Sa isang mundong ginagalawan na akala mo'y malaya ka ngunit ang totoo pilit nitong tinatago ang tunay na kahulungan ng malaya.
Pagmamahal na ang ibig sabihin na ang lahat ay para lamang sa isa.Isang pinunong kinikilalang diyos at sinasamba ng buong puso,na ang akala nila'y siya ang dahilan kung bakit sila nabuhay sa mundong ito.
Binibilog ang mga isip at nililinlang ang mga damdamin,para lang makuha ang mga mithiin.Akala nila'y pantay pantay ang lahat sa lahat ng bagay ngunit ang lahat ng iyon ay isang kasinungalingan.Mas iniisip kung ano ang nakatataas at binabalewala ang mga nakabababa.
Pag-awit,Pag-tula,Pag-iyak,Pag-tawa at pakikipag relasyon sa iba ay hinding hindi mo magagawa dahil ang lahat ng mga katagang iyan ay walang kahulungan sa iyong mundong tinatapakan.
Pagkitil ng buhay ay walang hustisya,kahit kaunti lamang ang iyong naggawang kasalanan hindi sila magdadalawang isip na patayin ka.Paghalay sa mga babae,bata man o matanda walang pinipiling edad at walang pinipiling oras.Pagkulong nang panghabang buhay sa mga taong kahit wala namang naging kasalanan.Pero ang lahat ng iyan ang normal lamang sa mundong iyong ginagalawan na akala mo'y ganun talaga ang buhay.
Bawat patak ng ulan mapapaisip ka talaga kung saan ito nanggagaling,pagsibol ng mga bulaklak,at ang sinag ng araw nanagbibigay liwanag sa lahat.
Pagsapit ng dilim wala ka nang makikitang liwanag mula sa paligid tanging liwanag na lamang ng buwan at mga butuin ang iyong makikita.
Wala silang kaalam alam na ang kalayaan ay iba sa kanilang iniisip.Isang mundong pilit itatago ang katotohan patungkol sa pagiging malaya.
Ngunit ang lahat ng iyan ay mababago sa darating na panahon kasabayan ng paglubog araw at sisimulan ang bukas kasama ang totoong kalayaan.
Wait for me
until
Five o'clockAeolosSeraphim
(please support me!)
YOU ARE READING
Wait for me until five o'clock
RomanceThere's a girl who really wants to explore the outside world and to learn the truth about freedom,knowing that,that is imposible because they said there's nothing,but she didn't believe them and promised herself that one day her purpose will be fulf...