The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter – 3
“The Start of Something New”
By: Apple Green
========================================
== The Leaf ==
“Hi there! Im your partner. Kumusta?” Napatingin lang ako sa likod ko ng kalibitin niya ako. “We meet again.” Sabay ngiti niya sa akin.
“What?! Ikaw na naman? I love this day. I love my life.” Sarkastikong sabi ko.
“Wow naman! You love this day kasi magkakakilala na talaga tayo? Nice naman o.” sabay lipat ng upo sa tabi ko. “Ok. So let’s start this over again. Hi, im Yukito Ramirez, but you can call me Yui.” Sabay ngiti sa akin ng ubod ng tamis…
Napasimangot naman ako. “Anak ng kwek kwek naman o! I was really paired up with this annoying Japanese guy huh? Tsk.” Nasabi ko nalang ng palihim. Hindi ako tumitingin sa kanya, I was pretending na nakikinig ng music sa headphones na sinuot ko kanina pero wala namang itong tugtug kasi in-off ko kanina nung dumating ang prof namin.
Sa totoo lang, ayoko talaga magkaroon ng kaibigan. Siguro takot lang ulit magtiwala. Whatever. Basta I really prefer working alone. Dati rati, pag ganitong mga group activities, sinasabihan ko nalang ang aking mga groupmates na ako nalang ang gagawa. At lahat sila, sumasang-ayon naman.
“Haaay. I love this day, grabe! Ke malas-malas mong lalaki ka.” Sabi ko sa sarili.
“Hey. I know na di masyado naging maganda ang introductions natin kanina, pero I’m very willing na simulan natin ito ulet.” Napabuntong-hininga siya at saka ngumiti ulit. “Ako nga pala si Yukito Ramirez, kung hindi mo narinig kanina.” Napangiti siya maya-maya. “Hey, alam kong hindi ka nakikinig ng music. Eto o...” Sabay taas ng dulo ng chord na hindi ko namalayang natanggal sa ipod ko.
Tsk. Bakit ba ang daldal ng lalaking ito? Ano ba kailangan niya? “What do you want?” walang kagana-ganang tanong ko sa kanya, without looking at him.
“Bakit ba ang sungit mo? You’ve heard Miss Tayko right? May presentation tayo sa Monday, at group presentation yun. So we better do this together.”
“Kaya ko ng gawin yung magiging presentation natin. Madali lang yun. Ako na ang bahala.” Sabi ko at tumayo agad at naglakad palabas. I just gave him the cold shoulder. Naiinis ako sa kadaldalan niya.
Nahawakan niya naman ang braso ko. “What? So ano tingin mo sa akin, tau-tauhan lang na ipapasa sayo lahat ng dapat gawin? No way.”
“Ayokong may makulit at madaldal na umaaligid-aligid sa akin okay? Ako na ang gagawa nun. So please, bitiwan mo ako.” Irap ko sa kanya.
“Look. If you still insist of doing it all by yourself, Miss Tayko will hear about this. You wouldn’t want me to do that, do you?” Sarkastikong nasabi niya. “Group Activity nga diba?”