Chapter 1

40 14 2
                                    

"Can you please shut the hell up?!" Binagsak ko nang malakas ang makapal kong Anatomy and Physiology na libro.

"Parang wala lang tayong exam next week ano? Pa easy easy lang tayo?" Dagdag ko. Inayos ko ang sarili ko at umupo sabay tingin sa kanila ng masakit. Nakahiga silang tatlo sa kama ko at ako naman naka pwesto sa study table ko.

"Ano bang problema mo aya? Mag aral ka na lang jan okay?" Si Jade, isa sa tatlo kong mga bestfriends.

"Kayo! Ang ingay ingay niyo. Paano ako makakapag aral kung ang ingay ingay niyo?" Sagot ko.

"Edi mag headphones ka" sagot naman ni Hena.

I heaved a heavy sigh. Napaka sakit talaga nila sa ulo.

Nandito kami ngayon sa apartment ko na katapat lang din ng University of San Martin kung saan kami nag-aaral.

Sabado ngayon, ang sabi nila pupunta daw sila dahil mag gugroup study daw kami. Group study ampucha eh ako lang naman mag isa nag-aaral ngayon. Sila nag lalaro ng hindi ko alam kung ano laro sa mga cellphone nila.

Bumalik na lang ulit ako sa pag babasa, marami rami rin tong kailangan kong aralin, at kailangan ma perfect ko ang exam next week dahil kung hindi, sira ang kinabukasan ko.

"AY PUTANGINA TALO!" "AY PUTANGINA MO RIN!"

Nabigla ako sa biglang pag sigaw ni Angel. Tangina, napaka anghel ng pangalan pero demonyo ang lumalabas sa bunganga.

"Nakakainis na kayo ha." Kinuha ko lahat ng gamit ko at nilagay sa backpack ko. Sa kung saang study hub o cafe na lang ako mag aaral.

"Oh san ka pupunta?" Tanong ni Jade pero sa cellphone parin nakatingin.

"Uuwi na siguro" sagot naman ni Hena

"Ingat sa pag-uwi! Hahahahaha" sabi ni Angel sabay tawa nang malakas. Nakitawa na lang din ang dalawa.

"Oo uuwi ako, hiyang hiya naman ako sa inyo. Sa inyo tong apartment eh" Sabi ko sabay sarado nang malakas ng pinto.

"Oy Jade, magluto ka nga ng pancit canton" dinig ko pang sabi ni angel.

Ako pa talaga na may-ari ang lumayas ha.

----

Ilang oras na akong nag-aaral sa isang cafe malapit lng din sa apartment ko. Tangina, napa gastos ako na wala sa plano dahil sa mga bwiset na yon. Pero ayos lang nakapag-aral ako nang walang isturbo at napakaganda ng Cafe na to. Naka aircon pero tama lng ang lamig, maganda ang interior design, at maraming nakasulat na motivational quotes sa pader.

*phone rings*

Kinuha ko ang cellphone kong nakatago sa bag ko.

"Hello ma"

"Hello nak, kamusta? Nasa palawan ako, ipapadala ko na allowance mo"

Nice! Pay day naaaaaaa

"Sige ma, salamat"

"sige, ba-"

"Ma, mag me medicine ako ha" sabi ko.

"Babye na" pagkatapos non, pinatay na niya ang tawag.

Napabuntong hininga na lang ako ng malalim.

Bata pa lang ako, alam ko na kung ano ang gusto ko sa buhay. Noon pa lang, may plano na ako. Gusto ko talaga maging Doctor, ilang beses ko na din sinabi yan sa mga magulang ko pero ayaw ako payagan kesyo hindi daw namin kaya.

Sa totoo lang kaya naman talaga eh, sana.

Seaman ang papa ko, ang mama ko naman negosyante. Malaki mga kita at sahod nila pero malaki din gastos namin kasi ang magaling kong ate, nag pumilit na sa canada mag-aral ng nursing niya.

Stay Close to MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon