Traeh's POV
"Sorry ah,kasi nagulat kita kanina,hindi ko naman alam na may sakit ka pala sa puso."pagpapatawad niya.
"Okay lang yun."ani ko naman na ikinangiti niya.
"Bakit ka nga pala nandito?"tanong niya saakin.
"Dito kasi ang paborito kong lugar,payapa,tahimik at makikita mo mismo ang paglubog ng araw."sambit ko sabay napatingin ako sa kanya.
Nagulat ako dahil nakatingin din siya saakin.Actually,nakakailang nga at ang awkward. Siguro we feel the same thing kasi iniwalin niya rin ang tingin niya saakin.
"Ganon ba,sabagay tama ka naman,napakaganda naman talaga ang lugar na ito."ani niya sabay tingin sa paligid.
"Eh ikaw,bakit ka naman nakarating dito?"tanong ko sakanya habang siya naman ay patingin tingin parin sa paligid.
"Wala,gusto ko lang ilibang ang sarili ko para makalimutan ang mga panget na pangyayari sa Mansion."sambit ni Flavian na parang may inis pa sa pagsasalita.
"Okay lang ba kung malaman ko?"tanong ko sakanya at hindi na siya nagisip kung Oo o hindi dahil sumagot agad siya.
"Sure."
"Okay."ani ko naman.
"Ganito kasi yun,Si Dad gusto niya akong pag aralin sa states,pero ayaw ko dahil may home study naman ako dito at siyempre hindi naman siya ang nagdesisyon nun,si grandpa.Sa totoo nga lang palagi namang nasusunod si Grandpa wether we like it or not."Ani niya na ikinagulat ko.
"Teka nasaan ang Inay mo?Sabihan mo siya na ayaw mong mag aral sa states.Siya ang makakatulong sayo dahil mothers knows the best."sambit ko naman ngunit hindi ko alam na wala na pala siyang Ina.
"Yun nga ang hinihiling ko eh,ang may mapagsabihan ng mga hinanakit ko at mga problema."ani niya at biglang nagbago ang timpla ng kanyang mukha.
"Bakit?Anong ibig mong sabihin?"nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Wala na kasi ang mama ko,namatay na siya,hindi ko alam kung anong ikinamatay niya dahil at that time naagaw na ako ni Dad kay Mama tapos nabalitaan ko nalang na wala na siya at yun din isang dahilan kung bakit ako may galit kina Dad at grandpa."ani niya at hindi na niya napigilang tumulo ang kanyang mga luha.
"Sorry."
"Okay lang mas mabuti nga ito para mailabas ko lahat ng hinanakit ko."ani niya naman.
I felt so guilty about what I've done,hindi ko naman akalain na wala na ang kanyang Mama.
Kasabayan ng pagpunas niya ng kanyang mga luha ay bigla rin siyang tumawa.
"Itigil na nga natin tong drama na to,Alam mo,mas mabuti pang pag usapan nalang natin ang mga magagandang bagay na nangyari satin."ani niya.
Nawala rin naman ang Guilt ko sa sarili dahil nakita ko siyang ngumiti.
"Alam mo ba,noong bata ako palagi akong pinapagalitan ni Mama dahil palagi akong nagnanakaw ng libro sa library dahil nga mahilig akong magbasa,palagi niyang sinasabi saakin na bawal magnakaw kaya magkasama din kaming binabalik ang libro,hanggat sa hindi ko na ginawa."Pahayag niya sabay tawa ngunit hindi ako natawa sa kanyang sinabi dahil naalala ko rin ang Itay ko.
"Hindi ba nakakatawa?"ani nya saakin dahil napansin niya na hindi ako tumawa.
"Sorry,Imbis sana na matuwa ako,naalala ko sa inyo ang Itay ko."
YOU ARE READING
Wait for me until five o'clock
RomansaThere's a girl who really wants to explore the outside world and to learn the truth about freedom,knowing that,that is imposible because they said there's nothing,but she didn't believe them and promised herself that one day her purpose will be fulf...