Chapter 2

30 2 1
                                    

Flavian's POV

First of all,hindi ko naman masisisi si Dad dahil sumusunod lang naman siya kay Grandpa,pero kahit pilitin nila ako hindi ko talaga gusto na mag aral sa states.

Dahil nga sa sobrang galit ko kina Dad at Grandpa napagdesisyonan ko nalang na lumabas muna ng Mansion upang ilibang muna ang aking sarili at para narin makalimutan ang nangyari.

Bawat pagtapak mo at pag daan mo may makikita't makikita ka paring mga taong mamatay matay sa pagtratrabaho.

Ang mga tanong na pumasok saaking isapan ay bakit nila hinahayaan na ganito nalang ang ang estado nila sa buhay?

Bakit hinahayaan nilang alipinin sila ng mga matataas ng katungkulin?

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa mga kabahayan kung saan naninirahan ang mga taong nagtratrabaho.

Sa totoo lang nakaka awa sila,wala silang ginagawa gundi ang magtrabaho ng magtrabaho hindi lang dahil gusto nila at dahil din para may pangtustos sila sa kanilang pamilya.

Kita ko sa malayo ang mga batang nagkakalat lamang,walang saplot sa katawan at madungis na parang hindi inaalagaan ng kanilang mga magulang.

Siguro nga din ay hindi nila maharap dahil nga subsob sila sa trabaho.

Masakit isipin na kaming mga matataas at maraming kayamanan ay walang pinoproblema patungkol sa pinansyal na pangangailangan at ang mga mabababa naman at mahihirap ay halos mamatay matay sa pagkakayod para lamang magkaroon ng salapi na magagamit nila sa pang araw araw nilang buhay.

Pero naniniwala ako na darating ang panahon na mababago ang kanilang buhay.

Habang ako ay patuloy parin sa paglalakad nagulat ako nang merong isang matandang kumalabit sa akin likod.

"Iho,maari mo ba akong bigyan ng iyong salapi,nagugutom na kasi ako."

"Ay sorry po Lola wala po akong dalang Salapi."

"Sige na apo nagugutom na kasi ako."

"wala po talaga Lola,sorry po."

Awang awa ako sa matanda ngunit ang hinihingi niya ay wala ako.

Ngunit naisip ko na ibigay ko nalang ang aking Gintong Kuwintas sa kanya.

"Lola!"sigaw ko habang papalayo na siya.

Agad naman siyang lumingon.

Tumakbo ako sa kanya."Lola tanggapin nyo itong kuwintas ko Ginto po yan maaari nyo itong ipalit sa Sanlaan."Nagulat na lamang ako ng bigla siyang umiyak.

"Bakit po lola?!"

"S-salamat apo,isa kang biyaya sa akin."

kasabay ng pagyakap niya sa akin.Iba ang aking naramdaman noong niyakap niya ako.

Bumalik ang lahat ng alaala namin ni Mama noong nabubuhay pa siya.

I was 8 years old at that time, tumakas si Mama noong ipinanganak niya ako dahil ayaw niyang gamitin lang ako ni Dad sa mali.

Masayang masaya kami ni Mama kahit hindi namin kapiling si Dad ngunit isang araw nahanap kami ni Dad at gusto akong kunin para may susunod na Manununo sa North Korea.

But my mom didn't want to give me to Dad.

"Stop it felix,you'll just use him!"

"Ibigay mo nalang kase Carmen!"

"Hinding hindi!Akin ang anak ko!"

"Alam mo Carmen mas mapapabuti siya sa amin."

"Alam mo din ba Felix na walang mas ikakabuti pa ang isang bata kundi ang makasama ang kanyang ina!"

Wait for me until five o'clockWhere stories live. Discover now