CHAPTER 04

1.4K 82 11
                                    

MARVIE

NANG matapos ang hapunan namin ay agad akong pumanhik sa kwarto. Gusto kong matulog ng maaga at magising ng maaga bukas. Naghalf bath muna ako bago tuluyang humiga. Napatitig na lamang ako sa kisame. Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin 'yong mga sinabi ni Papa.

Paano naman nangyari 'yon? Wala naman akong nakikitang kapatid na kasama ni Flin? Wala rin naman siyang ipinakilala?

Napabuntong hininga na lamang ako kasabay ang pagyakap sa mga malalambot kong unan. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang...

"Ate."

Napabangon naman ako ka agad ng marinig ang boses na iyon galing kay Marjie, ang bunso kong kapatid.

"Oh? Bakit nandito ka?" tanong ko dito. May hawak-hawak itong unan. Naka-pajama na ito at ready na sa pagtulog.

Napanguso na lamang ito."Pwede po ba tabi tayo matulog?"

"Bakit naman?" natatawa kong tanong.

"N-Natatakot po ako e."

"Halika nga rito." Lumapit naman siya sa akin. "Bakit ka naman natatakot?"

"Yung classmate ko po kasi 'yong tatay niya pinatay."

Natigilan ako sa sinabi niya."Pinatay? Bakit naman?"

"Ang sabi ng klasmeyt ko, 'yong nanay niya ang pumatay."

Ano? Paano naman nangyari iyon? Seryoso naman akong napatingin kay Marjie. Sa edad niyang siyam, hindi niya maiintindihan ang mga ito, sigurado ako.

"At ang sabi pa nga ng klasmeyt ko, parang may mali daw po sa nanay niya, parang laging balisa, tapos kapag kinakausap laging tango lang. Tapos isang gabi nag-away 'yong nanay at tatay niya. Tapos ayon, sinaksak daw ng nanay ng maraming beses ang tatay niya."

Nararamdamn ko ang takot sa tono ng boses ng kapatid ko. Kahit ako, kinikilabutan ako sa mga kwento niya. Tumitindig ang mga balahibo ko.

"Ang sabi pa nga ng mga pulis baliw na raw yung nanay ng klasmeyt ko. Pero sabi naman ng mga tao, psychopath daw." Napayakap na lamang siya sa akin."Ate, natatakot ako. Ano po ba 'yong psychopath?"

P-Psychopath?

___

"Kanina ka pa nakatulala riyan, baka mamaya iyang kamay mo ang ma-slice ng kutsilyo," rinig kong sabi ni Luca sa gilid ko. Napatingin naman ako sa kaniya."Oh? Bakit ka naman nakatingin sa akin? Ikaw ah, ang wierd mo ngayon."

Napakurap na lamang ako ng ilang beses saka napayuko."P-Pasensya na. Marami lang talaga akong iniisip." Muli kong ipinagpatuloy ang pagslice.
Nagprapractical kasi kami ngayon. At kagrupo ko si Luca.

Umabot ng isang oras bago namin natapos ang practical namin. Napa-appir na lamang kami sa bawat-isa nang makitang successful ang niluto naming steak.

"Excellent! And now, pwede niyo na siyang kainin," anunsyo ng Cuisine Instructor namin.

Si Luca naman ang unang tumikim.

"Masarap!"

Sunod naman ay si Seiji.

"Ok."

At ako naman ang panghuli.

"Hmm, good!" wika ko at nagthumbs na lang ako.

Gano'n din ang ginawa ng ibang grupo. Tigta-tatlong member kasi ang bawat grupo. Si Luca at Seiji naman ang ka-member ko. Nang matapos ang practical ay kaniya-kaniya ng linis ang bawat isa sa amin. Kinuha ko naman ang basahan tyaka nilinisan ang bawat table.

"Oh ikaw, Mr. Foster? Di ka ba maglilinis?!" sigaw ng babae naming kaklase. Napatingin naman ako doon sa kausap niya."Mamaya ka na magbasa, tulungan mo muna kami."

Pero hindi siya pinansin nito, nagpatuloy lang ito sa pagbabasa. Natatakpan ng magulo nitong buhok ang kaniyang mukha kaya hindi ko makita ang ekspresyon niya. Bahagya rin kasi itong nakayuko. Ano pa nga bang aasahan dito sa lalaking 'to? Napakawierd, unusual ang mga hobby niya. Kahit sa coffe shop eh, gano'n din ang mga kinikilos niya.

Nagulat ako ng biglaan itong tumayo. Hindi nito pinansin ang babae naming kaklase sa halip ay naglakad ito paalis.

"Hoy! Saan ka pupunta?!"

Napadaan ito sa harap ko. Hindi ko naman inaasahan na magtatagpo ang paningin namin dalawa, ang mala-hazelnut na kulay ng mga mata nito ay nakaka-attract sa paningin. Mas kumintab pa ito sa paningin ko ng bahagyang tumama doon ang ilaw na nagmumula sa hawak na flashlight na hawak-hawak ng kaklase ko. It's my first time to see his eyes.

Pero bahagya akong nakaramdam ng takot. Kakaiba siya tumingin. Parang pinaghalong takot at lungkot ang makikita sa mata niya.

Nagpatuloy naman ito sa paglalakad paalis. Hindi sinasadyang nabaling ang tingin ko sa binabasa nitong makapal na libro.

Bahagya pa akong nagulat nang makita ang title ng libro.

'How to deal with a Psychopath'

Dangerous AllureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon