Chapter 3

19 10 0
                                    

"O tagay mo na" inabot sakin ni jade ang baso.

Oo baso, ganyan kami tumagay eh. Nagmamadaling tamaan joke hahaha

Nandito kami ngayon sa likod ng sasakyan ni Jade na ford ranger. Park shot. May the bar pink tower din kami, pinayagan kami na ilabas to dahil naka reserve naman ang buong The Secret Place para sa birthday ni Hena.

Kapag may malapit ng malasing, lumalabas talaga kami sa bar at sa labas na lang pinagpapatuloy ang inuman. Medyo nag iingat parin naman kami.

Malamig dito sa labas pero dahil sa alak, may nararamdaman akong konting init. Napaka peaceful dito sa labas wala kang maririnig na ibang ingay except lng sa boses namin at tunog ng mga insekto. Maganda din ang langit, maraming bituin ngayon. Overlooking din sa pwesto namin ang city lights. Ang bar kasi na The Secret Place nasa mataas na lugar, hindi din naman malayo sa city.

"Himala atang hindi naka bantay mga boyfriend niyo sa inyo?" Tanong ko.

"Anong hindi?" Sabi ni Jade sabay turo sa sasakyan na medyo may kalayuan samin. Kumaway naman samin ang lalaking nakasandal dun.

Pocha, bantay sarado ah.

Si Angel naman, tinuro ang lalaking nakasandal sa nakaparadang motor hindi lng din kalayuan samin.

"sana ol may jowa" sabi ko sabay tawa.

"Edi maghanap ka, gusto mo sabihan ko si Hena na ipakilala ka sa mga kakilala niya dun sa loob?" Sambit ni jade habang nakatingin sakin, mukhang seryoso siya sa sinasabi niya.

"Oo nga girl, daming yummy na ininvite si hena. Mga tropa ata ng kuya niya" pagsasangayon ni Angel.

"Makapagsalita kayo parang wala kayong mga jowa ah" sabi ko sabay tungga ng inumin na kakabigay lng ni Jade.

"eh ano na nga gusto mo ba? Ha?! Yes or no lng naman eh!" Niyugyug pa talaga ako ni Jade.

"Ayoko nga... wala sa plano ko ang mag jowa ngayon no. After 10 years na lang, pag ganap na doctor na ako" sagot ko.

"Ok, tagay mo na" sabi ni angel

"Ha? Tangina, parang kakatapos ko lng eh" reklamo ko.

"Gaga, tapos na kami."

Ininom ko nalang ang binigay niya sakin. Bahala na, may rule naman kami na bawal mandaya kapag umiinom.

"Kahit gusto ko mag boyfriend, hindi pwede. Pakiramdam ko kasi masisira lahat ng plano ko sa buhay kapag nag boyfriend ako, parang sinasayang ko lng edukasyon ko" sabi ko.

Pakiramdam ko kasi wala akong ibang dapat unahin kundi ang pag-aaral at ang makapagtapos.

Nagka boyfriend ako pero hindi din naman nagtagal yun. Aral lng inatupag ko at nakalimutan ko na may boyfriend pala ako kaya natapos din agad, hassle din.

"Tangina ang lalim pero joke lng hehehe" komento ni Jade. Kahit kailan talaga hindi mo to maaasahan pag dating sa mga deep talks.

"Anong masisira? Bakit? Pagba mag boboyfriend magpapa buntis agad?... mag-jejerjer ba kayo agad ng magiging boyfriend mo ha?!" Loka na Angel to.

"Hindi no! Reserved to sa taong papakasalan ko" inabutan ako ni jade ng baso, tangina parang kakatapos ko lng din ulit ah!

"Old school" sabi ni angel

"Anong old school?! Palibhasa, naisuko mo na siguro ang pearl of the orient mo no?!!" Sabi ko sabay tawa hahahaha agad naman mas pumula ang mukha niya hahahaha sabi na nga ba

"If love hits a person, it hits hard" corny naman nitong si Jade looool

"Bahala kayo. Matatanda na kayo, siguraduhin niyo lng na walang mabubuntis sa inyo ng maaga. Ayoko pa maging ninang, wala pa akong pera pambili ng mga ano ano" sabi ko sabay tagay.

Stay Close to MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon