#80

1.7K 55 5
                                    

Kiesha.

Nakahiga pa din sya sa kama ko at ako naman ay dinadampi dampi ang basang towel sa mukhanya para mas madali syang mahimasmasan.

"Namimiss na din kita.." bulong ko sa kanya at dinampi dampian ang panga nya. Napatigil ako at napatitig sa kanya.

Ang tagal ko din na hindi nakita ang mukhang 'to.

"Pero hindi pwede." pagpapatuloy kohabag nakatitig pa din sa mukha nyang payapa na nakapikit at natutulog.

Tinabi ko muna ang towel at ang dala kong basin na mayroong mainitna tubig. Lumapit ako sa kama at umupo sa gilid nito at hinaplos haplos ang buhok nya.

"Tagal kitang di nakita ah? Kamusta ka?"

Para na akong tanga na kinakausap ang tulog pero wala akong pakialam dahil namiss ko talaga sya.

"Pwede ba tayong bumalik sa mga panahon na hindi pa tayo humantong sa ganito?"

"Then tell me what's wrong.."

Agad akong napatingin sa mata nya na ngayon ay nakabukas na. Shit. Narinig nya ba lahat? Sa buhok nya lang kasi ako nakatingin.

Stupid!

Wala akong naisagot sa tanong nya. Gumalaw naman sya upang maupo sa kama. Iniwas ko ang tingin ko dahil sa mapupungay na mata nyang nakatitig sa'kin. Nang makaupo sya ay inabot nya ang dalawang kong kamay at hinawakan ng napaka higpit iyon.

Napatingin ako sa mukha nya nang mapabuntong hininga sya habang nakapikit, "Fuck. I wanted to hold you like this these past few days but I can't." Bumukas at mata nya at bakas na bakas roon ang lungkot.

"Xandro.."

"Rei, please? Will you tell me what's wrong? What did I do for you to treat me like this, baby?" Nagsusumano nyang tanong.

Pilitko naman kinuha ang kamay ko na hawaknya, "Bakit ba ganyan ka? Diba may babae ka naman? Bakit ka ba nandito sa'kin?"

Napakunot naman ang noo nya at mas hinigpitan ang kapit sa mga kamay ko para hindi ako makawala, "Babae.. what? Wala akong babae, Rei."

Agad bumuhos sa'kin ang matinding galit kaya naman ay nahila ko ang kamay ko mula sa kanya.

"Anong wala?! Kitang kita ko, Xandro! Wag ka ng mag maangan pa!"

Lumapit naman sya sa'kin at pilit akong pinapakalma, "Where did you get that shit, Rei?" Nakakunot noo nyang tanong.

Kitang kita ko sa post ng pinsan mo, Xandro!" sigaw ko sa mukha nya mismo at bahagya pa akong hiningal.

Naging maamo ang mukha nya na para bang naaalala nya na. Bumulong bulong sya ng ilang mura bago sarkastikong natawa.

"You believed what you saw?"

Deritso akong tumingin sa kanya, "Dahil sa reputasyon mo, oo." Walang atubiling kong sagot sa kanya.

Napaawang naman ang labi nya at bumalatay sa buong mukha nya ang sakit. Tumalikod sya sa akin at huminga ng malalim. Nang humarap sya sa'kin ay parang piniga ng ilang beses ang puso ko dahil kitang kita ko ang pagkinang ng luha sa gilid ng mata nya.

"Fuck. That hurts so much, Rei."

Hindi ako nakasagot sa kanya. Parang napipi ako dahil sa nakita kong luha sa mata nya. Iniwas nya ang tingin sa'kin.

"That woman,you saw in his post, kept on chasing me the whole trip we were there." Pagsisimula nya.

I knew it!

"But I kept ignoring her. Yes. She's sexy. She's beautiful. But nothing and no one can top you. You will always be at the top for me, Rei."

Napayuko ako dahil sa narinig mula sa kanya. Shit.

"That picture you saw. That was the time she went to me and asked for my number." Napahinto sya at bumuntong hininga.

"And you gave her?" Maingat kong tanong.

Napangiti sya ng mapait, "No. I told her i'm inlove with someone. That i'm smitten by someone and no one else, no matter how sexy they are, can beat her place in my h-heart." Bahagyang gumaralgal ang boses nya.

Napatingin ako kaagad sa kanya at kitang kita ko ang panginginig ng labi nya. Pinipigilan nya din ang pagtulo ng luha nya.

Shit. What have I done?

"X-xandro.."

Lumingon sya sa akin at ngumiti ng mapait, "I'm sorry I wasn't able to contact you for how many days. I left my phone at the conference room and didn't have much time to get it since I was finishing some stuffs as fast as I can so that I..I.. I can go home to you." Kitang kita ko kung paano nya pinipigilan ang emosyon nya. Shit.

"The day I told you i'm outside the building, it was when I got home. Agad akong dumeritso sa'yo kasi.. kasi pagod na pagod ako at alam ko na ikaw lang ang pahinga ko." Napatingin muna sya sa akin bago yumuko at pinaglaruan ang kanyang kamay.

"B-but I don't know what I did wrong f-for you to treat me like that." Sa oras na yun ay parang pinipiga ang puso ko dahil sa nakita kong pagtulo ng luha nya habang nakayuko.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya na natuluan ng luha nya, "Shit. I'm sorry.."

"I missed you so much but all I heard from you were harsh words and it hurts." Nakatingin na sya sa akin ngayon na para bang bata na naiwan ng nanay.

"But what hurts the most is hearing from you of what you think of me. Hearing from you how you see my feelings for you as a shallow one." Tumulo na naman ang luhanya at hindi nya na napigilan ang iba pa kaya naman ay napayuko nalang sya.

"I- i know i'm a playboy but I didn't have girls when you came. I focused my full attention on you. Lahat, Rei. I may be a jerk in the past but what I feel for you is true so.. so please, don't hurt me like that again." Agad ko syang niyakap at hinagod hagod ang likuran nya. Humikbi sya sa leeg ko. Hindi ko na din napigilan pa ang pagtulo ng luha ko.

"I don't care if other people say the same thing to me but if it's from you.. it hurts so much because your opinion matter to me, baby." Humihikbi nya pang sabi at yumakap sa akin ang dalawa nyang braso.

"Oh God, I'm so sorry, Xandro. I'm really sorry.." Umiiyak ko na din na sabi.

"It's so painful, baby." bulong nya pa.

Sa gabing iyon ay umiyak lang kami ng umiyak hanggang maubos ang luha namin. Hindi man naalis ang sakit ay ang mahalaga, kasama namin ang isa't isa habang iniiyak lahat ng sakit.

I'm so sorry, baby...

____________________________________________________

Aporiam:

This chapter goes out to all the people. Hindi lang sa mga magjowa. It's very easy to judge quickly base from what you see and whenever we conclude something that is painful for us, it hurts so much, right? pero i guess losing someone just because of "maling akala" hurts more. It's always better to ask than to conlude. Keep that in mind. Lovelots. Stay safe! 💙

Loaded to a Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon