Pagpasok nila Lhian ng HR Department ay tumungo agad sila sa opisina ng HR Manager. Pagpasok nila sa opisina nito ay bumungad sa kanila ang isang babaeng tantya niya'y nasa sixty plus na ang edad, nakaeyeglasses, pero litaw parin ang angking ganda noong kabataan. Nakalagay sa desk name plate nito ang "Carlene Espanto/HR Manager".
"Anong kailangan niyo?", tanong kaagad nito nang makita sila.
"Ah... Ma'am, kumuha na raw po kami ng Trainee ID dito sabi ni Sir Alvin.", paliwanag niya.
"Kayo lang?", kunot noong tanong nito.
"Opo...", tugon ni Kriselle.
"Baka mamaya may kukuha na naman ah."
Kumuha ito agad sa drawer ng tatlong trainee ID at ibinigay agad sa kaniya. Pagkatanggap nila ay binasa muna nila ang nakasulat sa ID. Na bahagyang nakaantala sa paglabas nila ng office nito.
"Ano pa?", tanong uli nito.
"Ah... wala na po", tugon niyang may pilit na ngiti saka sila lumabas.
"Sungit naman nun!", reklamo ni Kriselle nang makalabas na sila ng HR Department.
"Matandang dalaga kasi yun!", natatawang sabi ni Marcus.
"Halata!", sang-ayon ni Kriselle.
"Sa totoo lang, sabi ni tito, maraming may ayaw sa matandang yun dito eh..."
"Pero hindi daw yun nagreresign kahit anong mangyari, kasi bali-balita, ayaw daw nun iwan yung boyfriend niyang multo na namamalagi dito", kwento ni Marcus.
"Kung anu-anong sinasabi mo Marcus! Nananakot ka na naman!", inis na sambit ni Kriselle. Sa kanilang tatlo, si Kriselle talaga ang pinakamatatakutin.
"Seryoso, yun talaga ang sabi-sabi dito." Seryoso na ang mukha ni Marcus kaya natahimik silang dalawa ni Kriselle.
"Hala!!!" Napapitlag sila sa panggugulat na ito ni Marcus.
"Bwisit ka talaga Marc!" Hinampas ito sa braso ni Kriselle pero tawa lang ito ng tawa.
"Pero pwera biro, yun talaga ang sabi-sabi rito." Seryosong sambit na ni Marcus.
"Kwento mo sa pagong!" Pabirong hinampas ito sa ulo ni Kriselle.
"Ayaw niyo maniwala, totoo yun. Minsan nga raw, nahuhuling parang may kinakausap yung HR Manager na yon na di naman nakikita ng iba." Patuloy ni Marcus.
"Ano ba daw nangyari dun sa boyfriend ni Ms. Carlene?", tanong niya.
Takang tiningnan siya ni Kriselle. "Naku Lee, wag mong sabihing naniniwala ka sa mokong na ito?!", natatawang tanong nito.
"Ang sabi-sabi, pinatay daw ang lalaking yon sa mismong building na ito.", tugon ni Marcus.
"Naku, wag ka ngang magpapaniwala sa mokong na to' Lee!", singit ni Kriselle.
"Pag ikaw minulto, wag mo kong tatawagin ah!"
"Naku, mas nakakatakot ka pa nga sa multo!", natatawang tugon ni Kriselle sa banat na iyon ni Marcus.
"Ah ganun? ganun...?" . . . . . . . . . . . .
Habang nagbabangayan ang dalawa ay iba naman ang naglalaro sa isip niya. Nang marinig niya ang kwento ni Marcus ay naisip niya kaagad ang lalaking nakasabay niya sa elevator, na mismong nakita niya rin sa litrato.
BINABASA MO ANG
WHO IS HE?
Mystery / Thriller"'Siyang-siya nga! Pero paano nangyari yun?! Sino ba ang lalaking to'?', mga tanong na pumasok sa isipan ni Lhian nang makita ang isang lumang larawan." "Umpisa pa lang ay hindi na maganda ang kutob ni Lhian sa isang gusaling hindi kalayuan sa eskwe...