CHAPTER 12

12 1 0
                                    


Pagpasok niya sa opisina ni Dominic ay nakaupo lang itong naghihintay sa kaniya. Nakatitig ito sa kaniya habang papalapit siya sa table nito. Naiilang tuloy siya.

"So, Lhian how are you?", nakangiting panimula nito sa usapan.

'Ang lakas naman ng loob mong magtanong kung kumusta ako, eh muntik mo na akong mapatay!'

"Ahm, okay naman na Sir. Awa ng Diyos, nakasurvived naman sa nangyari.", nakangiting tugon niya rito. Gusto niya talagang maramdaman nito ang kasalanang ginawa, at tila nagtagumpay naman siya, base sa reaksyon ng mukha nito.

"You know what, I still wonder kung paano ka nakapasok sa company na'to, nang hindi dumadaan sa'ken. Apat lang kayong OJT namin ngayon, kayo ni Edric, at yung dalawang nag-start last week. Lahat kilala ko, maliban sa'yo. Para kang isang kabute na bigla lang sumulpot sa ilalim ng punong 'to", sambit nito na may tawa sa huli.

Ramdam niyang may galit ito sa kaniya. Marahil ay dahil hindi nito tuluyang napatay si Edric.

"Ah yun po ba ang problema niyo Sir? Siguro, hindi po ako ang tamang taong dapat niyo kausapin tungkol diyan. Sa tingin ko, ang HR Officer po.", deretso niyang sagot.

Nginititan naman siya nito ng nakakaloko. 'Mukha kang demonyo promise!', sigaw ng isip niya pero pilit na hindi ipinahahalata.

"Actually, kinausap kita ngayon to say sorry.", seryosong sabi nito, pero hindi niya alam kung dapat ba niyang paniwalaan.

"Sana kalimutan na natin kung anuman ang masamang nangyari. Tutal, okay na rin naman kami ni Carlene, at tingin ko, nagkakamabutihan na rin naman kayo ni Edric. So I think, everything's fine now!", nakangiting dugtong nito sa naunang sinabi.

Hindi siya makaimik. Hindi niya alam pero wala talaga siyang maramdamang sinseredad sa mga sinasabi nito.

"Lhian, for the better?", sambit nito at iniabot ang kamay sa kaniya.

Hindi niya halos maiabot ang kamay, pero wala siyang magawa. Para narin sa ikabubuti ng lahat ay nakipagkamay na siya rito at pinatawad ito.

"Oh Lhian! I almost forgot", sambit nito nang akmang lalabas na siya ng pinto.

"I'm inviting you, kayo ni Edric, to come with us on Friday. It's Carlene and I's second anniversary as a couple, and we're going on our family's resort. I want you to join us. Para na rin mas makabawi ako sa inyo ni Edric", yaya nito.

"Naku, nakakahiya naman po. Anniversary niyo po yun---

"I insist", turan nito na parang bawal naman talaga siya tumanggi.

"Ah, sabihin ko po muna kay Edric", tugon niya.

"Talagang huwag mong kakalimutang sabihin kay Edric", patawa-tawa pang sabi nito.

Tumango na lang siya at saka lumabas na ng opisina.

Pagsapit nang uwian nila nang araw na iyon, ay sinabi niya kaagad kay Edric ang pagyayaya ni Dominic.

"Okay lang ba sa'yo?", tanong niya rito matapos sabihin ang imbitasyon ni Dominic.

"Okay lang naman kung okay din sa'yo", tugon ni Edric.

"Ba't ako yung tinatanong mo? Di'ba dapat depende yun sa'yo? Kung kaya mong makitang masaya sila Ms. Carlene at Sir Dominic?", tanong niya, at saka umuna nang lumabas ng gusali. Hindi siya komportableng itanong ito. Pero ito lang naman ang posibleng dahilan kung 'di man gugustuhin ni Edric tanggapin ang imbitasyon ni Dominic.

WHO IS HE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon