Chapter 6

17 5 0
                                    

"Girl, ikaw ha, nagdadalaga ka na pala"

"Yieeee, kayo na ba?"


Napakunot ang nuo ko dahil sa pinagsasabi ng mga kaklase ko, "anong pinagsasabi niyo?"


Hinarap sakin ng isa ang cellphone na hawak niya. Picture namin ni Markus nung nasa back gate kami, ito yung susuntukin ko sana siya pero hindi natuloy dahil agad niyang napigilan. Hawak niya ang kamay ko at nakatitig siya ng diretso sa mga mata ko.


I'm shookt! Kaya pala may narinig kaming click ng camera noon!


Nagbukas ko ng IG sa phone ko at tiningnan doon ang picture. Ang daming likes at comments!


"Anong pakiramdam ng tinititigan ng isang Markus Herrera?"

"Sana all"

"Kung ako yan sinunggaban ko na ng halik yan"


Eww, nag cringe ako sa mga comments.


May two hours na vacant kami ngayon at 6pm pa ang next na klase namin. Ako lng mag-isa ang nasa botanical garden ngayon. Umalis na ang mga classmates ko na kasama ko kanina. Hiwahiwalay kaming magkakaibigan ngayon. Si Hena kasi nasa gym, si Jade sa football field, at si Angel naman sa volleyball court. Mga supportive girlfriend eh talagang umabsent pa sa last subject namin kanina. Inaya nila ako kanina na sumunod daw para hindi daw ako maiwan pero tumaggi akong sumama kasi hindi ako mahilig sa mga ganon, sakit sa tenga ng mga nag chi-cheer.


Urgh! Bored na bored ako jusko, anong gagawin ko?


Humalumbaba ako sa mesa. Matutulog na lng ako, ang sarap kasi ng simoy ng hangin, hindi din mainit dito dahil sa mga matataas na kahoy at komportable ako sa outfit ko ngayon. Faded boyfriend jeans, crest vibe leather sperry, at fit white tshirt.


Pipikit na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nag message si Markus. Nagiging close na ata kami.


"Akin na ang payong ko"


Right, muntik ko na makalimutan na ibabalik ko pala sa kanya ang payong na pinahiram niya sakin nung isang araw. Binantaan pa ako na magagalit daw siya sakin kung hindi ko daw mababalik ang payong ngayon. Sus, para lng sa payong magagalit agad.


"San ka ba?" reply ko


"Pool area. Nasa right side ako pag naka harap sa bath house, at nasa unahan."


Huh? Ba't nasa pool yon, wala ba silang duty?


Inayos ko ang mga gamit ko. Nilabas ko ang payong niya gagamitin ko muna ulit dahil ang layo kasi ng pool area ng St. Martin mula sa botanical garden at mainit patungo dun, dadaan din kasi sa football field.


Pagdaan ko sa football field agad nakita ng mga mata ko si Jade na sobrang hyper dahil sa intense ng laro. Jusko, parang nahihiya ako na kaibigan ko to. May dala pang pompoms. Ang lakas lakas din ng cheer niya.

Stay Close to MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon