"Hinihintay mo talaga ako?" Bigla ay nagbalik siya sa wisyo nang marinig ang boses na iyon ni Edric.
Ang naisip niya kaagad ay icheck ang bulsa ng bag niya. Wala na doon ang sing-sing. Kasabay nang pagbalik niya sa nakaraan ay ang pagbalik din nito sa tunay na may-ari. Napatingin siya sa sing-sing na suot ni Edric.
"Bahala ka nga dyan." Sabay alis ni Edric.
"Edric, sandali!" Lumapit siya rito. Hinawakan ito sa braso. Gusto niya nang sabihin dito ang totoo pero hindi niya alam kung paano sisimulan.
"Edric." Napalingon sila sa tumawag na iyon kay Edric. Si Ms. Carlene pala. Tumitig ito sa pagkakahawak niya sa braso ni Edric kaya agad niyang tinaggal.
"Sino siya?", tanong nito kay Edric.
"Lhian po mam. OJT po." Siya na ang sumagot.
"OJT? Parang hindi ko natatandaang nag-aaply ka". Bakas sa mukha nito ang pagtataka.
"Si mam talaga oh. Kahapon lang po ko nag-apply then pinag-istart mo rin po ako agad ngayon. Mam Carlene po right?", nakangiting tugon niya.
Natigilan ito at tila nag-isip.
"Ah sabagay marami ring applicants kahapon, baka nakalimutan lang talaga kita". Sang-ayon na lang nito.
Ngumiti na lang siya.
Gumawa naman ito ng paraan upang masolo si Edric. Inutusan siya nitong mag-ayos ng ilang mga dokumento at saka umalis kasama si Edric.
'Maharot din tong si Ms. Carlene eh! May jowa na, lumalandi pa sa iba! Sabagay, mukhang mas maganda naman talaga siya sa'ken.' Sa isip-isip niya. Simple lang kasi talaga ang itsura niya, madalas nga ay hindi naman maganda ang puri sa kaniya kung hindi ay cute. Sakto lang ang height at pangangatawan. Hindi kaputian. May lampas balikat na itim na buhok at laging nakahair pin. Sakto lang din ang tangos ng ilong. Pero sabi nila, ang maganda raw sa kaniya ay ang kaniyang ngiti. 'Erase! Erase!'
Inalis niya muna ang ibang gumugulo sa kaniyang isipan. Ang dapat niyang isipin ngayon ay gumawa ng paraan upang hindi matuloy ang pagpatay ni Dominic kay Edric, dapat gumawa siya ng paraan upang hindi matuloy ang pagtataksil ni Ms. Carlene kay Dominic, na siyang magpapaigting ng galit at inggit nito. Binilisan niya ang ginagawa. Kailangan niyang sundan ang mga ito. Bago pa ito makita ni Dominic.
Matapos ang ginagawa ay hinanap niya ang dalawa. Natagpuan niya ang mga ito sa isang silid. Nakaawang ang pinto kaya sinilip na niya. Mukhang nagtatalo ang dalawa kaya pinakinggan niya.
"Carlene, tapos na tayo. Hindi na naten pwedeng ibalik pa ang nakaraan. May relasyon na kayo ng kapatid ko. Sana mahalin mo siya ng tapat."
Iiwan na sana ni Edric si Carlene nang bigla siya nitong hawakan sa braso.
"Mahal pa rin pala kita Edric..." Halos maiyak na ito nang sabihin iyon.
"Sana naisip mo yan bago ka nakipagrelasyon sa kapatid ko." Mahina ngunit may diin ang pagkakasabing iyon ni Edric.
"Patawarin mo ko Ed... Hindi ko sinasadyang masilaw sa mga kaya niyang ibigay sa'ken..." Sa pagkakataong ito ay tumulo na ang luha ng dalaga.
"Kaya lang din naman ako nagtrabaho dito dahil sabi mo, dito karin magtatrabaho pag nakapagtapos ka na ng pag-aaral... Ikaw ang laging iniisip ko...", patuloy pa ng dalaga.
BINABASA MO ANG
WHO IS HE?
Mystery / Thriller"'Siyang-siya nga! Pero paano nangyari yun?! Sino ba ang lalaking to'?', mga tanong na pumasok sa isipan ni Lhian nang makita ang isang lumang larawan." "Umpisa pa lang ay hindi na maganda ang kutob ni Lhian sa isang gusaling hindi kalayuan sa eskwe...