The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter – 4
“Lean on Me”
By: Apple Green
jaceanime@gmail.com
===================================
== The Leaf ==
“If you ever leave me, baby, leave some morphine at my door. Cause it would take a whole lot of medication, to realize what we used to have, we don't have it anymore.
There's no religion that could save me, no matter how long my knees are on the floor, oh. So keep in mind all the sacrifices I'm making, to keep you by my side. And keep you from walking out the door.
Cause there'll be no sunlight, if I lose you, baby. There'll be no clear skies, if I lose you, baby. Just like the clouds, my eyes will do the same if you walk away, everyday, it will rain, rain, rain..”
“Naka-shuffle naman ang Ipod ko, pero bakit ito ang nagplay?” Tanong ko sa sarili ko nung kinahapunang pag-uwi ko. Naglalakad lang ako pauwi ng bahay, malapit lang naman eh. Lintek naman tong kanta’ng to oh. Ang daming alaala ang dala-dala ng kantang to.
“It Will Rain”, ang kantang nagpapa-alala sa akin sa kasawiang natanggap ko mula sa aking unang pag-ibig, si Karin. Ito yung kantang kinakanta ko parati simula nung iniwan niya ako dalawang taon na ang nakakalipas. Simula ng mamatay si Mama, siya yung taong nagtiyaga’ng lumapit at pinilit kaibiganin ako. She had the perfet smile, she had the perfect ways of making me smile. She gave me a reason to forget and accept all the painful things that happened before.
Pero ngayong nawala siya sa akin, bumalik ulit ako sa pagiging melodramatic, at pagiging emo. Haay. “Kumusta na kaya si Karin ngayon? San na kaya siya?” Anang utak ko.
Naghiwalay kami noon kasi istrikto ang parents niya. Nalaman nila ang maagang pagbo-boyfriend ng anak nila, at ipinadala agad ito sa Amerika pagkatapos.
“Don't just say goodbye, don't just say, goodbye. I'll pick up these broken pieces 'til I'm bleeding, if that'll make it right.
Cause there'll be no sunlight, if I lose you, baby. There'll be no clear skies, if I lose you, baby. And just like the clouds, my eyes will do the same if you walk away. Everyday, it will rain,rain, rain, rain.”
Ang saklap lang ng buhay eh no? Kung kelan natuto akong ngumiti ulit, kinuha na naman ng tadhana ang taong nagsalba sa akin mula sa kalungkutan. Hanggang ngayon, di pa rin ako makaalis sa kalungkutang bumabalot sa buong mundo ko. Natutuwa kaya ang langit na makita akong nalulungkot at naghihirap?
Hindi ko namalayan na habang tumutugtog ang kanta, pumapatak na naman pala ang mga luha ko. Naaalala ko lang talaga ang mga panahong naging masaya ako kasama si Karin. Mahal ko siya, pero hindi niya ako nakayanang ipaglaban sa parents niya. Still, I undestand her situation.