Pagmulat ni Edric ng mga mata'y madilim ang paligid. Ramdam niya ang sakit ng ulo at katawan pero pilit siyang bumangon. Sobrang sakit talaga ng kaniyang katawan ngunit hindi niya ito ininda. Pilit siyang lumakad patungo sa naaaninag na hagdan.
Hahakbang na sana siya ng hagdan pababa nang may maaninag. Naaninag niya ang duguang katawan ni Dominic. Sisigaw na sana siya nang may biglang pumasok sa kaniyang isipan. Tinignan niya ang suot na damit. Sa pagkakatanda niya'y ito naman ang suot niya kanina, slacks na itim at long sleeve na asul. Kinapa niya rin ang bulsa. Naroon parin ang wallet at cellphone niya. 'Hindi, hindi. Mali ang naiisip ko.'
Ipinikit niya ang mga mata. Maya-maya ay muling idinilat. Ngunit tumambad parin sa kaniya ang duguang katawan ni Dominic. Bigla niya ring naalala na nabangga nga pala ang kotse niya sa isang SUV. Pinagmasdan niya ang kaniyang mga braso hanggang kamay. Hinimas ang kaniyang pisngi. 'Kung hindi ako nagkakamali, bumalik ako sa nakaraan. Kailangan kong baguhin ang pangyayari. Kailangan kong iligtas si Lhian.'
Dali-dali siyang bumaba ng hagdan at sumigaw. "Tulong! Tulungan niyo kami!!" Paulit-ulit siyang sumigaw. Alam niyang may nagbabantay na gwardya sa ibaba. Baka sa pagkakataong ito ay mailigtas niya ang kapatid. Dahil sa pagkakatanda niya noon, nagising siyang nasa ospital na at nabalitaan na lang niyang patay na ang kapatid. Malamang ay matagal silang natagpuan at naubusan na ito ng dugo. Kinuha niya rin ang sing-sing na tumalsik sa may sulok at ibinulsa.
Maya-maya ay dumating na ang gwardya. Pinatawag na lang niya ito ng ambulansya at siya na ang buong lakas na naghila sa kapatid pababa.
Habang hinihintay nila ang paparating na ambulansya ay may naalala siya. 'Si Lhian!' Ibinilin na muna niya sa gwardiya si Dominic at dali-daling nagtungo sa 4th floor. Dumiretso siya agad sa bodega. Pagpasok niya rito ay hindi nga siya nagkamali, naroon nga si Lhian at duguan rin ito. Dali-dali niya itong nilapitan at binuhat.
---------------------------&&&-------------------------
"Nasaan si Dominic? Nabuhay ba siya?", tanong ni Lhian matapos marinig ang buong kwento ni Edric.
"He's still in coma. Ikaw rin, you were in a coma for a week. Kaya masaya 'kong gumising ka na." Nginitian siya nito at muling hinawakan ang kamay, na agad naman niyang hinila. Hindi siya komportable. Nasa isip niyang asawa na nito si Ms. Carlene at may dalawa na itong anak.
"Pero alam na ni Papa ang lahat, at hindi maaring hindi niya pagbayaran ang mga ginawa niya", dugtong pa nito.
"Nakuha mo ba yung sing-sing?", tanong niya rito.
May dinukot ito sa bulsa at ipinakita sa kaniya ang sing-sing. Napangiti naman siya sa nakita.
"Salamat. Kung ganun, nabago na ang lahat. Wala nang kababalaghang mangyayari sa hinaharap.", masayang sambit niya.
Ngumiti ito ngunit bigla ding natigilan. "Hmm. Lhian, di'ba nakabalik ka sa panahon mo noong mamatay ka sa panahong 'to?", seryosong tanong nito.
"Oo..." Mabilis niyang sagot at nagkatinginan silang dalawa.
Maya-maya ay biglang may nagbukas ng pinto. Pumasok ang Lola Marina niya, este ang Auntie Marina niya. Bakas ang saya sa mukha nito nang makita siya.
"Lhian, salamat naman at gising ka na", sambit nito sabay yakap sa kaniya.
"Sige ho, maiwan ko muna kayo", sambit ni Edric saka umalis muna.
"Sige Edric, salamat sa pagbabantay sa pamangkin ko", tugon ng Auntie Marina niya.
Sinundan niya ito ng tingin habang papalabas ng pinto. Alam niyang may matinding iniisip ito ngayon matapos ang lahat ng ito. Problema nito kung paano makakabalik sa hinaharap. Hindi ito maaaring mamatay gaya nang nangyari sa kaniya. Kung mamamatay ito ay mawawalan rin ng saysay ang lahat. Maaaring maging maayos ang lahat para sa kaniya. Pero para kay Edric, mawawala ang magandang buhay nito kasama ang binuong pamilya.
-----------------------------&&&---------------------------
Matapos ang isang linggo pang pamamalagi sa ospital matapos magising, ay makakalabas narin siya. Si Edric ang nagsundo sa kaniya sa kwarto habang sinisettle ng auntie Marina niya ang hospital bill.
Habang naglalakad sila ni Edric sa hallway ng ospital ay nakasalubong nila si Ms. Carlene. Marahil galing ito sa kwarto ni Dominic na comatose parin hanggang ngayon. Natigilan sila pati narin ito. Nagkatinginan ito at si Edric. Siya naman ay pinagmasdan si Edric habang nakatingin dito. Hindi niya gusto ang nararamdaman kaya umuna na siya nang lakad. Pero agad naman siyang sinundan ni Edric.
Hinatid sila sa bahay ng Auntie Marina niya ni Edric. Pinatuloy muna niya ang binata para makapag-usap muli sila nang maayos nito.
"Anong plano mo?", tanong niya kay Edric.
"Hindi ko pa alam. Siguro pag-isipan ko na lang pag nagkamalay na si Dominic. Para masigurado kong okay na ang lahat.", seryosong tugon nito.
"Sorry ah. Kung hindi ko pinahanap sayo yung sing-sing, for sure hindi ka makakabalik sa nakaraan. Masaya ka sanang kasama ng pamilya mo ngayon", sambit niya.
"Hindi ka dapat magsorry. Sa totoo lang, ginusto ko rin namang makabalik sa nakaraan. Ginusto kong iligtas ka. Kung nagawa mo ngang iligtas ako kahit hindi mo ako kilala, ako pa kaya hindi magagawa yun sa'yo? Sa'yo na binigyan ako ng pagkakataong maging masaya sa buhay ko, magkaasawa, magkaanak at tumanda. Ayoko ring ipagkait sa'yo ang mga bagay na yun, nang dahil lang sa pagligtas mo sa'ken." Nakatitig sa kaniyang mga mata si Edric habang nagsasalita.
"Pero paano kung hindi ka na makabalik sa pamilya mo?", tila naiiyak siyang itanong ito kay Edric.
Yumuko ito. Sinapo ang noo, at tila gusto na ring maiyak sa tanong niya.
"If that's what's gonna happen, then maybe that's my fate this time...", tugon nito na alam niyang pinipigilan lang maiyak.
May naisip siya. "When I died before in this year 1978, I was reincarnated after 20 years. So maybe, if I'll die again this time... Baka ipanganak lang din ulit ako ng 1998 at makabalik parin ako sa dati kong buhay. Tingin mo?"
"No!", mabilis nitong tugon. "We can't risk your life! Don't you get it? You were not reincarnated. Bumalik ka lang sa dati mong buhay, because you don't belong in this time. At nakabalik ka lang, dahil ikaw rin ang bumalik sa panahong to! ---
"So mas lalong hindi ka pwedeng mamatay! Sa'yo na nanggaling, I was not reincarnated. Nakabalik ako sa panahon ko because I really belong with that time! Paano ka? You belong in this time. So if you die now, you'll be dead forever.", madiin niyang paliwanag.
"Pero mawawalan ng saysay ang pagbalik ko dito, kung hindi rin kita maliligtas Lhian", madiin nitong sagot habang nakatitig sa mga mata niya. Maya-maya ay hinawakan ng isang kamay nito ang pisngi siya. Hanggang sa unti-unti nitong nilapit ang mukha sa kaniya at marahan siyang hinalikan. Patuloy siya nitong hinalikan hanggang sa hindi niya namalayang gumaganti narin siya ng halik dito.
-----------------------------&&&---------------------------
BINABASA MO ANG
WHO IS HE?
Mystery / Thriller"'Siyang-siya nga! Pero paano nangyari yun?! Sino ba ang lalaking to'?', mga tanong na pumasok sa isipan ni Lhian nang makita ang isang lumang larawan." "Umpisa pa lang ay hindi na maganda ang kutob ni Lhian sa isang gusaling hindi kalayuan sa eskwe...