CHAPTER 16

2.1K 50 21
                                    

MARVIE

ISANG TAON na ang nakalipas simula ng mangyari lahat ng iyon. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala, parang kahapon lang nangyari ang lahat. Napakalaki ng pinagbago. Napakali ng adjustment na pinagdaanan ko.

Leguine explained everything after what happened on that night. Pati na rin ang tunay na pagkatao ni Flid. At kung paano nito pinatay si Flin. They were identical twins. Ngunit sadyang lumaki si Flid na dala-dala ang pasakit at panibugho. Linukob ng labis na pagseselos ang pagkatao nito kaya nagawa nitong patayin si Flin. At ako, isa ako sa mga dahilan ni Flid. Leguine told me that Flid has a secret crush on me.

Lagi nga raw kami nitong sinusundan ni Flin kapag may date kami. Nasaksihan din ni Leguine kung paano laging nagtatalo ang magkambal. Napaka-opposite nila. Kaya kahit na anong hgawin ng mga magulang nila ay hindi talaga mapagkasundo ang dalawa.

"Even if I'm adopted and not a real brother of them, I badly wanted to see them hugging and smiling at each other. But, I think it's really impossible. But I'm not going to lose hope. Malay natin magkasundo na sila sa kabilang buhay. At ako ang unang matutuwa kapag mangyari iyon." Naalala kong sambit ni Leguine. His eyes are full of hope. Kung nasasaktan ako sa mga nangyari ay siguradong mas nasasaktan din siya. He's a caring brother even if he's just an adopted son of the Rockwell family.

Naayos at nalinis na din ang pangalan ko. Everything is fine now. Nalaman at napag-alaman na ng lahat na hindi ako ang may kasalanan. Si Flid ay nakakulong ngayon. Ngunit nagulat din ako ng malamang nadamay at napatay rin ni Flid si Seiji.

Hindi ko alam ang mga gagawin ng mga panahong iyon. My life was devastated. Nadamay pa si Seiji!

Kinailangan ko pang mamalagi sa ibang bansa upang tuluyang makalimot sa mga nangyari. Doon ko din ipinagpatuloy ang pag-aaral ko ng culinary arts. And after I graduated, bumalik ulit ako sa Pilipinas upang magtrabaho.

Pansamantala kong kinalimutan ang lahat at ipinokus sa trabaho at sa pamilya ang aking atensyon. I work hard. Ginugol ko ang bawat oras ng aking buhay sa dalawang mahahalagang bagay lamang.

Pamilya at trabaho.

Pero tila hindi talaga ako tinatantanan ng nakaraan. Bumabalik at bumabalik pa rin sa isip ko ang mga nangyari. Minsan, natatagpuan ko na lamang ang sarili kong umiiyak. Mahirap, mahirap kalimutan yung mga nangyari lalo na't tumatak ang mga iyon ng labis sa utak ko. Mahirap kalimutan.

"I'm sorry kung ngayon lang ako nakadalaw sa iyo. Kinalma ko pa kasi sarili ko. Inayos ko muna 'yong buhay ko," mahina kong sabi saka inilagay ang mga bulaklak sa puntod niya. "Kumusta ka na? Sana ayos ka lang riyan." Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko akalaing hahantong sa ganito ang lahat. "Huwag mo na akong isipin, masaya na ako ngayon. Sana mahanap mo diyan ang kaligayahan. Sana maging masaya ka--"

"Marvie?"

Agad akong napalingon sa taong nagsalita.

Nanlaki naman ng labis ang mata ko ng makilala kung sino 'yon.

"L-Leguine?" tanong ko. Naglakad naman ako palapit sa kaniya. "Long time no see. Kumusta ka na?'' Nang gabing iyon kasi ang huling beses kong nakita ang mukha niya. Hindi na ulit kami nagkausap at mas lalong hindi ko na rin siya nakasama.

"Yeah, I'm fine," sagot nito. "You're here too?"

Tumango naman ako. "Ah, oo. Naisipan ko kasi siyang dalawin," sagot ko. Napatingin naman ako sa hawak niyang mga bulaklak. "Mukhang dadalawin mo rin ata siya."

"Yes," natatawa niyang sagot. Naglakad naman siya palapit sa puntod ni Flin. Inilagay naman niya ang mga bulaklak doon. Kahit hindi ko man rinig ang sinasabi niya ay alam kong kinakausap niya ito nang tahimik. Hinintay ko naman siyang matapos.

"Mukhang ok na ang lahat," rinig kong sabi nito. Nakapamulsa naman siyang naglakad palapit sa akin. Huminto naman siya sa gilid ko. "Masaya na suguro siya roon."

"Sana nga." Napatingin ako sa mga ulap. "Sana nga, Leguine."

"Aasahan talaga na laging may pagsubok na darating. Lahat ng tao dumaranas niyan. Ang pinagkaiba nga lang ay kung paano nila lalampasan ang mga iyon."

Tumango naman ako.

Tama siya.

Dahil sa kabila ng pagsubok, may pagbangon. Hindi permanente ang kalungkutan at mga pait sa buhay.

Dahil sa huli... may pag-asang naghihintay. Bago, maayos at matiwasay na buhay.

This is not the end of everything. Life continues. But the difference is... you'll dealing with a new adventure waiting for you to come over.

Maybe life is unfair. But throughout the day, it will give you some meaningful lessons that you can bring until your last breath. This is not the end. This is only a start for the new beginning. New struggles to cope up.

Sabay naman kaming naglakad paalis ni Leguine doon. Tahimik naming nilasap ang sariwang hangin. Ngunit napahinto naman kami sa paglalakad ng makita ang isang lalaking nakatayo sa gitna ng passageway. Nakasuot ito ng brown na cloak. May sumbrerong suot at may dalang itim na payong.

Napatingin ako kay Leguine. Panay ang lunok nito at mahahalata ang takot sa mukha nito.

Hindi ko maiwasang magtaka sa ikinikilos niya. Sino ba ang lalaking ito? At bakit ganito na lamang ang inaasta ni Leguine.

Unti-unting inalis ng lalaki ang sumbrero niya. Inangat niya rin ang kaniyang mukha kaya kitang-kita namin ni Leguine ang pag-ngisi nito.

"Ravi de vous voir tous les deux."

Mabagal na naglakad ang lalaki palapit sa'min. Ginawa naman nitong tungkod ang kaniyang payong.

"Je vous manque?"

Nagpatuloy ito sa paglalakad.

"S-Sino siya?" bulong ko kay Leguine. "Kilala mo siya?"

Tumango siya at pilit na pinakalma ang sarili.

"He is Flare Gaush Rockwell."


_

END
ALL RIGHTS RESERVED 2022

Dangerous AllureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon