#62

1.6K 45 4
                                    

•°•°•°•

Kiesha.

Ansama talaga ng ugali nya. Tsk. Ni seen lang ako?! Aba aba.

Napabuntong hininga nalang ako matapos ko isend sakanya ang huli kong message. Kailangan kong matulog ng maaga 'no. Exam ko pa bukas.

Di man lang sya naka pag goodluck. Hays

Nakatulala lang ako habang nakatitig sa mga kapatid ko na mahimbing na natutulog.

Wait.

Bakit naman ako ganito umarte?

Hindi naman kami.

Napailing nalang ako sa naisip at mapait na ngumiti. Dahan dahan akong umalis sa kwarto ng mga kapatid ko at pumasok na sa akin. Sumalampak ako sa kama at napatitig sa kawalan. Baka naman busy sya.

Sobrang busy naman ata kung ganon.

Tapos na ako sa pag rereview sa lahat ng subject ko. Dapat sa ngayon ay natutulog na ako pero hindi talaga ako makapag isip ng tama. May nangyari kaya sa kanya? Tsk.

At dahil hindi ako mapakali ay binuksan ko muna ang Instagram ko at binisita ang kanyang profile.

"Wala naman syang bagong post." Sambit ko sa sarili. Tsk. Bakit ganun?

Nag scroll ako at nag scroll hanggang sa may makita akong litrato na pinost ng isa nyang pinsan.

Ryker_Maldrid: Aba si pinsan may bagong target.

Iyon ang caption ng post nya. Sa litrato na iyon ay makikita mo ang lapit ng dalawang tao na naroon. Nakasandal ang lalaki sa railings at sa harap nya ay may babae na nasa kanyang leeg ang mga braso. Nakasuot ng simpleng maong shorts, v neck shirt na puti at vans na sapatos ang lalaki habang nakatingin sa babae. Ang mga kamay ay nakahawak sa railings na nasa likuran. Ang babae naman sa harap nito ay may suot na shorts, crop top shirt at may shades ngunit kitang kita na nakatingin din sya sa lalaki.

Comments:
Zach_Maldrid: Victim-di-na-mabilang-kung-pang-ilan
Reid_Lincoln:
Amp

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman roon. Sumikip ang dibdib ko at para itong hiniwa. Agad kong pinatay ang cellphone ko at humiga sa kama bago nagtalukbong ng kumot.

"Ano namang karapatan ko? Hindi naman tayo." Mapait akong napangiti sa sinabi.

Loaded to a Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon