CHAPTER 09

1K 70 11
                                    

MARVIE

"HIMALA ata, nauna umalis si Leguine kaysa sa'yo," nakangising sabi sa akin ni Ate Eula. Nginitian ko na lamang siya habang nasa cellphone ang atensyon ko.

"Tinatamad pa akong pumasok e," nasabi ko na lang. Ang totoo niyan ay sinadya ko talagang magpahuli para masundan ko si Leguine. Nakatutok ako ngayon sa cellphone ko para bantayan ang oras. Five minutes pa lang simula ng lumabas si Leguine sa coffee shop para pumunta sa CS (culinaryschool).

Makalipas ang ilang minuto ay napatayo naman ako sa kinauupuan kasabay ang pagtanggal sa suot kong apron. "Ah, Ate Eula papasok na po ako."

"Ha? Akala ko ba mamaya ka pa?" Inabot ko naman sa kaniya yung apron ko.

"Nagtext kasi 'yong kaklase ko na bawal daw ma late dahil may importanteng anouncement 'yong Culinary Instructor namin," pagsisinungaling ko. Napatango na lamang si Ate Eula.

"Oh, siya sige."

Agad naman akong pumunta sa Cr para magpalit ng damit. Pagkatapos ay agad akong nagpaalam kay Ate Eula. Mabuti na lang talaga at kakaunti lang ang costumer ng coffee shop dahil siguradong mahihirapan si Ate Eula. Mag-isa lang kasi siya ngayon dahil hindi pumasok si Flin. Masakit pa rin kaya 'yong ulo no'n? Tawagan ko kaya siya mamaya? Simula kasi ng makausap ko siya kagabi ay hindi ko na siya nakausap kaninang umaga hanggang ngayon. Nag-aalala na ako.

Napatayo naman ako sa gilid ng kalsada. Nang makita si Leguine ay agad akong nagtago sa may malaking puno. Sumakay ito sa may taxi. Nang tuluyan naman siyang nakaalis ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko at sakto namang may humintong taxi sa harap ko. Sumakay naman ako ka agad.

"Manong sundan niyo po iyong taxi na 'yon." Turo ko doon sa taxi na sinakyan ni Leguine. Ngayon ko na malalaman kong may tinatago ba si Leguine. Malalaman ko na rin ang buong pagkatao niya.

Kumunot naman ang noo ng taxi driver. "Bakit hija? May atraso ba sa'yo 'yon?"

Napailing naman ako."W-wala po. Ano, ahm, importante lang."

Tumango-tango naman si Manong tsaka nagpatuloy sa pagmamaneho. Panay naman ang sulyap ko doon sa taxi na sinasakyan ni Leguine. Baka kasi bigla na lamang mawala sa paningin ni Manong driver, mahirap na.

Nagulat naman ako nang makita ang pag-iba nito ng deriksyon. Sigurado akong hindi iyon ang daan papunta sa CS! Sinundan naman namin iyon. Ang kaninang maaliwalas na tanawin ay napalitan ng nakakatakot na paligid. Matataas na building na halos hinaharang ang sikat ng araw. Malalaki rin ang puno na nakahilera. Walang masyadong tao. Kapansin-pansin din ang katahimikan sa lugar.

"Hija, ngayon lang ako nakapunta sa lugar na 'to," rinig kong sabi ni manong driver. Tss, kahit ako eh, first time kung makapunta dito.

"Pasensya na manong importante lang kasi."

"Culinary arts student ka di ba?" Napatingin naman siya sa uniform ko sa pamamagitan ng pagsulyap sa salamin na nasa harap niya."Requirement ba ninyo ang pagpunta sa lugar na 'to?"

"Ah, h-hindi po."

Paano ko ba e-explain kay Manong 'to? Hindi ko naman pwedeng sabihin na kaya ko pinapasundan iyong taxi na sinakyan ni Leguine kasi inaalam ko ang sikreto nito. Na baka isang psychopath ito.

"I-Importante lang ho talaga."

Huminto naman bigla ang taxi.

"Huminto yung taxing' pinapasundan mo Hija."

Napatingin naman ako sa harap. Tama nga ang sinabi ni Manong, huminto nga iyong sinakyang taxi ni Leguine. Kinuha ko naman ka agad ang one-hundred sa bulsa ko at ibinigay iyon kay Manong.

Dangerous AllureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon