The Tree, The Leaf, and The Wind - Chapter 1

36 1 0
                                    

Chapter – 1

“The Leaf and The Tree”

“I am the TREE. I was standing in the middle of nowhere, alone, and cold. I could feel the loneliness from this side of the woods. All day, I spent my time swaying in the harsh reality of my existence; I am ALONE. But things have started changing, when a small LEAF grew up on one of my trunks. And this is my story…”

== Tree ==

“Haay. Amputek. Kakapagod!”

Pasalampak akong nahiga sa kama ko pagkarating ko ng bahay. Napagalitan pa ako ng professor ko sa isang major subject ko kanina. For the nth time, I ditched his class. May practice kasi ang Varsity ng school, at dahil Team Captain ako ng Basketball team ng school, I need to be there.

Pagod na nga sa kakadribble at kakashoot ng bola, hinarang pa ako ng prof ko pagkalabas ko ng gym. 4PM kasi ang klase ko in that subject, kaso tumawag si coach ng bandang 3:30PM to remind me of our practice game with my team. Mas priority ko ang basketball kesa aral eh, so do I have to think twice?

‘Nga pala, I’m Alfer Samonte by the way. “Al” nalang for short. 19 years old, gwapo, matangkad at bulakbol sa pag-aaral. Number 5, at Team Captain ng varsity team ng school namin. Kilalang chickboy at super gangster sa school, parang Jun Pio lang ng Boys Over Flowers ba. Ba’t di ko naman pwedeng makuha ang anumang gustuhin ko sa school? Ang school na mismong pagmamay-ari ng pamilya namin.

Maya-maya, di ko namalayang nakaidlip pala ako. Nagising ako sa katok ni Mommy sa pinto. Hindi ko siya pinapansin pero mapilit talaga sa pagkatok.” Ano na naman kaya ang kelangan neto?” tanong ko sa isip ko. She was on my door for the last 5 minutes. Pilit akong pinapalabas. Alam niyang nandun ako sa loob.

“Yes, Mom?” tanong ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto. Gusto ko pang matulog pero ayaw tumigil ni Mom. Kala mo naman sisirain na ang pinto ng kwarto ko. Tss.

“Your professor, Mister Delgado, just called me. He told me that you didn’t show up in your Midterm exam. Anak, basketball na naman ba? Ano ba gusto mong gawin---“

“Wait, wait Mom. How did you know?”

“Ayan o! Kitang-kita ang ebidensya, naka basketball outfit ka pa. Anak, di mo ba talaga maiwan, kahit sandali, ang basketball na iyan? Anak, 3rd year college ka na pero you’re not doing your responsibilities.” Ang mahaba niyang sermon. Patay! Di pa pala ako nakapagbihis. Tsk.

“Mom, nag-usap na tayo about this.” Pagtangka kong tapusin ang usapan bago pa ito mauwi sa kung saan. “I’m tired Mom. Just let me rest for a bit.”

“Anak, di ka na bata. Grow up grow up din pag may time no? Your dad will hear about this. Sobra ka na Alfer. Pinagtatakpan na kita ever since you started college. Humanda ka sa daddy mo.” Sabay alis. Patay! Di na ako makakatakas kay Dad nito mamaya. Bahala na si Batman. Nagbihis muna ako ng pambahay at bumalik sa aking kama, at nakipagtitigan sa kisame.

Si Dad? Well, am I really his son? Are we really a family? Ewan. Para sa akin, hindi. Kasi naman naglalagi lang sya dito sa bahay kung may “time” sya. And when I say “time”, hindi naman madalas. Mga one day every week lang.

The Tree, The Leaf, and The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon