MARVIE
MAAGA akong pumasok sa coffee shop. Mag-a-alas sais pa lang ata ng umalis ako sa bahay at tulog pa sila Mama, Papa at Marjie. Pagkarating ko ay bumungad sa akin si Ate Eula, isa sa mga crew ng coffee shop.
"Oh Marvie, ang aga mo yata." Pansin nito sa akin. Inaayos naman nito ang mga upuan tsaka nililinisan ang mga table. "Hindi nga pala ako nakapasok kahapon kasi nagkasakit yung lola ko. E, sa walang mag-aalaga kaya ayon, no choice, absent muna ako sa work."
Kaya pala kami lang ni Flin kahapon ang nandito. Mabuti na lang at kakaunti lang ang costumer.
Agad ko namang isinuot ang apron."Naku, ok lang. Kaunti lang naman 'yong costumer kahapon," nakangiti kong sabi sa kaniya."Ay, bakit nga pala hindi pumasok si Leguine kahapon?"
Wala rin kasi kahapon 'yong wierd na lalaki na 'yon.
"Aba ewan ko do'n. Baka naman nakipagdate." Tumawa naman siya ng mahina. "Malay mo, may jowa na 'yon."
Bitbit ang map, sinimulan ko namang linisin ang medyo maruming sahig.
"Si Leguine magkakajowa? E, hindi nga 'yon makausap ng maayos."
Napatawa na rin ako nang mahina.
"Ewan ko ba do'n, kahit sa culinary school, ganoon din yo'n." Kaklase ko kasi si Leguine. Kapwa rin kaming nagta-trabaho dito sa coffee shop. What a coincidence right?
"Grabe ka sa kaniya. Kahit gano'n yo'n may magkakagusto pa rin naman do'n. Gwapo naman si Leguine, matangkad, maputi, wierd nga lang."
Inismiran ko naman siya tsaka nginitian ng nakakaloko.
"Bakit? Type mo si Leguine 'no?" tanong ko sa kaniya dahilan para mapa-ubo ito ng wala sa oras.
"Seryoso ka! Si Leguine?"
Humagalpak naman ito ng tawa. Napapahawak pa ito sa tiyan niya.
"Huwag ka ngang mag-joke diyan, five years ang agwat ko do'n 'no! At syaka di ako bet no'n!" Napapaluha na lamang ito sa kakatawa. Lumapit naman ito tsaka tinapik tapik ang balikat ko. "Ikaw ah, kailan ka pa natutong mag joke?"
"'H-Ha? 'Di naman joke iyon."
"E, nakakatawa e!" Humagalpak ulit ito. "Pinasaya mo umaga ko!"
Tss, ang babaw naman ng kaligayahan nito. Natigil na lamang siya sa pagtawa ng biglang bumukas ang pintuan. Naalarma naman kami pareho.
"Good morning welcome to Sunshine Coffee---good morning, Sir Flin," sabay naming bati ni Ate Eula ng makitang si Flin pala ang pumasok. Ang akala kasi namin ay costumer.
"Oh, goodmorning," bati naman nito pabalik. Agad naman nitong isinuot ang apron. "Ang aga niyo ah?"
"A-Ano kasi sir, pambawi ko kahapon," sabat naman ni Ate Eula na bahagya pang nakakamot sa ulo.
"Ah, right." Napatingin naman siya sa akin. "Napaaga ka rin ata?"
"Ah, kasi... ano maaga akong nagising hehe," nahihiya kong sabi.
"Ay sus, maniwala kayo riyan sir, gusto lang niyan na makita kayo ka agad," panunukso ni Ate Eula sa akin.
Kitang-kita ko naman ang pagngiti ni Flin. Litaw tuloy ang mapuputi nitong ngipin, mas lalo talaga siyang gumagwapo.
"I see," nakangiting sabi nito.
"Ay, back to Leguine." Humarap naman sa akin si Ate Eula. "Feeling ko ikaw 'yong type no'n."
Muntik na akong masamid sa sarili kong laway. S-Si Leguine? Seryoso ba siya?
"A-Ano po bang pinagsasabi niyo," hindi makapaniwala kong sabi. Ang lawak talaga ng imagination nitong si Ate Eula, pwede siyang maging writer. "Anong ako? Bakit ako?"
Paano naman ako naging type no'n?
"Ay sus, pa manhid effect pa e."
"Ha? Hindi talaga---"
"You two, magtrabaho na kayo," malamig na sabi naman ni Flin, dahilan para mapabalik kami sa mga gawain namin ni Ate Eula. Ramdam ko naman ang titig sa akin ni Flin.
Anong nangyari rito? Kanina good mood ngayon parang sinapian ng cold na multo?
Teka, narinig niya ba 'yong pinag-usapan namin ni Ate Eula?
___
"Hindi na bumibisita yung boyprend mo dito ah?" pagbasag ni mama sa katahimikang namamayani sa hapagkainan. Tanging ang kalansing lamang ng mga kutsara at tinidor ang maririnig.
"Ah, busy po 'yon ," naisagot ko na lang. Mag-dadalawang linggo na atang hindi nakakadalaw si Flin dito sa bahay.
"Eh, kailan niyo ba balak magpakasal?"
Muntik ko ng maibuga yung iniinom kong tubig dahil sa tanong ni papa.
"Nakakagulat naman kayo, Pa," natatawa kong sabi.
"Ano ka ba, Hon. Saka na siguro iyang kasal-kasal na 'yan. 'Di pa nga nakakagraduate itong anak natin," natatawa ring sabi niama.
"Ate, flower girl ako ah?" masiglang saad naman ng bunso kong kapatid. Nginitian ko naman siya.
"Syempre naman."
"Yey!"
"Dali. Ubusin mo na iyang pagkain mo," utos ko sa kaniya na agad din naman niyang sinunod. Napatingin naman ako kay mama, napansin ko kasing medyo nag-iba ang mood niya.
"Ma? Ba't parang nanlumo kayo?"
"K-Kasi natatakot lang ako para sa'yo, anak."
Natatakot?
"Bakit naman, Ma?" kinakabahan kong tanong.
"Alam mo naman si Flin, galing sa mayamang angkan. Baka kasi hindi tayo tanggapin ng pamilya niya. Iba kasi anak ang mayayaman. Kapag malaamn nilang mahirap lang tayo, baka---"
"Napaka-negative talaga nitong .ama mo." Hinawakan naman ni papa ang kamay ni Mama. "Mabait na binata si Flin. Mahal niya anak natin. At sigurado akong matatanggap tayo ng pamilya niya gaya ng pagtanggap natin sa kaniya."
Tumango na lamang si mama sa sinabi ni papa. Hindi ko naman maiwasang mapangiti.
I'm blessed to have them.
"Nga pala, anak. May naikwento iyong kumpare ko. Naikwento ko kasi sa kaniya si Flin. Sinabi ko na boyfriend mo ang nag-iisang anak ng mga rockwell," pag-iiba ni papa sa usapan. Hindi halatang proud si papa kay Flin 'no? "Nakakapagtaka anak, ng sabi niya kasi, dalawa daw ang anak ng mga rockwell."
Natigilan ako sa sinabi ni papa.
"P-Po?"
"May kapatid daw si Flin."
Ang sabi sa akin ni Flin ay only child lang siya.
"Baka naman nagjo-joke lang 'yong kumpare mo, Hon," singit naman ni Mama. Ngunit umiling naman si papa.
"Nagtrabaho daw kasi siya ng ilang years sa Villa ng mga Rockwell bilang isang hardenero. At hindi siya pwedeng magkamali. Dalawa ang anak na isinilang ng Donya."
So it means... nagsinungaling si Flin sa akin? Nagsinungaling siya tungkol sa pagkatao niya?
BINABASA MO ANG
Dangerous Allure
Mystery / Thriller• [COMPLETED] Mystery Marvie, a college student and a part time service crew at a famous coffee shop owned by his boyfriend Flin, finds herself trapped in a web of accusations and deadly secrets. Blamed for the tragic deaths of her friends, Marvie i...