Chapter 7

17 4 0
                                    

Last day ngayon ng University week namin pero wala akong gana bumalik, cancelled lahat ng classes namin, wala din namang something interesting sa school namin hindi gaya ng ibang school na kapag UWeek eh may pa perya. So much hate Father.


Naka higa lng ako sa kama habang na fe-facebook. Lahat na lng ng nakikita ko puro kalokohan na shared post ni Markus.


*ting*


Napataas naman ang kilay ko nang mag pop-up ang chat head niya.


"Hello, may jowa ka na po?" aba, umaandar na naman pagkaloko niya.


Sige nga, sasabayan ko mga kalokohan niya hahaha.


"Wala eh, bakit?"


"Kasi ako wala din." Eh ano naman paki ko kung wala siyang jowa? Ano gusto niya, hanapan ko siya?


"Ahhh, hanapan mo ko ng paki." reply ko


Napakunot ang noo ko nang mabasa ko ang reply niya.


"Tayo nalang dalawa. Single ka, single ako." Yuck, kadiri.


Napangisi ako nang maka-isip ko ng magadang reply, hahaha.


"Ikaw na lang mag-isa, kaya mo yan." After ko ito ma send, agad akong napatawa hahaha.


Nagulat ako nang biglang mag ring ang cellphone ko, si Markus tumatawag.


"Oh, ano na naman?" bungad ko sa kanya.


"Punta ka dito sa school, masaya."


"Ayaw ko, ang boring. Marami akong assignments." Suplada kong sagot. Loko lang, wala naman talagang assignments lol.


"Maraming assignments pero nagbababad sa facebook, pwede ba iyon?" Narinig ko naman siyang tumawa.


"hindi na nga ako nag fefacebook eh, puro shared posts mo nakikita ko. Wala ka na bang matino na ma share? Pati sa facebook dala mo kalokohan mo."


"Aba kung hindi mo gusto mga shared post ko... edi ako na lang gustuhin mo. Problema ba yon?"


Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Tumawa ako na para bang hindi makapaniwala sa kanya, napa paypay pa ako sa sarili, jusko ang hangin ng lalaking to.


"Hoy, ang kapal ng mukha mo!" inend ko ang call. Nakaka stress talaga siya!!


Tumayo ako mula sa kama. Hindi pa ako nakaligo kaya maliligo muna ako, lalabas din naman ako maya maya para mag lunch sa mall.


Pagkatapos kong maligo, nag suot ako ng black fitted pants, white t-shirt na naka tuck in, at checkerboard vans slip-on. Naka suot din ako ng silver necklace na may crescent moon pendant. Naks, bihis na bihis ako ah, mag lu lunch lang naman, lol.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stay Close to MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon