Traeh's POV
Nabulabog ang aking pagtulog ng gisingin ako ni Ina,agad narin naman na akong bumangon para simulan ng maganda ang araw na ito.
Pagbangon ko,agad akong tumakbo sa labas upang masilayan ang pag sikat ng araw.
"Napakaganda talaga ng araw,saan kaya ito nanggaling? "tanong ko sa aking sarili habang nakatitig parin dito.
Maraming tanong ang bumabalot sa aking isipan na hanggang ngayun ay hindi ko maalis sa aking isipan.Ang mga katagang sinabi ni itay simula ng maglaho siya dito sa North Korea.Sinabi niya ang lahat tungkol sa outside world,walang pag aalinlangan na sinabi nya na mayroon pang Mundo sa labas.
"Itay,hindi ako naniniwalang patay ka na,dahil naniniwala ako na nasa outside world ka na,at pinapangako ko susunod kami diyan ni Ina."ani ko sa aking sarili habang nakatayo parin sa harapan ng aming bahay at sinusubaybayan ang pagsikat ng araw.
Tandang tanda ko pa ang huling katagang binanggit saakin ni Itay bago siya umalis,isang katagang hinding hindi ko makakalimutan,isang katagang magiging parte na ng aking buong pagkatao.
I was 7 years old at that time,edad na wala pang masyadong alam tungkol sa totoong buhay,walang alam sa hirap at sakit na nararanasan ng mga tao rito.Ngunit ang edad na iyon ay ang edad na namulat ako sa tunay na mundo.
Pasikat na ang araw at simula naring tumaas ang temperatura kaya naisipan ko narin na pumasok na sa aming tahanan upang mag almusal.
"O anak halika kana,kumain na tayo."kasabayan naman ng pag upo ko,at umupo narin naman si ina upang simulan ang aming pag kain.
"Ina,sa tingin nyo po ba,may outside world?"tanong ko kay ina habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.
"Oo anak,merong pang mundo sa labas,at ang mundong iyon ay ang mundo kung saan matatanaw mo ang tunay na kalayaan."ani ni ina na ikinagulat ko nang husto.Napaisip din naman ako dahil bakit sinabi niyang nasa outside world ang tunay na kalayaan.
"Hindi pa ba malaya dito saatin ina??"tanong ko sa kanyang at nagiba ang hulma ng kanyang itsura.
"Anak,ang tunay na kalayaan ay walang pagpatay,paghalay sa mga kababaihan at pagkulong sa mga wala namang kasalanan at ang tunay na kalayaan ay magagawa mo ang mga gusto mong ginagawa,ang pagkanta,pagtula, pagsayaw,magmahal at magpakasal at ang lahat ng iyun ay makakamit mo lang sa outside world."pahayag ni Ina habang seryosong nakatitig saaking mga mata.
Hindi ko mawari kung malungkot o galit ba siya.Ngunit na tatak sa aking isipan ang sinabi niyang katagang "magpakasal"
"Ina,ano po ba ang "magpakasal"?" tanong ko kay ina na ipinagtaka ko dahil natawa siya sa aking sinabi.
"Bakit po kayo natawa?"dagdag na tanong ko pa dahil naguguluhan na talaga ako.
"Anak,ang kasal ay isang seremonya kung saan ang dalawang taong nagmamahalan ay mapagiisa na."ani ni Ina na namangha ako at gusto ko ding maranasan.Narealize ko din na marami palang ibang bagay na malalaman at matutuklasan sa outside world.
"Ina,pinapangako ko kapag ako nakatungtong na sa tamang edad,pangako tatakas dito at tutuklasin natin ang outside world."pangako ko kay ina at napangiti naman siya saaking sinabi.
President Chan's POV
"Siguraduhin niyong maaayos niyo yan ng mabuti,dahil kapag pumalpak tayo kayu ang pasasabugin ko!"sambit ko sa mga nagtratrabaho sa aking laboratory na gumagawa ng mga nuclear bombs na gagamitin para pasabugin ang US,Japan at South Korea sa mga susunod na taon.
Ilang taon nalang hihintayin at magagawa ko narin ang nararapat sa mga pesteng bansang yan.Akala siguro nila makikipag sundo na ako sa kanila,well they're wrong,Unting unti nang matutupad ang aking mga plano,ang matupad na maging pinaka malakas at pinaka mayamang bansa sa buong mundo.
Mamaya maya pa ay biglang dumating si Felix na aking anak.
"President chan,meron pong nagpapatawag sa inyo."ani niya lasabayan naman ng pagtugon ko.
Pagdating ko sa aking Office nakita ko si President Xuo ng China at para narin pag usapan ang tungkol sa Nuclear bomb na gagamitin sa susunod na mga susunod na taon."Welcome back President Xuo!"pagbati ko kasabay ng pagkamay ko sa kanya.Hindi na siya nag dalawang isip na deretsuhin ako.
"Kamusta naman ang mga Nuclear Bomb mo??magagamit naba ito sa mga susunod na taon??"tanong niya na mukhang seryoso ngunit wala siyang ka alam alam na kasama siya sa pababagsakin ko.
"Handang handa ang lahat President Xuo, Everything is under control."sagot ko naman sa kanya at halata namang sumangayon siya sa aking sinabi.
Mamaya maya ay biglang may kumatok sa pintuan.
"Grandpa its me Flavian!"dinig kong sambit ng aking apo mula sa labas ng pinto.
Pagpasok niya may dala dala siyang dalawang cup of tea.
"Pinapabigay daw po ito ni Dad,para sa inyo raw po."ani ng aking apo kasabayan ng pagbati niya kay President Xuo.
"Binata na pala itong Apo mo,President Chan."ani saakin ni President Xuo habang kinakapa kapa ang ulo ng bata.
"Oo nga eh,ang bilis ng panahon."ani ko naman sabay sambit kay Flavian na lumabas muna at mag uusap pa kami ni President Xuo.
Flavian's POV
Paglabas ko sa pinto agad na akong pumunta sa aking silid upang ituloy ang librong aking binabasa.
Wala naman akong nakakasama dito mansion kaya mas pinipili ko nalang ilibang ang aking sarili sa paraang pagbabasa ng Libro.
Mga librong tungkol sa aming kasaysayan, tungkol sa Outside world at pag aaral.
Alam ko ang tungkol sa nangyayari sa aming bansa na pilit tinatago ang katotohanan sa mga mamamayan dito sa North Korea.
Ang planong pagpapasabog sa US,Japan,South Korea and either China.
Gustohin ko man o hindi wala akong magagawa kundi hayaan nalang ang mga plano ng aking grandpa.
Tahimik ang paligid habang nagcoconcentrate ako pagbabasa ng may biglang kumatok sa aking pintuan na ikinagulat ko.
"Flavian,pinapatawag ka ng iyong Dad."sambit ng isang katulong kay Flavian at agad narin naman siyang tumugon.
"Sige po."
"Anak,hinanda ko na ang mga requirements mo para sa pag aaral mo sa States sa susunod na taon."sambit ng aking dad na ikinagulat ko ng hunsto.
"Dad,ayoko!"
"Pero yun ang utos ng lolo mo!".
"Mas importante ba ang gusto niya kaysa sa gusto ko?!"
"Anak para rin sa ikakabuti mo ito."
"Ayoko!"
"Anak,dinggin mo naman ako!"
"Ayoko po Dad,dito lang ako!"
"Flavian!"
"Sorry Dad,ayoko talaga."ani ko sabay alis sa harapan ng aking dad.
Alam ko naman na sa lahat ng bagay si Grandpa at Grandpa parin ang masusunod wether We like it or not.
.
.
.
.
.
.
Wait for me until five o'clock by AeolosSeraphim.
All Rights Reserved 2020-2021Please don't forget to Vote,Comment and Follow!
<>
<>
<>
<>
DISCLAIMER:
This is a work of fiction.
Names,Characters,Businesses,
Places,Events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead,or actual events is purely coincidental.¤All Rights Reserved 2020
YOU ARE READING
Wait for me until five o'clock
RomansThere's a girl who really wants to explore the outside world and to learn the truth about freedom,knowing that,that is imposible because they said there's nothing,but she didn't believe them and promised herself that one day her purpose will be fulf...