Chapter 5

23 5 0
                                    

Lunes na ngayon, February 17. Pagkatapos ng nakakalokong txt sakin ng Herrera na iyon ay hindi na ako nag reply at hindi na rin siya nagparadam. Ikinatuwa ko naman yon dahil naging matiwasay ang weekend ko. Dumaan din ang Valentine's day pero naging normal na araw lng iyon sakin. Sina Hena, Jade, at Angel naman ay nakatangaap ng mga regalo mula sa mga boyfriend nila at nakuha pa nilang ipagyabang yon sakin.

Gumaling na din ako at hindi na masama ang pakiramdam ko.

Kasalukuyan akong nahihintay sa order ko dito sa isang tapsilogan malapit lng sa apartment ko.

Napaka-chill lng ng Lunes na to dahil opening ng University week namin, hindi namin kailangan pumunta ng maaga sa school.

"tsk tsk, tadhana nga naman o."

Oh no! This was supposed to be a chill day pero mukhang hindi na mangyayari yon dahil nakaupo na ngayon sa tapat ko sa Markus. Suot niya ang all white niyang uniform. Hindi nga pala sila exempted at kailangan parin mag duty.

Napabuntong hininga ako bago nagsalita, "Tadhana mo mukha mo, umalis ka nga sa harap ko. Maghanap ka ng ibang pwesto." Ang bawat mesa kasi dito, may dalawang upuan na magkatapat.

"Sige nga, hanapan mo ako ng pwesto."

Tumingin ako sa paligid, wala na ngang bakante. Kung minamalas nga naman o!

Dapat mag upgrade na tong Tapsilogan ni Aleng Nena, alam naman nila na andaming kumakain dito araw araw kaya dapat damihan din nila mga lamesa at upuan dito, hay nako.

"Ganda ng tshirt pero ang pangit ng nakasuot." Tiningnan ko siya na parang hindi makapaniwala. Ano daw? Pangit? Ako?!!!

Inambahan ko siya ng suntok at pinandilatan ng mata.

"It was a joke." Sumandal siya sa upuan niya at ngumisi sakin.

"Ah, biro lng yon? So, inaamin mo na maganda ako?" I raised a brow and also smirked at him.

"No. I meant the shirt, joke lng na maganda yan. Ang panget talaga sa totoo lang"

Pinaningkitan ko siya ng mata at hindi na sumagot dahil dumating na ang order ko.

Kakain na ba ako or hihintayin na dumating din ang order niya? Parang ang bastos naman kasi kung kakain na ako pero siya naka tunganga lng sa harap ko.

Kahit gutom na ako pinigilan ko muna na kumain.

"Kain ka na. Nahiya ka pa sakin." He concluded lol, walang hiya akong tao pero gusto ko lng mag observe ng proper dining etiquette no!

Hindi nagtagal ay dumating na din ang order niya.

Habang kumakain kami ay biglang nag ring ang Iphone niya. Nag excuse ito sakin at at humarap siya sa gilid.

"Oo, dito sa Aling Nena's Tapsi"

"Punta ka na lng dito."

Nang maitago na niya sa bulsa niya ang phone niya, humarap naman siya sakin.

"Sorry, kuya ko yung tumawag" kumain na ulit siya

"Ok, pero hindi ko naman tinanong. Duh" umirap ako sa kanya.

Malapit ko ng maubos ang pagkain ko nang bigla na namang may sumulpot sa pwesto namin na talaga namang gumulat sakin. Mas Lalang dumilat ang mga mata ko at bumukas ng bahagya ang bunganga ko.

Naka corporate attire siya at magulo ang buhok niya. Walang iba kundi si Sir Jules, ang ultimate crush ko.

"Ang tamad mo, idadaan mo lang naman sana sa opisina ko"

Stay Close to MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon