangon naman si Celio dahil sa panghahampas ni Celia ng sumbrero dito.

"T-tika lang!" Awat ni Celio dito at tumigil na si Celia. "Tinutulungan lang naman kita kung papaano ka bibinta sa kanila."

"Eh bakit parang may balak ka talagang ibinta ako ng totoo?"

"Hayyy!" Bumaba si Celio at inakbayan ang kapatid saka umupo sila pariho sa lower dick. "Sisy, you are my best and most favorite sister in the univers."

"That is becouse I'm your only sister and you don't have a choice."

"Hehehe, ganito nalang. For me, you are a priceless treasure kaya bakit naman kita ibibinta?"

"Priceless?"

"Oo priceless," with confident na sagot ni Celio. "In tagalog, walang halaga."

Napagtanto ni Celio na parang may mali yata sa translation niya lalo na at nakikita niyang parang nagiging galit na toro ang kanyang kapatid kaya wala na siyang sinayang na panahon at mabilis siyang tumakbo palabas ng kanilang cabin.

Behind The Scene Of 1940'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon