Katatapos lang magdefense ng grupo ni Lhian para sa kanilang Thesis. Masayang-masaya siya dahil tapos na ang Thesis, at OJT na lang ang poproblemahin niya. Pagkatapos ay makakamit na rin niya ang inaasam na graduation.
"Lee, picture tayo!", tawag ng kagrupo niya sa Thesis na si Kriselle.
Lumapit siya rito at nagselfie silang tatlo ni Marcus, ang isa pa nilang kagrupo. Pagkatapos ay nagpapicture pa sila sa iba nilang kaklase.
Matapos ang picturan ay nagyayang kumain ang kaibigan nilang si Marcus, kaya pumunta sila sa pinakamalapit na fast food chain.
"May alam na akong pag-oojthan naten", nakangiting sabi ni Marcus habang kumakain sila.
"Talaga? Saan naman?", tanong niya.
"Dun oh. Sa building na yun." Sabay nguso ni Marcus sa natatanaw nilang building.
"IT Lead dun ang tito ko, kaya for sure tatanggapin kaagad tayo nun sa IT Department. May allowance pa!", pagmamalaki nito.
Tinanaw niya ang building na tinutukoy nito mula sa kinauupuan niya. Transparent kasi ang dingding ng kinakainan nila kaya kitang-kita nila ang building na iyon. Isa itong Finance Company na malapit lang din sa school nila, kaya hindi sila mahihirapan kung sakali. Pero hindi niya alam kung bakit iba ang pakiramdam niya sa gusaling iyon nang pagmasdan niya. Siguro dahil mukha na itong luma.
"Ikaw, Kris?", tanong niya sa walang imik-imik habang kumakain na si Kriselle.
Nag-thumb sign lang ito dahil puno ang bibig.
"Hindi mo maiistorbo habang kumakain yan!", natatawang sabi ni Marcus.
May pagkachubby kasi talaga si Kriselle kaya laging nabubully ni Marcus.
"Che!", sagot ni Kriselle nang malunok na ang laman ng bibig.
At di na niya napigilang mag-asaran ang dalawa.
Silang tatlo talaga ang magkakasama mula 1st year college. Magkasangga sila sa anumang pagsubok kaya hindi sila napaghihiwalay.
Nang sumunod na araw ay napagpasyahan nga nilang magkakaibigan na mag-apply na sa Suarez Finance Corporation. Gaya nang sinabi ni Marcus, tinanggap sila kaagad ng tito nito at pinag-istart agad sa susunod na araw din.
----------------------------§§§---------------------------
Madaling-madali si Leanne nang makapasok sa building na pag-oojthan nila. 9:00 am kasi ang pasok nila at 8:58 na. Pag nagkataon, first day na first day ay late siya. May mga butil narin ng pawis sa mukha niya.
"Miss, saan ka?"
Lumingon siya. Guard pala.
"Ah... Sa IT Department po... OJT po..."
"Wala ka pang Company ID, mag-log ka muna dito", utos nito habang hawak ang log sheet na tinutukoy nito.
'Patay! Late na talaga ako nito!' Sigaw ng isip niya.
Nag-log siya sa log sheet na binigay nito at nag-iwan ng ID. Binigyan naman siya ng visitor's pass nito. Pagkatapos ay patakbo na siyang nagtungo sa pinakamalapit na elevator.
Pagkapasok niya ng elevator ay pinindot na niya kaagad ang close button para wala nang makahabol pa. Pero ayaw magsara. Pinindot pa niya ulit nang pinindot ngunit ayaw talaga.
BINABASA MO ANG
WHO IS HE?
Mystery / Thriller"'Siyang-siya nga! Pero paano nangyari yun?! Sino ba ang lalaking to'?', mga tanong na pumasok sa isipan ni Lhian nang makita ang isang lumang larawan." "Umpisa pa lang ay hindi na maganda ang kutob ni Lhian sa isang gusaling hindi kalayuan sa eskwe...