The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter – 5
“Smile”
By: Apple Green
===================================
== The Leaf ==
“They were so full of.. Basta, you already promised me. Sinisingil ko lang yun.” What? He was staring into my eyes? Pero bakit?
“Just leave me alone Ramirez.” Walang kagana-ganang sagot ko.
“Yui na nga lang. Jayden na nga tawag ko sa iyo eh.” Humarap siya sa akin at binigyan ako ng ngiting nag-aanyaya sa aking ngumiti rin. Pero nagmatigas pa rin ako. “Alam mo, nawawala ang cuteness mo pag ganyan ka palagi.” Namula naman ang mukha ko sa tinuran niya. Dali-dali ko itong tinago at niyakap ang mga tuhod ko.
Hindi ako nakasagot sa kanya. Sa lahat ng sinasabi niya sa akin, naaalala ko si Karin.
Asan na kaya ang pinaka-unang babaeng minahal ko? Mahal ko pa rin ata siya.
Hindi ako makamove-on sa pagkawala niya. Pano naman? Sa lahat ng tao, siya lang ang nagtyagang pangitiin ako noon. Siguro sinumpa na ako ng langit na magdusa habang buhay. Una si mama, sunod si Karin.
Life is so unfair.
Maya-maya, sumabog na ang kinikimkim kong kalungkutan. Hindi ko na napigilang wag umiyak sa harap ni Ramirez. Sa kaka-isip ko, hindi ko namalayan ang paglipat ng upo nito sa tabi ko, habang humihikbi na ako sa sakit ng pusong nararamdaman ko.
“Sige, iiyak mo lang yan. Pero dapat, sabihin mo sa akin kung ano nararamdaman nito ha?” At hinawakan niya ang dibdib ko. Parang ganito lang ang ginawa ni Karin sa akin noon. “Trust me. Mas gagaan ang pakiramdam mo pag nailabas mo yan sa akin. And no worries. Makikinig ako.” Nagulat naman ako nung isinandal niya ang ulo ko sa dibdib nya.
For the first time, after two years, I have felt comfor, crying in front of somebody. Just like when I cried in front of Karin. Sa unang pagkakataon, pagkatapos ng mahabang panahon, nakadama ako ng kapayapaan sa piling ni Yui.
Kaya ko na ba talagang magtiwala sa iba? Kaya ko na bang sumugal at buksang muli ang aking puso?
Pano kung mawala ulit sa akin ang mga taong pinapahalagahan ko? Ayoko ng masaktan ulit. Ayoko ng iwan pa ng aking mga minamahal.
Siguro ito yung mga rason kung bakit kinulong ko ang aking sarili sa kalungkutan. Pero, kaya ko na ba talagang kumawala sa kulungang ginawa ko para sa aking sarili? Tss. EMO-mode na naman ako.
Umiiyak pa rin ako. Ewan ko, parang ang sarap umiyak sa dibdib ni Yui. I feel secured. Parang yung nararamdaman ko lang nung mga panahong yinayakap ako noon ni Mama, at ni Karin.