#44

1.8K 51 0
                                    

•°•°•°•

Kiesha

Pang ilang tawag na ba 'to ni Xandro? Ewan. Hindi ko na alam. Kasi naman. Nahihiya ako. Kainis.

Char pabebe

Maya maya ay huminto na ito sa pagtawag. Aysh. Hindi pa ako tapos magpabebe eh. Habang nakatitig lang ako ay may nag pop out na mensahe galing kay Xandro.

Xandro: Rei, pick up. I wanna see you. I swear i'll behave, i won't disturb you.

Napatitig nalang ako sa mensahe nya. Boshet ang isang to. Palagi nalang ako pinapakilig. Tsk!

Habang nakatitig lang ay biglang lumabas ulit ang pangalan ni Xandro. Sagutin ko na nga.

Nang sagutin ko ito ay agad bumungad sa akin ang gwapong mukha nya habang nakahiga sya at nakasandal sa headboard. Napaiwas ako ng tingin nang makita na nakahubad lang sya pero hindi naman nakikita yung sa ibaba. Yung sa itaas lang ng dibdib nya.

Sayang nga eh...

Charot.

He flashed a boyish smile when he saw my reaction. Ang isang ito! Alam na alam kung kelan ako asarin. Tsk.

"M-mag damit ka n-nga!" Singhal ko habang nakaiwas ang tingin. Gusto kong balibagin ang sarili ko dahil sa pagkakautal.

Rinig ko ang halakhak nya kaya naman ay agad akong napatingin sakanya at agad akong napaiwas nang makita na gumalaw sya upang humiga at nakita ang dibdib nya.

Humalakhak sya ulit dahil sa reaksyon ko. Bwisit!

"Alright. Magbibihis muna ako. You can't cook if we keep being like this, Rei." Bago nya ibinaba ay humalakhak sya. Saya lang? Kakatawa yon?

Bwisit!

Dahan dahan na akong nagsimula na magluto dahil mukhang gutom na ang mga kapatid ko. Habang nagtatadtad ng sibuyas ay biglang tumawag si Xandro kaya walang pagdalawang isip ko itong sinagot.

"Nakabihis nako. Are you cooking already?" Bungad nya sa akin habang naka tayo lang sa harap nya ang phone nya at nakaupo sya sa isang lamesa at mukhang may sinusulat.

"Yup! Ikaw ba? May ginagawa ka?"

Napabuntong hininga naman sya bago tumango, "Uh, yeah. Put your phone down and continue cooking, Rei. I'll do my job here."

"Kelangan ba talaga?" Alanganin kong tanong. Nakakahiya kasi.

Tumingin sya sakin gamit ang mapungay nyang mata at humalakhak. Shet! Ang sexy!

"Put it down, Rei."

Tumango naman ako at humanap ng anggulo kung saan makikita ako habang nagluluto. Nagdahan dahan na akong magtadtad habang sinusulyapan lang sya. Nakita ko naman ang pag ngiti nya.

"There. Much better."

Loaded to a Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon